webnovel

Kaakit-akit ang itsura

Redakteur: LiberReverieGroup

Nagdalawang isip na nagtanong si Wan He Yun, "Miss, sino po ikaw..?

Ye Wanwan: "Country Z, Si family."

"Si… Si family…" nabighani si Wan He Yun - kilala ng lahat ang Si family ng country Z. Malaki ang impluwensya nila sa bansa ng Myanmar.

Nagdalawang isip muli na nagtanong si Wan He Yun, "Miss, sigurado ka ba na gusto mong bilhin ang mga batong ito?"

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Natutuwa ako sa itsura ng mga bato na ito, kaya… boss Wan, sabihin mo sa akin ang presyo mo!"

Natutuwa siya sa itsura ng mga bato?!

Nananatili lang na nakatayo ang lahat at nabigla sila, nang marinig nila ang sinabi ni Ye Wan Wan.

Gustong bilhin ng babaeng iyon ang mga bato ng Glittering Jewels Pavilion dahil… nakakatuwa ang itsura nito?!

Matagal na nagdalawang isip si Wan He Yun at bigla niyang naisip ang kasalukuyan na estado ng store niya. Alas, sinabi niya, "Miss, ito na lamang ang natitirang stock ng store ko at dahil gusto mo ito, ibebenta ko ito ng mababang presyo na lang. Para sayo, kalahati na lang ng orihinal na presyo ang mga bato na ito, para sayo…"

Noong una, nagplano na siya para sa masamang mangyayari sa hinaharap. Ang pinakamalalang mangyayari ay hindi na siya makapagbebenta ng kahit isang bato kaya mapupunta na lamang sa kanyang kamay ang mga bato na natira. Ngunit ngayon, may isang tao na handang bumili ng mga bato niya, ito na ang pinaka-magandang inasahan niyang kinalabasan.

Tumawa si Ye Wan Wan. "Hindi ko pahihintulutan na bigyan ako ng discount ng kahit anong materyal na nakakatuwa ang itsura. Ibigay mo sa akin ang orihinal na presyo."

Ito man ang sinabi ni Ye Wan Wan pero alam niya sa kanyang puso na may tinatagong malaking supresa ang mga bato na ito. Hindi niya kayang mabuhay kapag binili niya ito sa kalahati na presyo.

At tsaka, malapit nang ma-bankrupt si Wan He Yin. Sa buhay ni Ye Wan Wan noon, nakakalungkot ang kinamatay ni Wan He Yin. Sa buhay niya ngayon, dahil makakakuha ng maraming pera si Wan He Yun sa mga batong ito, bakit hindi niya tulungan si Wan He Yun na makawala sa kahirapan?

Nabigla si Wan He Yun sa mga sinabi ni Ye Wan Wan at nalugod siya. Hindi niya inasahan na sasabihin ni Ye Wan Wan ang mga bagay na iyon...

Hindi makapaniwala ang mga tao na nakapalibot sa kanila at nagtsismisan pa ang mga ito. "Pinadala ba talaga ng Si family ang babaeng ito? Tinanggihan niya ang mga produkto ng Hui Cui Workshop at binili niya ang mga basura ng Glittering Jewels Pavilion; noong sinabi ng may-ari na ibebenta niya ito sa kalahati ng orihinal na presyo, tumanggi si Ye Wan Wan at mas gusto niyang ibayad ang orihinal na presyo ng mga bato?"

"Maganda siya. Sayang, may tama ang ulo niya…"

"Anong trabaho ng Si family, eh?"

Ngumiwi ang mukha ni Xue Li nang mapakinggan niya ang mga masasamang komento sa bumabalot sa kanila - kasalanan ito ng babaeng ito. Hindi pa siya napapahiya ng ganito noon.

"Miss Ye! Mag-isip ka muna bago ka makapag-desisyon!" Kumunot ang mga kilay ni Xue Li.

"Mag-isip muna ako, bago ako gumawa ng desisyon?" Patagilid na tiningnan ni Ye Wan Wan si Xue Li. "Sinesermonan mo na ako ngayon?"

"Miss Ye! Hindi ito ang gusto kong sabihin. Ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko!" Nagpaliwanag si Xue Li.

"Tapat ka pala, huh?" Sumabad si Ye Wan Wan. "Kanino ka matapat? Huwag mong kalimutan kung sino ka at kung sino ang kinakausap mo!"

Tumango si Xue Li at humarap siya kay Ye Wan Wan. "Sige. Wala akong magagawa kundi i-report ito sa HQ, dahil desidido si Miss Wan Wan na gawin ito!"

Ye Wan Wan: "Edi gawin mo."

Galit na galit sk Xue Li. Nilabas niya ang kanyang phone dahil may tatawagan siya.

Sa country Z conference room, may grupo ng mga matataas na opisyal at mga nakakatanda ang nagpupulong.

Bilang isa sa mga miyembro ng board of directors ng Si family, biglang tumayo si Feng Yi Ping at umalis siya para sagutjn ang tawag.

Matapos ang ilang oras, bumalik si Feng Yi Ping, mula sa tumawag sa kanyang phone at naguguluhan ang kanyang itsura. "Everyone, pasensya na sa abala, pero may nangyari sa Myanmar."

"Ano yun?" Tiningnan at tinanong ni Si Ming Li si Feng Yi Ping.

Mabilis na kwinento ni Feng Yi Ping ang buong storya.

Nagkagulo ang buong silid nang marinig nila ang storya.

"Kalokohan!"

"Binibigyan siya ng special treatment ni Chairman Si sa pamamaraan ng pagbigay ng titulo sa kanya na 'personal assistant.' Tapos ngayon, tapos nagpadalos-dalos pa siya sa unang niyang misyon?! Ano ba ang tingin niya sa kumpanya, huh?!"

Nächstes Kapitel