webnovel

Gising na ang 9th master

Redakteur: LiberReverieGroup

"Wala po 'yun tito Xu. Nagsasabi lang po ako ng totoo," sabi ni Ye Wan Wan.

"Hehe…" nangutya si Si Ming Li at nagsabi ng mga mahihirap na tanong, "Oo, inakusahan namin si Xu Yi, pero baka may mga problema sa 'yo."

"Malay ba natin na ikaw ang ispya na nilagay dito sa mga Si - niligtas mo ang master natin ngayon para mapagkatiwalaan ka ng mga Si at ng master para makamit ang tunguhin mo. Syempre, mapagdedesisyunan lang ito sa prosecution hall. At dapat pumuntaka na doon para sa imbestigasyon at malalaman natin kung alin ba ang totoo!"

Prosecution hall?

Kung pupunta akong prosecution, makakalabas pa ba ako ng buhay?

Matulin na naglakad patungo si Si Ming Li sa old madam at kay Si Ming Rong. "Kapatid, hipag, tuso ang babaeng 'to, dapat masusi natin 'tong imbestigahan ngayon din! Nauugnay ang mga Si sa isyu na 'to at kung ang future mistress ng bahay ay ispya ng kalaban…"

May prisipyo si Si Ming Rong na pagpatay ng sampung libo sa pagkawala ng isa lang, kaya natural kakampihan niya si Si Ming Li.

Sabi ni Si Ming Rong, "Mas maganda ng maging masinop at maiging imbestigasyon. Kailangan 'to."

Importante ang bagay na 'to. Sumimangot ang old madam at hindi nagsalita.

Inobserbahan ni Si Ming Li ang sitwasyon at hindi na inantay magsalita ang old madam. Lumingon siya sa may pinto at sumigaw, "Guards! Ikulong niyo siya!"

Tumango ang mga batak na gwardya at lumapit kay Ye Wan Wan.

"Ikaw… Lahat kayo!" natataranta si Xu Yi. Gusto niyang magsalita nung una pero naisip niya kung gaano kahirap ang sitwasyon niya, tinikom niya na lang ang kanyang bibig kung hindi baka mas lalong lumala ang sitwasyon.

Parehas din ng naisip si Xu Chang Kun - agad namang siyang umiling kay Xu Yi, humuhudyat na 'wag na lang siyang magsalita.

Matapos na lang ng family meeting sila makakapag-isip ng pwedeng gawin!

Lumiit ang mga mata ni Ye Wan Wan. Mamamatay na ba ako dito ngayon?

Kahit na sigurado siya na mapapatunayan ang pagiging inosente ni Xu Yi, nakalimutan niyang malawak ang puwang ng estado niya at ni Si Ming Li...

Sa ganitong lakas, walang kwenta ang mga diskarte niya.

Masyado akong mahina ngayon...

Lumapit kay Ye Wan Wan ang mga malupit at malamig na mga gwardya, buong pwersa nilang hinawakan ang mga braso niya...

*cough...*

Sa sandaling ito, sa gitna ng kaguluhan, may mahinang boses ang nagtigil sa lahat.

Mahina lang ang boses pero kasing lamig nito ang mga hangin sa hilaga, na nagpapaginaw sa lahat.

Bigla napawi ang lahat ng ingay. Natahimik ang lahat na para bang may kutsilyo sa mga lalamunan nila; walang sinuman ang nagtangkang magsalita.

Napatingin ang lahat sa direksyon ng ingay...

Nakita nila na gising na si SI Ye Han!

Nakasuot siya ng maluwag at manipis na pajamas. Nakahilig siya sa may pintuan at nakatayo lang doon, walang kulay ang kanyang maputlang mukha, mahina ang kanyang bawat lakad, puno ng kadiliman ang kanyang malalim, malamig at misteryosong mga mata.

"Fourth great uncle, hindi ako sigurado kung kailan nangyari sa mga Si na ikaw ang gumagawa ng desisyon?"

Umalingawngaw ang boses ng lalaki sa tainga ng lahat.

May sakit lang siyang tao na pwedeng mahimatay anumang oras, pero mukha silang nakasulyap sila ng impyerno; takot na takot sila sa kanilang pag-iisip.

Lalo na si Si Ming Li, tuluyan ng napawi ang kayabangan niya, bakas ang takot sa kanyang mukha at napuno ng pawis ang kanyang noo. Binuka niya ang kanyang bunganga at gustong magsalita, pero dahil sa sobrang takot, wala siyang maimik maski isang salita...

"Ma... master..."

"Gising na ang 9th master!"

...

Sa wakas, nagising na ang diwa ng lahat.

Hindi tumigil ang malamyang tingin ni Si Ye Han sa sinuman. Pumasada ito sa lahat at huminto kay Ye Wan Wan. "Halika."

Nächstes Kapitel