Tila mayroong iniisip si Li Qiao Yong; nagliwanag ang takot niyang mata ng tignan niya si Zhao Da Yong. "Zhao Da Yong! Ginawa mo ba talaga iyon sa ating anak?"
Halos manghina si Zhao Da Yong sa galit ng marinig niya si Li Qiao Hong. "Nasisiraan kana ba ng ulo?! Paano ka naniniwala sa mga sinasabi ng mga tao?! Anak ko na si Linlin! Kahit sinasaktan at pinapagalitan ko siya kapag wala ako sa mood, hinding hindi ako gagawa ng bagay na kasuklam-suklam!"
"Paano ko malalaman kung ginawa mo nga o hindi? Kung naisipan mo gawin na pagbintangan si Han Xian Yu sa panggagasaha sa ating anak, paano ako makasisiguro na hindi ka nagsisinungaling sa akin ngayon?! May kakayahan kang gawin ang lahat!"
"Baliw ka ngang babae ka! Sumang-ayon ka din sa ideya na ito! Ngayon sa akin mo sinisisi ang lahat!"
...
Sumakit ang ulo ni Zhao Da Yong dahil sa malaking away nilang mag-asawa. At sa mga sandaling iyon, tumunog ulit ang ang telepono ni Zhao Da Yong.
Pakiramdam ni Zhao Da Yong na siya ay mababaliw na. Sinagot niya ang telepono at binulyawan ang tao sa kabilang linya, "Tumigil kana! Lubayan mo ako! Papatayin kita kapag tumawag ka ulit!"
Nang siya ay mapasigaw, boses ng lalaki ang lumabas, "Mr Zhao, hindi mo naman kailangan magalit. Nandito ako upang tulungan ka."
Tumahik si Zhao Da Yong at maingat na sumagot, "Sino ka?"
Kapag may nagbuboluntaryo na tulungan siya noon, pinaniniwalaan niya ang mga ito. Ngunit ngayon, paanong may gustong tumulong sa kanya?
"Hindi naman ako ganong ka importante. Ang importante ay maalis kita sa kinalalagyan mo at upang tantanan na na din ng media."
Nang marining niya ang tao na nagsasabi na kaya niyang patigilin ang media sa panggugulo, may-pagaalinlangan pa si Zhao Da Yong sa kabaitan ng estrangherong iyon ngunit, wala siyang magawa kundi magtanong, "Sabihin mo sa akin, ano ang naiisip mo upang tigilan na akong guluhin ng mga reporters? Parang galit na aso ang mga reporters na iyon! Hindi sila nakikinig!"
"Tsk, mainit ka sa balita ngayon- mukang hindi ka nila papakawalan ng basta-basta."
Tumawa ang lalaki sa telepono at sinabing, " Kapag binawi mo ang demanda at lumabas na ang katotohanan, ibig sabihin kailangan mong aminin sa publiko na pinagbintangan ka lang ni Han Xian Yu para sa pera, ang bagay na ito ang mag papatigil sa mainit na paksa at pagkatapos ang media ay titigilan kana."
Sandaling natuliro Zhao Da Yong bago sumigaw, "Sa tingin mo bobo ako? Ipinadala ka ni Han Xian Yu, hindi ba?!"
Kapag sinabi ko ang totoo, hindi lang sa wala akong makukuha kahit isang sentimo, makakasuhan pa ako.
Kung tanga lang ako yan lang ang paraan na gagawin ko!
Nagpipigil ang tumawag ng marinig ang galit ni Zhao Da Yong at kalmadong sumagot, "Mr. Zhao, ikaw ang tanga dito. Iniisip mo na bibigyan ka ng kabayaran sa puntong ito, ha?
Sa una pa lang, inalok kana ng Worldwide ng isang kasunduan kaya hindi mo ito dadalhin sa korte, ngunit dahil lang ito sa panggigipit ng publiko. Nag-aalala sila na baka kapag na dawit ang kasong ito, masama ang magiging epekto ni Han Xian Yu sa kumpanya.
Ngunit iba na ngayon. Nasa panig ni Han Xian Yu ang publiko, kaya hindi na kahit kailan mag-aalala ang Worldwide sa opinyon ng publiko. Para sa ebidensya na ipinakita mo, alam mo sa sarili mo na hindi ito magtatagal sa hukuman; hindi mapapatunayan na may sala si Han Xian Yu sa krimen laban sa kaniya."
Sandaling tumigil ang tumatawag at nagpatuloy, "Ang lakas ng loob mo dati dahil nasa panig mo ang buong mundo, ngunit ngayon, tsk...
Kung sasabihan mo ang totoo ngayon, wala ng rason pa ang media upang halungkatin pa ang sikreto mo at matapos lamang ang ilang araw magiging normal na ulit ang iyong buhay.
Gayon pa man, kung hindi mo babawiin ang demanda mo, wala ng magiging katapusan ito at meron pa ding mga tao ang mangungutya sayo, gugulo sayo. Mabubuhay ka ng may kasamang paggigipit ng media at ang pangiinsulto sayo habang buhay…"