webnovel

Did you take advantage of him?

Redakteur: LiberReverieGroup

Pinagsamantalahan mo ba siya?

"Tabi! Tabi!" Hinabol sila ni Nameless Nie. "Famous Ye, huwag ka makinig sa mga walang kwentang sinasabi nila! Bata lang ito - paanong magiging mahirap ito?!"

Naalala ni Ye Wan Wab ang mala porselanang mukha ng batang lalaki mula sa video call. "Gaano katagal ako magpapanggap?"

Nang marinig ni Nameless Nie na sumasang-ayon na dito si Ye Wan Wan, labis ang kanyang pagigi emosyonal. Naiiyak sita habang sinasabi, "isa lang itong stalling tactic para makakuha pa ng maraming oras para hanapin ang kanyang magulang; maari ka ng tumigil sa oras na mahanap ko sila!"

"Paano kung hindi mo sila mahanap?" Hindi ako maaaring magpanggap habang buhay, diba...

"Paanong mangyayari 'yon? Famous Ye, hindi kaba naniniwala sa kakayahan ko? Kapag hindi ko talaga sila mahanap, sasabihin ko sa kanya na napagkamalan kitang kapatid ko at magagawa mo ng umalis, tama!" Madaling sabi ni Nameless Nie.

Ye Wan Wan: "…"

Bakit parang… hindi kapanipaniwala 'yan?

"At mayroon pang iba…" ang sabi ni Nameless Nie.

"Ano?" Masama ang kutob ni Ye Wan Wan dito.

Nameless Nie: "Kailangan natin ng isang ama dito!"

Ye Wan Wan: "…"

Nameless Nie: "Famous Ye, tulungan mo ng buo ang tao…"

Ye Wan Wan: " Maaari akong magpanggap bilang ina ng iyong pamangkin, pero para sa ama, kailangan ninyo maghintay sa balita ko! Sinabi ko na noon na kailangan kong bumalik at pagusapan muna namin ng boyfriend ko ang mga bagay bagay."

Patuloy ang pagtango ni Nameless Nie. "Sige sige sige, walang problema. Maghihintay ako sa iyong magandang balita!"

Matapos ang pag-uusap, naghiwalay na ng landas si Ye Wan Wan at Nameless Nie.

Sa sandaling maglakad siya, tumunog ang kanyang telepono.

Nang nakitang si Ye Mu Fan ang pangalan na nasa caller ID, naging mahinahon ang itsura ni Ye Wan Wan habang sinasagot ang tawag. "Hello, ge?"

Sa likod niya, huminto si Nameless Nie sa kanyang daan nang marinig niya ang "ge."

Ay, kailan ko kaya maririnig ang akong sariling kapatid na tawagin akong "ge ge"...

"Tapos kana ba magsaya? Nitong mga nakaraang araw, maraming kilos ang naganap sa panig ni Hong Guang at Gong Xu ay ginamit ang pagkakataon na ito upang paglaruan ka - may pakialam ka ba? At saka, hindi mo ba natandaan na pupunta tayo kay lola ngayon buwan? Nakapili na ako ng regalo para sa kanila. Kelan ka ba eksaktong araw uuwi?" Sa segundo na sumagot si Ye Wan Wan ng tawag, ang mga ingit ni Ye Mufan ay umabot sa kanila ng telepono bigla.

Nakinig si Ye Wan Wan habang naglilibot si Ye Mu Fan. "Wag mo na akong habulin. Nasa airport na ako, OK?"

"Tsk, nasiyahan ka ba?" singhal ni Ye Mu Fan.

Umangat ang kilay ni Ye Wan Wan. "Hindi na masama. Nasiyahan naman ako."

Kaagad na lumakas ang boses ni Ye Mu Fan, "PINAGSAMANTALAHAN KA BA NIYA?!"

Ye Wan Wan: "Bibigyan kita ng pagkakataon para ibahin ang iyon tanong."

Ye Mu Fan: "...pinagsamantalahan mo ba siya?"

Ye Wan Wan: "Isa siyang matinong lalaki, napaka tahimik - para namang basta basta na lang niya ako hahayaang pagsamntalahan siya."

Galit na galit si Ye Mu Fan ng marinig niya iyon. "Bwisit! Sino ba siya sa tingin niya, huh? Sino para siya para maarte! Mahusay ang aking kapatid sa kahit anong paraan - sino siya par hindi ka pahintulutang pagsamantalahan siya!"

Ye Wan Wan: "Ano ba talagang gusto mo? Gusto mo bang pagsamantalahan ko siya o hindi?"

Ye Mu Fan: "…"

Hindi alam ni Ye Mu Fan kung paano sasagutin ang tanong na ito.

Ilang oras ang nakalipas, dumating na ang eroplano sa airport ng Imperial City.

Para supresahin si Si Ye Han, nagsinungaling si Ye Wan Wan sakanya at sinabi na dadarating siya sa kalagitanaan ng gabi pero ang totoo, sinadya niyang mag booked na ng maagang biyahe.

"Gentlemen, salamat sa inyong pagsisikap. Maghihiwalay-hiwalay na tayo dito. Gusto ko ng bumalik sa Jin garden para ibigay kay chairman Si ang report sa sitwasyon."

"Salamat sa iyong pagsisikap, Miss Ye!" ang sabi ng jade expert.

Ang trip na ito ay binago ang pag-uugali ng tatlong taong ito patungo kay Ye Wan Wan.

Sa likod niya, pinanuod ni Xue Li si Ye Wan Wan habang paalis at tahimik na tumawag. "Pabalik na si Ye Wan Wan sa Jin garden. Oo, maaari ka ng pumunta ngayon."

Nächstes Kapitel