Matapos ang Best Newcomer Award, ay may dalawang minor award at sinundan ng Best Supporting Actor award.
Malalakas ang mga kandidato para sa award na 'to at hindi madaling mahulaan ang mananalo. Si Tang Xing Huo ng Worldwide at si Meng Liang Yu ng Emperor Sky ang mga sikat na kalaban.
Ayaw namang ibaba ni Ye Wan Wan ang Worldwide, pero tiyak na handa si Meng Liang Yu at nalagpasan ang mga kalaban niya bilang supporting actor.
Isang kandidato na kalaban si Meng Liang Yu ay isang baguhan sa Worldwide inaayos at nilalabas pa lang.
Matagal nang nasa Emperor Sky si Meng Liang Yu noong nandito pa ang tatay niya, pero nang umalis ang tatay niya, para bang biglang bumagsak ang popularidad niya. Makakabuti sa popularidad niya ang pagpanalo sa award na 'to.
Bumulong si Han Xian Yu, "Best Supporting Actor - mahirap hulaan 'to. Ye Bai, sigurado ka bang si Meng Liang Yu? Hindi din naman masama ang pagganap ni Tang Xing Huo…"
Malamyang sumagot si Ye Wan Wan, "Mahirap nga hulaan…"
Sabi ni Qiao Ke Xin, "Tingin ko mas mataas ang tsansa na manalo ni Tang Tang. Kanina sa banquet, may nakilala akong mga miyembro judging panel at madami silang nasabing maganda tungkol kay Tang Tang…"
Napaisip ang tatlo. Matapos na magsabi ng mga kalokohan ang host, inanunsyo niya na din ang panalo.
"Ang Best Supporting Actor award goes to —— ang supporting actor Meng Liang Yu mula sa pelikulang 'Red Lotus'! Congratulations!"
Nagsipalakpakan ang lahat at lumipat ang kamera sa direksyon ni Meng Liang Yu. Tumayo ang lahat mula sa Emperor Sky at niyakap si Meng Liang Yu para batiin siya.
Kahit na gusto ng Emperor Sky na ibang artista na inaalagaan nila ang makakuha ng award, taga-Emperor Sky pa din naman si Meng Liang Yu.
Walang bahala naman nagkibit-balikat si Tang Xing Huo ilang hilera sa likod.
Madalas na nakakasama ni Tang Xing Huo si Gong Xu at mga kasama nito at kilala din siya bilang miyembro ng mga mayayamang pangalawang henerasyon ng mga bata. Kahit na mas magaling ang pag-arte niya kay Gong Xu, wala siyang pakielam sa mga award.
Masayang nagsalita si Qiao Ke Xin: "Aiya, Little Fortune teller ge ge, tama ka na naman ah!"
Pwersahang ngumiti si Ye Wan Wan at wala nang sinabi pa. Oo, tama ulit ako. Matatama ko silang lahat, okay?
Sa entablado, emosyonal na nagpapasalamat si Meng Liang Yu.
Tulad ng ibang artista, matapos niyang pinasalamatan ang madla, direktor at kumpanya, nagdagdag pa si Meng Liang Yu, "At syempre, pinasasalamatan ko ang aking talent scout! Dahil sa pagpapahalaga at suporta niya, nandito ako ngayon!"
Iisipin siguro ng ibang tao na si Ye Shao An ang tinutukoy ni Meng Liang Yu, pero ilan lang ang nakakaalam na si Ye Shao Ting ang nagsiyasat at nag-alaga kay Meng Liang Yu.
Nadala si Ye Wan Wan nang marinig niya ang mga sinabi ni Meng Liang Yu.
Magaling ang pag-iintindi ng tatay ni Ye Wan Wan hanggang ngayon, naaalala pa din ni Meng Liang Yu ang tatay ni Ye Wan Wan; wala siyang pake kung makakasakit sa mga nakatataas ang sinabi niya.
Tulad ng inaasahan, nangasim ang mga mukha ni Ye Yiyi at Gu Yue Ze nang marinig nila si Meng Liang Yu.
Bilang isang tagalabas, kahit na si Han Xian Yu ay hindi mapigilang huminga ng malalim. "Totoong lalaki ang Meng Liang Yu na 'to."
Ang sumunod na mga awards ay ang Best Sound Effects at Best Documentary, dumating na ang ikatlong kasukdulang - ang Best Supporting Actress.
Mahirap hulaan ang award na to; kasing tindi ng Best Actress award ang pag-aaway na naganap sa award na 'to.
Mas naging taimtim ang itsura nila Ye Yiyi at Gu Yue Ze habang nakatitig sila sa malaking screen.
Tinapik ni Qiao Ke Xin ang baba niya at nagkomento, "Malalakas din ang mga kandidato para sa Best Supporting Actress award, halos pantay-pantay lang sila…"
Tumugon naman si Han Xian Yu, "Oo nga, tingin ko pati ang judging panel ay hirap na hirap din!"