webnovel

Kung ito ang parusa

Redakteur: LiberReverieGroup

Biglang sobrang marahan...

Talagang nagulat siya sa ginawa nito...

Tuliro si Ye Wan Wan mula sa halik. "Eh? Um, Lu-lumaban ako…"

Niyakap siya ni Si Ye Han. "Oo."

Mas lalong nagulat si Ye Wan Wan. "Dalawang beses ako lumaban… parusa ba ito?"

Oo, kung ito ay nasa nakaraan, ito ang parusa, base kung paano niya kinapopootan ang mga hawak ni Si Ye Han.

Pero ngayon...

Napakurap si Ye Wan Wan at sumilip kay Si Ye Han. Saka siya bumulong, "Kung ito ang parusa… edi dapat lumabas ako at isang daang beses na lumaban araw-araw?"

"..." walang masabe si Si Ye Han. "Walang kalokohan."

Napanguso si Ye Wan Wan. "Totoo…"

"Hindi ba pinaliwanag mo na napilitan ka noong una at nagtuturo ka sa pangalawa?" tanong ni Si Ye Han.

Tumango si Ye Wan Wan. "Tama tama tama! Hindi ko gusto na lumaban!"

Si Ye Han: "Ngayon lang."

Talagang mapagwalang-bahala siya ngayon?

Gulat na gulat si Ye Wan Wan pero nakahinga ng maluwag na may kasamang galak. Buti na lang at hindi niya kailangan lumuhod sa durian.

"Ah, tama! Ah-Jiu, alam mo ba ang Martial Arts Union at ang Independent State?" tanong ni Ye Wan Wan na may galak.

Nang marinig ito ni Si Ye Han, tila bang nagyelo ang mga mata niya.

Gayunpaman, bumalik agad ito sa normal sa isang kurap lang. Tinignan niya si Ye Wan Wan at kalmadong sinabi, "Hindi pa. Bakit bigla mong natanong?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Binanggit ito habang kausap ko si Mr. Mu kanina. Sinabi niya na mahusay ako, kaya akala niya na miyembro ako ng Martial Arts Union. Sinabi niya din na ang headquarters ng Martial Arts Union, ang Independent State, at talagang mapusok sa martial arts, at nagkakalat ang mga eksperto sa mga daan…"

Si Ye Han: "Ganoon ba?"

"Oo! Gayunpaman, naghanap ako sa internet ng halos kalahating araw pero wala pa din akong nakita. Kung hindi dahil sa sinabi ni Mr. Mu na nagtrabaho siya sa sangay ng Martial Arts Union, iisipin ko siguro na nagkukwento na siya!"

"Nagtrabaho si Mu Suifeng sa Martial Arts Union?"

"Iyon ang sabi niya…" para bang nakaramdam na may mali si Ye Wan Wan sa itsura ni Si Ye Han at kung paano namimilipit ang braso niya, sa punto nakakasakit ito. Sumimangot siya at nagtanong, "Ah-Jiu, anong problema?"

"Wala." lumuwag ang braso ni Si Ye han at marahang hinaplos ang ulo niya bago siya hilahin muli patungo sa braso nito.

Hindi ito pinansin ni Ye Wan Wan at nagpatuloy na bumulong, "Gusto ko talagang pumunta doon sa estado na iyon para maglaro. Saan kaya iyon…"

"Tapos na 'yung duyan. Gusto mong tignan?" biglang tanong ni Si Ye Han.

Agad na lumihis ang atensyon ni Ye Wan Wan, "Eh? Talaga? Mabuti! Tatawagin ko si Tangtang!"

Si Ye Han: "Sige."

Masayang umalis si Ye Wan Wan.

Pinanood siya ni Si Ye Han habang umaalis, at agad na nawasak ang kanyang malamig at mapusok na pag-uugali.

Kinagabihan:

Nakilahok si Ye Wan Wan sa martial arts conference sa umaga, saka nakipaglaro kay Tangtang sa duyan buong hapon, kaya mabilis siyang nakatulog pagkahiga niya kinagabihan.

Sa kanyang panaginip, masaya niyang kasama si Si Ye Han at Tangtang, pero biglang nagbago ang eksena.

Mga tunog ng baril, pagsabog, at pagsigaw...

Puro dugo at apoy ang tangi niyang nakikita...

Hindi mabilang na mga nakakatakot na anino ang lumalapit sa kanya...

Galit na pumatay siya at umalis… hanggang sa naabot niya ang dulo ng bangin at nahulog sa kailaliman ng walang hanggan...

"AH!!!" nagising si Ye Wan Wan, puno ng malalamig na pawis ang kanyang noo.

Nächstes Kapitel