webnovel

Hindi mo masasabi na hindi matitiis ng ibang tao na siya ay magdusa?

Redakteur: LiberReverieGroup

Ito na marahil ang pinaka mahirap na pagsubok ang kanyang nakuha.

Kaya…

Ano ang maaari kong ituro sa kanya? Paano ko din siya tuturuan? 

Nagbabakasakali, bakit kamakailan sunod-sunod na pahirap ng pahirap ang binibigay na pagsubok ni master…

Nang makita na si Eleven ay nakatayo na parang masakit ang ulo, kumurap si Ye Wan Wan at mabait na nagtanong, "coach, ano iyon? Masyado ba akong malamya at mahirap turuan?"

Eleven: "..."

Hindi iyon dahil sa mahirap o ayaw na…

Nasa huling hininga na si Eleven ng sumulyap siya sa direksyon malapit sa kanyang master - siya ay kaswal na nakasandal sa kanyang upuan, lubos na walang kamalay-malay sa malungkot na tingin ni Eleven.

Walang pagpipilian si Eleven. Hinanda niya ang kanyang sarili at tinanong, "ito? Miss Wan Wan - mula sa na obserbahan at naintindihan ko, madalang ka mag ehersisyo ng normal, kaya bakit hindi tayo magsimula sa madali upang tumaas ang iyong stamina?"

"Sige!" sang-ayon si Ye Wan Wan.

"Saka, ngayon ang iyong unang araw, kailangan mong tumakbo ng walong…" sasabihin na sana ni Eleven na walong kilometro nang makatanggap siya ng matalim na tingin sa kanyang master.

Kaya nagpalit siya ng course: "kailangan mong tumakbo ng lima…"

Nanatili pa din ang mapanindak na tingin…

Maaari na lang magpalit ng isang beses si Eleven: "tatlong kilometro!"

Master, ikaw ang may gusto na makumpleto ang task sa loob ng tatlong buwan. Ngayon nagsimula na ang training, tingin mo mahirap ito?

Sampung kilometro ay isang warm up para sa kanya; hindi pa niya sinasabing sampung kilometro at binaba pa ito ng walo, ngunit ganon pa din...

Ang pangunahan ang training na ito, paano ko makukumpleto ang training sa loob ng tatlong buwan? Nakaramdam ng sakit sa puso ni Eleven…

Ye Wan Wan: "Sige!"

Nagsimula ng tumakbo si Ye Wan Wan at si Eleven ay pumunta sa may kotse, mabagal na sinusundan siya.

Siguradong kailangan niyang samahan si Ye Wan Wan mula simula hanggang matapos, sa kasamaang palad… bali ang kanyang binti at maaari lamang tumakbo gamit ang isang sasakyan na pareho sa isang surot at kailangan ng ibang tao na mag maneho.

Ang kalikasan sa paligid ng Jin garden ay malinaw at sariwa. Maganda ito para tumakbo.

Sa may driver seats, hindi maiwasan ng bodyguard na sabihin ang kanyang opinyon: "huminga ng malalim, hindi ba maikli lang tatlong kilometro?"

Nagpakita ng walang magawang itsura si Eleven. "Hindi mo masasabi na may isang hindi kayang makita siyang nahihirapan? Paano ko papatakbuhin ng malayo si Miss Wan Wan?!"

Bilang tugon, mukhang hindi na makapagsalita ang bodyguard…

Hindi kayang?

Nagbibiro kaba?

Sa kanyang kakayahan, hindi ba katumbas ng tatlong kilometro ang paglalaro? Ano bang kinababahala mo?

Sa huli…

Bago pa matapos ang kanyang unang kilometro, malapit na sa bingit ng pagbagsak si Ye Wan Wan…

Kahit na gumawa siya ng tapat na kasunduan upang humusay ang kanyang kakayahan, ang proseso ay malayo sa hirap na kanyang inaakala.

Dahil sa hindi pag eehersiyo ng mahabang panahon, nagsimula ng hilahin ni Ye Wan Wan ang kanyang paa bilang mabigat na sa paghakbang. Pakiramdam niya na ang kanyang lalamunan ay pinahiran ng abo, na nagsanhi sa bawat pahinga na hilahin ang kanyang baga na halos naging masakit. Ang kanyang masakit na katawan na hindi pa masyadong magaling ay lalo pang nagiging masakit; pakiramdam niya na ang kanyang katawan ay sumailalim sa hindi na titiis na sakit.

Komportableng umupo si Ye Wan Wan sa may Jin garden na paminsan-minsang hinihimatay habang tumatakbo si Ye Wan Wan.

Dati, nagagawa naman ni Ye Wan Wan na magtiyaga, ngunit minsang siyang napadan sa garden at nakita si Si Ye Han, isang sandaling kahinaan ang kaagad na nagpawi sa kanya. Sumulyap siya sa lalaki ng isang nagpapaawang tingin. "Baby, pwede ba nating bawasan ang hirap ng aking training? Hindi kona kaya tumakbo pa ng malayo, masakit na…"

Tumingin si Si Ye Han sa kanyang kaibig-ibig ngunit maputlang mukha at kaagad na tumaya upang puntahan. "Saan ang masakit?"

"Ang aking dibdib, aking mga binti at ang aking bukong-bukong ay masakit…"ang paraan ng pagsasalita ni Ye Wan Wan ay lalong naging malungkot.

Mula sa tabi, lumabas si Eleven sa sasakyan at ipinaliwanag ang sarili, "9th master, ito ay isang normal lang na kalagayan mula sa hindi pag eehersiyo ng tagal na panahon. Walang dapat ….

Nagsalita si Si Ye Han na parang hindi niya narinig si Eleven: "kung gayon huli na ito para sa araw na ito."

Eleven: "...."

Master! Ang aking training plan ay talagang sobrang mahirap dalhin! Nakikiusap ako na tigilan mona ang pangingialam dito!

Nächstes Kapitel