webnovel

Pasensya na, hindi pa ako tapos magsaya

Redakteur: LiberReverieGroup

Patuloy na nagpuna si Ye Wan Wan at ang kuya, na nagsasagawa ng pagpapahirap, pinatunog ang pamalo na hawak. "Halika! Halika, halika! Ikaw gumawa! Hahayaan kitang magtanong, ayos ba?!"

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Sige!"

Ang ispya na nagpapanggap na patay na ay biglang nanigas. Nanlaki ang mata niya habang takot siyang umiling. Kuya! Pakiusap paluin mo pa ako! Huwag kang makipagpalit sa kanya.

Sa sandaling ito, may mga yapak na papalapit. Dumating ang mga kasama ni Si Ming Li.

"Duan-ge, buksan mo ang pinto. Palabasin niyo ang babae!" sabi ng isa sa kanila.

Nakasandal si Ye Wan Wan sa mga baras. Nang marinig niya iyon, nagbago ang itsura niya at malamig niyang tinignan ang dalawa.

Palabasin ako…?

Ang kuya na nagsasagawa ng pagpapahirap ay para bang iiyak na. Tila bang naging tagaligtas niya ang mga ito. "Nandito na din kayo! Kakaiba talaga ang babaeng ito… dinala niyo ba ang babaeng ito dito para pahirapan o pahirapan ako?"

Nagkatinginan ang dalawa at tinignan ang nagagalak na si Ye Wan Wan, na kumikislap ang mga mata. Lumingon sila sa kuya na para bang iiyak na at nahulaan nila ang nangyari.

Pasalamat na lang, nasa oras silang dumating...

"Huwag na kayong magdaldalan pa. Buksan mo na 'to at palabasin niyo na siya!" pagpilit ng dalawa sa kanya. Kahit na hindi nila alam kung bakit gustong pakawalan ng boss nila ang babaeng ito, kailangan lang nila isagawa ang mga utos nito. Hindi na din kailangan pang malaman ng kuya ang nangyayari at mabilis na binuksan ang pintuan. "Aking maliit na grand-aunt, pakiusap lumabas ka na! 'Wag mo akong istorbohin!"

Umangat ang mga kilay ni Ye Wan Wan at tumayo. "Lumabas? Sinong may sabi na gusto kong umalis?"

Natuliro ang tatlo sa narinig.

"Miss Ye, hindi mo ba kami narinig? Sabi namin na papalabasin ka namin!"

Humikab si Ye Wan Wan at direktong umupo sa sahig. "Sinong gustong lumabas? Pwede kayo magpalabas ng iba; hindi pa ako tapos na magsaya."

Ang tatlong tatlo: "..." Ano?

Ang ispya na napalo hanggang sa napunit ang kanyang balat at nalasog ang kanyang laman loob: "...!!!"

Ako… gusto kong lumabas, eh...

Habang tuliro ang tatlo, rinig ang mga yapak ni Si Ming Li mula sa likod at lumapit. "Nasaan siya? Pinalabas niyo na ba siya?" madaling pagsiyasat ni Si Mi Li.

Tinignan ng gwardya si Ye Wan Wan at sumagot, para bang nasa mahirap siyang sitwasyon. "Uh, fourth elder, hindi… hindi niya gustong umalis…"

"Walang kwenta! Hindi ko kayang gawin ang simpleng gawain! Umalis kayo!"

Nang makita kung gaano natataranta at nagagalit si Si Ming Li, alam na ni Ye Wan Wan na… gising na si Si Ye Han… at ayos lang siya… kung hindi, hindi siya mapupumilit na "palabasin" ni Si Ming Li.

Nakahinga ng maluwag si Ye Wan Wan. Nawala na din sa wakas ang malaki at mabigat na bato na nasa kanyang puso.

Samantala, sa ward:

Matagal na nakayap ang old madam kay Si Ye Han at emosyonal na umiyak.

Inaamo ni Si Ye Han ang old madam habang nakatingin sa labas ng bintana at nakaramdam na parang may mali.

Nakatayo si Xu Yi sa gilid at nababalisa. Sa wakas, nakahanap siya ng tsansa na makapagsalita. "9th master…"

Mabilis na siningitan ni Feng Yi Ping si Xu Yi: "Housekeeper Xu, kakatakas lang ng master mula sa kamatayan. Baka may madami siyang sasabihin kay old madam. 'Wag na tayong mapanitili pa rito at istorbohin sila!"

Mahigpit na hinawakan ng old madam ang kamay ng kanyang apo. "Umalis muna kayong lahat. Gusto kong kausapin si Ah-jiu!"

Nanglamig ang itsura ni Xu Yi. Hindi niya pinansin si Feng Yi Ping na sinubukang pigilan siya at direktang sinabi, "9th master, old madam, nasa dark chamber pa din si Miss Wan Wan!"

Nang marinig iyon ng old madam, agad na nagbago ang itsura. "Anong sabi mo? Nasa dark chamber si Wan Wan?"

Nächstes Kapitel