webnovel

Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog)

Urban
Laufend · 7.8M Ansichten
  • 2267 Kaps
    Inhalt
  • 4.7
    867 Bewertungen
  • NO.200+
    UNTERSTÜTZEN
Zusammenfassung

“Bakit napakalibog ni Si Ye Han? Ganito pa rin ang tingin niya sa akin?” Pagkagising niya, tiningnan niya ang kanyang sarili sa salamin: sinalubong siya ng sabog na wig, tatuan at mala-demonyong makeup. Kahit isang segunda lang, paniguradong masusunog ang mga mata ng isang normal na tao. Iba ang lalaking iniibig niya sa una buhay noon, bago siya mabuhay muli. Gusto niya lamang makawala kay Si Ye Han na kinagagalitan niya dahil ikinulong siya nito, Pero nang mabuhay siya ulit, nag-iba ang kanyang pananaw kay Si Ye Han, umaasa na siya na baka… magbabago na ito? Sa buhay niya noon, walang direksyon at napakagulo ng isip niya. Naghiwalay sila ng gwapo niyang asawa, sinaktan ng masama at mapanirang tao; higit sa lahat, ginamit siya ng matalik niyang kaibigan. At sa huli, siya ay naiwang nag-iisa. Pero ngayon, sa panibagong buhay niya, hinihintay at nagpa-plano na pabagsakin pa lamang siya ng mga masasamang taong iyon. Pasensya na pero, hindi na muli magpapaloko ang babaeng ito!

Chapter 1Aalis pa rin?

Binuksan ni Ye Wan Wan ang kanyang mga mata.

Bumungad sa kanya ang mga matang nagbugay sa kanya ng chills at ginambala ang kanyang

kaluluwa.

"Ah—"

Mahigpit na inikot ng kanyang mapuputlang daliri ang kobrekama.

Muli, kinailangang niyang tiisin ang sakit ng paghihiwa-hiwalay ng kanyang katawan.

Ito na ba ang impyerno?

Bakit ba bumabalik pa rin ako sa tabi ng demonyong ito kahit na patay na ako?

Nataranta siya dahil sa mataas na temperatura nito at bilang tugon, nilabanan niya ito at

sinabing, "'Wag mo kong hawakan!"

Sa isang mabilis na pagkilos, tila ba'y napadait siya sa yelo. Isang nakakatakot at uhaw sa

dugong reaksyon ang bumalot sa mukha ng lalaki at walang awa siyang kinagat ng nanlalamig

nitong mga labi na para bang nais siyang lamunin ng buo.

Hindi makapag-isip ng maayos si Ye Wan Wan dahil sa sobrang sakit. "Bakit… Bakit ako… Si

Ye Han… Bakit kailangang ako pa…"", hindi niya namalayang sinabi ito ng pabulong.

"Dahil dapat ay ikaw lamang."

Tila ba snackle of chains ang nagkulong sa kaluluwa ni Ye Wan Wan noong narinig niya ang

malalim at paos na boses nito.

At sa pagkakarinig ng kaparehas na sagot na binigay nito noong kanyang previous life, nawalan

ng malay si Ye Wan Wan.

Noong binuksan niya muli ang kanyang mga mata, ang madilim na kalangitan ay naging

maliwanag na.

Nangamoy bulaklak ang hangin at ang mainit na sinag ng araw ay kanyang naramdaman na

siyang sandaling nag-alis ng kanyang pagkakabalisa.

Ngunit sa mga sumunod na sandali, muling ninerbyos si Ye Wan Wan.

Lubha siyang nabagabag nang unti unting gumising ang lalaki.

Humigpit ang pagkakayakap ng braso ng lalaki sa kanyang baywang na tila ba'y isa siyang

unan.

"Aalis ka pa rin?"

Nangilabot siya sa boses na bumulong sa kanyang tainga.

Upang siya'y makaligtas, tumango si Ye Wan Wan.

Hindi sigurado si Ye Wan Wan kung totoong naniwala na si Si Ye Han. Saglit siyang tinignan ng

lalaki at tumingin sa baba, binigyan siya nito ng mga halik sa kanyang labi, baba, at leeg…

Ang malalim at mainit na hiningang nararamdaman niya sa kanyang leeg ay nagbigay ng

babala sa kanyang buong katawan.

Tila ba'y isa siyang usa na kagat kagat ng kanyang mandaragit. Hindi niya talaga tinangkang

gumalaw kahit na maliit na pagkilos.

Pagkatapos ng tila walang hanggan, pinakawalan na rin siya.

Sa mga sumunod na pangyayari, isang nakamamanghang magandang tanawin ang nasaksihan

ni Ye Wan Wan.

Umalis ang lalaki sa kama nang half-naked at ang kanyang balinkinitang katawan at baiwang ay

nabigyang emphasis dahil sa liwanag.

Ngunit mabilis ding naglaho ito dahil mabilis niyang kinuha ang kanyang damit sa kama at

dahan dahan nagbutones pataas sa kanyang shirt.

Kani-kanina lamang ay para siyang isang mabangis na hayop, ngunit sa pagkakataong ito, ang

kanyang gwapong mukha ay walang sigla at walang bakas ng kabaitan.

Kung hindi pa narinig ni Ye Wan Wan ang tunog ng pagsara ng pinto, hindi pa siya magiging

kalmado.

Sa wakas, napag-isipan niya rin ang kanyang sitwasyon ngayon.

Tumingin siya saglit sa mga kagamitan sa kanyang paligid, at maging ang kanyang repleksyon

sa vanity mirror sa kabila.

Ang itim na mga labi ng babae sa salamin ay mapapansing kinain hanggang sa maputlang

kulay na lamang ang natira at ang kanyang mga kolorete sa mukha ay tuluyang nabura dahil sa

mga ng luha at pawis. Ang kanyang katawan ay napuno ng pasa at ang mga naiwang hickey ay

kasuklam-suklam at isang madugong tattoo.

Hindi siya makapaniwalang naging ganito ang kanyang itsura sa edad na dalawampu!

Sa panahong iyon, upang mailayo ang kanyang sarili kay Si Ye Han, sinadya niyang maging

mukhang pangit at kadiri.

At ngayon siya nga talaga ay… ipinanganak muli…

Ilang saglit pa at biglaan siyang nakaramdam ng sobrang takot at kawalan ng pag-asa na

nagdulot upang siya'y masakal.

Bakit…

Bakit kailangan kong bumalik sa nakaraang pitong taon?

Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa bumalik dito, sa piling ng demonyong ito.

Malinaw niyang naaalala na ito ang lugar kung saan una silang nagtalik ni Si Ye Han, kung

saan siya'y lubusang pinahirapan ng hindi mabilang bilang na mga gabi pagkatapos n'on.

Nawala sa kanya ang kanyang iniibig, pamilya, maging ang kanyang dangal at kalayaan.

Nawala na sa kanya ang lahat.

Kailangan ko ba talaga muling pagdaan ang lahat ng ito?

Hindi. Dahil binigyan ako ni God para mabuhay ulit, kailangan ko itong baguhin lahat!

Das könnte Ihnen auch gefallen
Inhaltsverzeichnis
Volumen 1
Volumen 2
Volumen 3