Nasa kamay niya na noon ang oportunidad na ito!
Ngunit sinira niya ito gamit ang sarili niyang mga kamay…
Makikita naman ang nararamdaman ngayon ni Feng Ke...
Tinapik ng assistant director ang balikat ni Feng ke nang makita niya ang kalungkutan sa mukha nito. "Uy, 'wag ka naman ganyan. Nabalitaan ko na inimbitahan sila ni Old Hou pero pina-delete niya ang mga eksena nila at hindi niya ito pinakita sa publiko! Iyon ang unang beses na nakapunta si Luo Chen at Gong Xu sa isang variety show pagkatapos ng A Life and Death Struggle, pero sinayang nila ang oportunidad na ito! Mas tanga pa siya sayo. Hindi ka ba natutuwa kapag naiisip mo iyon?"
"Natutuwa ako?! Loko! Dalian mo at tulungan mo akong makaisip ng paraan para makuha ko sila dito!!!"
…
Nagpatuloy ang seremonya ng Golden Orchid Awards habang lumalawak ang balita tungkol sa pagiging Best Actor nila Gong Xu at Luo Chen.
Biglang umubo ang vice president ng Emperor Sky Entertainment nang makita niya ang namumutlang mukha ni Ye Yiyi. "Miss Yiyi, swerte lang ngayon si Ye Mu Fan. Hindi mo kailangang mag-alala, may isa pang importanteng parangal… Nakuha na natin ang Best Screenplay, Best Director, at Best Film. Tayo ang tunay na panalo sa taong ito kung tayo ang makakakuha ng Best Actress…"
Pinikit ni Ye Yiyi ang kanyang mga mata at sinubukan niya ang lahat para itago ang kumukulong emosyon sa puso niya. "Hindi natin pwedeng hayaan na may mangyari pang mali ngayon!"
"Ang parehong male at female lead ng Luo Shen's Legend ay nominated sa Best Actor at Best Actress. Dahil hindi natin napanalunan ang Best Actor, mataas ang tsansa na mapanalunan natin ang Best Actress dahil karaniwan ay hindi nakukuha ng iisang film ang dalawang katergorya. Siguro ito ang dahilan kung bakit hindi natin nakuha ang Best Actor. Magkasama nating hinulaan ang tsansa na ito noon…" malakas ang loob ni Tan Wei noong sinabi niya ang kanyang pagsusuri.
Pinakalma ng mga salita ni Tan Wei si Ye Yiyi at nagkaroon ng tsansa si Pei Heng para makaalis sa nakakahiyang sitwasyon na ito.
Sumagot rin si Pei Heng, "Base sa aking karanasan, tama ang sinasabi ni Vice President Tan. Ganoon ang pamamaraan ng maraming mga organizers para sa mga major awards."
Medyo naging normal na ang itsura ni Ye Yiyi. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy siyang maglakad papunta sa entablado. Gayunpaman, hindi pa rin kumakalma ang kanyang itsura.
Dahil… masyadong malakas ang ibang mga ka-kompetensya niya...
Buhay nila Luo Chen at Gong Xu ang kanilang mga napanalunan at bumalik sila sa kanilang mga upuan, at sasabihin na ng mga host kung sino ang nakakuha ng Best Actress.
Malapit nang i-anunsyo ang nanalo ng pinakahihintay na award ng gabing ito, ang Best Actress Award!
Masayang nagsalita ang host, "Nandito na ang pinaka nakakasabik na parte ng seremonya! Alam naman ng lahat na ito ang pinakamahirap na kompetisyon sa pagitan ng mga female leads para sa titulong Best Actress ng taong ito! Sino kaya ang makakakuha ng korona ng Best Actress? Tingnan natin ang screen!"
Pinalabas sa malaking screen ang introduksyon ng limang nominee:
Ang pelikulang Sigh of Wind and Cry of Cranes, ang female lead na si Yin Xiao Xuan;
Password, ang female lead na si Qiao Chu;
You'll Never Know, ang female lead na si Han Qing Ling;
Luo Shen's Legend, ang female lead na si Le Wei Wei;
At Jasmine, ang female lead na si Jiang Yan Ran...
…
Ang buong atensyon ni Ye Wan Wan ay nasa malaking big screen. Mas mahirap ang kompetisyon para sa Best Actress ng taong ito kumpara sa Best Actor, kaya hindi madaling hulaan kung sino ang nanalo.
Kinalabit ni Gong Xu ang kamay braso ni Ye Wan Wan. "Brother Ye! Brothee Ye…"
Patuloy na tinitigan ni Ye Wan Wan ang malaking screen. "Manahimik ka."
Kataka-takang bumulong si Gong Xu, "Susunod na ang Best Actress na aanunsyohin nila… wala itong kinalaman sa kumpanya natin… bakit masyado mong binibigay ang buong atensyon mo dito?"