"Ah…" mukhang nasa mahirap na sitwasyon si Ye Mu Fan. "Teacher Tan, sa pribadong pagkakataon na lamang tao mag-usap, okay na iyon?"
Ngumisi si Tan Zhen Xin, "Dahil pinipilit mong tumalikod sa problema, si chairman Ye na lamang ang tutulong sa akin na makamit ang hustisya."
Nag-iba ang opinyon ni Ye Hong Wei sa kanyang apo kaya naging magulo ang kanyang ekspresyon nang makita niya ang sitwasyon. "Mu Fan, anong hindi pagkakaintindihan? Sabihin mo na lang agad sa amin."
Umaasa siya na nagkaroon lamang ng hindi pagkakaintindihan, pero kung hindi, madidismaya talaga siya sa masamang ginawa at pagtatalikod ni Ye Mu Fan sa kanyang problema...
Tiningnan ni Ye Mu Fan ang dalawang matanda at nagmakaawa aiya, "Lolo at lola, parang awa niyo na, paniwalaan niyo ako at hayaan niyo akong harapin ang problemang ito ng tayo tayo lang… gayunpaman… hindi natin pwedeng ipaalam sa publiko ang mga problema natin. Magkakagulo ito kapag lumaki pa ang sitwasyon…"
Bumuntong hininga si Liang Mei Xuan bago pa makapagsalita ang dalawang matanda. "Naiintindihan mo pala na hindi natin pwedeng ipakita sa publiko ang problema natin, huh? Bakit mo pala ginawa ang mga kalokohan mo?"
"Alam mo ba kung sinong pinapahiya mo pagkatapos ng lahat ng ito? Ang Ye family ang pinapahiya mo! Ang lolo at lola mo ang pinapahiya mo!"
"Kapag pinayagan ka ni lolo at lola mo na itago pa ang kalokohan mo, lalo na't nandito lahat ng ating mga kaibigan at media, ang Ye family at ang Emperor Sky entertainment ay masisira sa mata ng publiko sa hinaharap. Anong maiisip ng iba kapag nalaman nila na tinatago ng kumpanya natin ang mga isyu na ito?"
Sumabay pa si Ye Shao An, "Ma, Pa, bilang general manager, mas mainam nang bigyan natin ng kasagutan ang publiko dahil pinasa-publiko na rin naman ang isyu. Para ito sa imahe ng ating kumpanya. Hindi lamang ito problema ng ating pamilya - tungkol na ito sa kumpanya. Malamang, kailangan nating linawin ang lahat! Kahit na sino pa ito, hindi natin sila pwedeng bigyan ng espesyal na pagtrato."
Biglang ngumiti si Ye Mu Fan nang marinig niya ang sinabi ni Tan Zhen Xin at Ye Shao An.
Tsk, ang galing talaga ng babaeng ito. Ginawa ng mga taong ito ang ekspektasyon niya at hindi siya makapaghintay na tumalon sila hukay, na hinukay ni Ye Wan Wan, para sa kanila. Sinusubukan kong maging mabuting tao sa pangyayari na ito, pero hindi ko pala sila mapipigilan...
Gusto sanang pigilan ni Wan Wan si Ye Mu Fan at hinayaan niya sanang makita nila lolo at lola ang katotohanan - sinubukan niya talagang ayusin ang imahe ng Ye family. Sayang, may mga tao talaga na walang pakialam.
Napilitan si Ye Mu Fan at wala na siyang magawa. Wala siyang magawa nang sinabi niya, "Sige, kailangan kong manghiram ng ilang mga equipments ng saglit lang…"
"Gawin mo ang kailangan mong gawin." Kalmado at maayos siyang tiningnan ni Ye Shao An.
Nagmadaling pumunta sa entablado si Ye Mu Fan.
Nangamba si Ye Yiyi nang makita niyang napilitan si Ye Mu Fan na umakyat ng entablado, "Teacher Tan, sigurado ka ba na walang ebidensya si Xu Lin?"
Mayabang si Tan Zhen Xin. "Huwag kang mag-alala. Kung walang tao na kayang makasulat ng lahat ng nasa script, walang kwenta pa rin ang lahat ng sasabihin ni Ye Mu Fan."
Kumalma si Ye Yiyi nang marinig niya ito.
Kung ito nga ang mangyayari, walang kailangang alalahanin si Ye Yiyi sa magiging kaparusahan na matatamo nila.
Pagkatapos umakyat ni Ye Mu Fan sa entablado, inutusan niya ang ilang crew members na ayusin ang anggulo ng camera, sound system at kahit ang malaking screen.
Kahit na nagagalit na si Ye Yiyi, kailangan niyang hayaan ang crew members na makipagtulungan kay Ye Mu Fan.
Nang maayos na lahat, nagsalita na rin si Ye Mu Fan.
"Magandang gabi, ladies and gentlemen, lahat ng reporters at sa aming mga kaibigan. Unang-una sa lahat, ipapakilala ko muna ang sarili mo. Ako ang isa sa mga founders ng Age of Immortals Media, ako si Ye Mu Fan. Nang sinimulan namin ang Age of Immortals Media… nakuha naming ka-trabaho si Han Xian Yu, Gong Xu at Luo Chen…"
"Sa susunod naming proyekto, naghahanda kaming mag-shoot ng movie na may title na 'Life and Death Struggle.' Ang bida ng movie ay si… at tungkol ito sa…"