webnovel

Malungkot at walang kabuhay-buhay

Redakteur: LiberReverieGroup

Tumingin si Si Ye Han na animo'y hindi niya inaasahan na makarinig ng sagot na katulad nito. Ang malamig na mukha niya ay nababalot ng pagkagulat at wala sa katinuan.

Sa kasalukuyang oras na ito, ang pagkatuliro ni Si Ye Han ay nagdulot sa kanya ng hindi maipaliwanag na pamilyar na pakiramdam sa paglalakbay sa oras at nagsisimulang hindi makontrol ang mabilis na pag tibok ng kanyang puso.

Bago pa makapag isip ang kanyang utak, ang mga salita ay lumabas na sa kanyang bibig: "Ipinapangako ko na pagagalingin kita, kaya talagang gagawin ko ito! Hindi ba sinabi mo na po-protektahan mo ako hanggang sa kabilang buhay? Gusto ko ikaw mismo ang mag po-protekta sa akin, ng hindi ginagamit itong walang buhay na bagay."

Nang magsalita si Ye Wan Wan, marahang nag-iba ang dating ng kanyang mata mula sa pag aalinlangan hanggang sa maresolba…

Inamin niya na ang anino sa kanyang dating buhay ay hindi madaling alisin, ngunit simula ng siya ay ipanganak muli, sinubukan niyang iwan ang lahat mula sa kanyang nakaraan at tignan ang lahat ng taong nakapaligid sa kanya ng may bagong liwanag. Kung hindi man, ano pa ang punto ng kanyang pagkapanganak muli?

Ikaw lang ang gusto ko…

Ikaw lang ang gusto ko, kaya kailangan mo mabuhay…

Ang sinabi ng babae ang nagpabalik kay Si Ye Han sa mundo mula sa nangangalit na apoy sa impeyerno; para bang ang kanyang nanlalamig na puso ay nababad sa isang mainit na tubig.

"Sige."

Tumingin siya sa nagniningning na mata ng babae na para bang bituin at bumalik sa isang malayong nakaraan sa kanyang mata; ang lalim sa kanyang mata ay umaalon katulad ng malalim na dagat.

...

Gabi na, ang dalawa sa kanila ay kayakap ang isa't isa at nakatulog.

Sa tahimik na kwarto, ang work phone ni Ye Wan Wan ay biglang tumunog.

Sa takot na baka magising niya si Si Ye Han, napasimangot si Ye Wan Wan ng tignan niya ang caller ID saka nagmamadaling tinakpan ang tumatawag at sinagot ang tawag. Bahagya siyang umubo at nilaliman ang kanyang boses: "Hello? Gong Xu?"

Bakit ako tinatawagan ni Gong Xu sa kalagitnaan ng gabi? May nangyari ba?

"Bakit mo ako tinatawagan sa oras na ito? Anong nangyari?" balisang tanong ni Ye Wan Wan.

Ang mahinang boses ng binata na nanggaling sa telepono, "Ye-ge, wala akong magawa…"

Nakikinig lang si Ye Wan Wan ng ilang sandali, "dahil lang dito?" tinawagan niya ako sa kalagitnaan ng gabi ng dahil lang dito?

"Uh… Ye-ge… kamusta ka? Wala ka ba sa mood?"

"..." bilang natakot sa pagtunog sa kalagitnaan ng gabi - paanong magiging maayos ang aking kalagayan?

"Ye-ge… may ginagawa ka… kasama ang iyong girlfriend… naistorbo ba kita?" maingat na tinanong ni Gong Xu.

Bahagyang kumislot ang labi ni Ye Wan Wan at naisip niya na maaari niyang sabihin ito: "alam mo pala, nguni't bakit mo pa sinasayang ang oras ko?"

"Sige, sige~" angal ni Gong Xu. "pero wala talaga akong magawa! Ye-ge, kailan ka mag-aayos ng gagawing trabaho para sa akin? Wala akong masyadong maramdaman at malungkot ako…"

Napahawak si Ye Wan Wan sa kanyang noo. "Tapos kana ba sa acting course na inayos ko para sayo?"

"Hindi pa…" naramdaman ni Gong Xu na siya ay mali at saka nag salita ng may pagaalala: "Ye-ge, hindi mo pwedeng gawin ang trabaho mo sa ganitong paraan! Bilangin mo kung ilan ang nasayang mo para sa hindi pag aayos ng kahit anong work assignment sa akin kamakailan. Sumasakit na ang puso ko sayo, alam mo 'yon?"

"Salamat." kumislot ang labi ni Ye Wan Wan. "kung wala ng iba, mag-usap na lang ulit tayo bukas."

"Sige, sige, maaari ka ng mag patuloy, Ye-ge. Hindi na kita guguluhin ngayon… nangako ka na dadarating ka sa aking pagtitipon, kaya wag mong kakalimutan ang tungkol doon, yeah?" nagsalita si Gong Xu sa pinaka mabait na pamamaraan. "Inimbitahan ko rin si senior Luo Chen - maganda para sa kanya iyon na makakilala ng maraming tao. Masyado siyang matigas."

Masyadong matigas si Luo Chen ngunit masyadong mabangis si Gong Xu…

Hindi ba maganda kung ang dalawang ito ay maging balanse?

Bumuntong hininga ni Ye Wan Wan. "Sige na, kuha ko na."

Ibababa na sana ni Ye Wan Wan nang nagsimulang magsalita si Gong Xu na nag-aalinlangan, "Ye-ge, sandali. Gusto mo bang isama din ang girlfriend mo?"

Ye Wan Wan: "Ayos lang…"

Gong Xu: "Bakit hindi?"

Ye Wan Wan: "siguradong wala siyang oras para dito." takot na baka ang lahat sa inyo ay matakot.

Nächstes Kapitel