Sa maliit na hardin:
Wala ng oras si Ye Mu Fan na magpalit ng damit. Hindi maitatago sa kanyang mukha ang pagsisisi. "Bbb-boss…"
Tinignan siya ni Ye Wan Wan mula ulo hanggang paa. "Anong nangyari?"
Napaka masunurin ni Ye Mu Fan at umamin kagaad. "Wan Wan, patawad! Nakagawa ako ng isang pagkakamali! Kahit na binilisan ko na ang pagmamaneho, kasalanan ito ng lalaki - nagmamaneho siya sa maling na direksyon! Kaya nasira ang sasakyan…"
"Nasaktan ka ba?" sumimangot si Ye Wan Wan.
"Kaunting galos lang…" nanghihinang sagot ni Ye Mu Fan.
Ye Wan Wan: "Hangga't maayos ka, ayos lang. Wag mo na isipin ang nasirang sasakyan."
"Wan Wan…" Mangiyak-ngiyak si Ye Mu Fan ng mapansin niyang hindi siya pinagalitan ng kanyang kapatid.
Noon, napaka-istrikto sa kanya ni Ye Wan Wan na nagdulot sa kanya ng pagiging masunurin kapag nakikita niya siya ngayon.
"Naayos mo na ba ang isyu kay He Jun Cheng?" tanong ni Ye Wan Wan.
Ngumiti si Ye Mu Fan. "Huwag ka mag-alala, naayos na! Ang lalaking 'yon ay nagtanong din ng ebidensya sa akin ngayon lang! Haha, nakakatawa!"
Tumingin si Ye Mu Fan sa kanyang kapatid at nagliwanag ang kanyang mga mata. "Wan Wan, tama ka - hangga't may awtoridad ang isang tao, makukuha ang ebidensya kahit anong oras!"
Sa katunayan, may panahon na napuno siya ng galit, pakiramdam na hindi patas ang langit at masama ang loob. Pagkatapos ng lahat, ang lahat ng credits sa kanyang paghihirap ay kinukuha ng iba na halos nagdulot ng psychologically imbalance sa kanya.
Sa wakas, nakatulong sa kanya ang mga salita ni Ye Wan Wan upang mag settle down at ilaan lang ang lahat ng kanyang lakas sa trabaho.
Nang marinig 'yon ni Ye Wan Wan, masigla siyang tumingin kay Ye Mu Fan at nakaramdam ng init sa kanyang puso. "Maganda 'yan. Sabay na tayo umuwi para sa hapunan ngayong gabi!"
Ye Mu Fan: "Sige!"
…
Nang gabing 'yon, bumalik na sa bahay si Ye Wan Wan at Ye Mu Fan para sa lamesang puno ng pagkain na inihain ni Liang Wan Jun.
"Shao Ting, huwag ka masyadong uminom!"
Nakangiti si Ye Shao Ting. "Ayos lang - ito ay isang masayang araw ngayon!"
Nang makitang nagiging matino si Wan Wan at pati si Mu Fan ay pumipirmi sa kanyang career, mayroong hindi maipaliwanag na saya ang nararamdaman niya sa kanyang puso.
Itong pakiramdam ng kasiyahan ay hindi maikukumpara sa kahit anong mga nakamit noon.
"Kasalanan ito ng daddy para magdusa kayo ng husto dalawa…" alam na alam ni Ye Shao Ting kung gaano ang hamon ng hinaharap para sa dalawang bata.
"Dad, kalokohan. Ikaw ang the best na tatay sa mundo!" matamis na sagot ni Ye Wan Wan.
Kung hindi ito para sa kanya, wala ang kanyang ama sa ganitong estado ngayon.
Sa industriyang ito kung saan mahalaga ang benipisyo, kadugo at pagmamahal ay hindi na mahalaga. Hindi ganoon karami ang kayang gumawa ng ginawa ni Ye Shaoting, ang isakripisyo ang lahat para sa kanyang mga anak.
Tinignan ni Ye Shao Ting ng may buong pagmamahal ang kanyang anak na babae, ngunit nang tumingin siya sa kanyan ang anak na lalaki, kaagad na naging seryoso ang kanyang mukha. "Hayop, kailan mo ba babaguhin itong pagiging mapusok mo! Ilang beses ko ba dapat sabihin sayo na bagalan mo ang pagmamaneho, bagalan mo ang pagmamaneho! Nakikinig ka ba sa akin! Tignan mo ikaw! Nanira ka ng isang mamahaling sasakyan! Magkano ang halaga nito?"
Hinawakan ni Ye Mu Fan ang kanyang ulo ng marinig niya na pinapaglitan siya ng kanyang ama. Ito na naman tayo.
Dali-daling sinabi ni Ye Wan Wan, "Daddy, kasalanan ito ng kabilang partido sa pagmamaneho ng lasing, hindi kasalanan ni ge-ge. Gayun pa man, pwede naman kaming kumuha na lang ng ibang sasakyan kung nasira ito. Ang modelo na iyon ay medyo may edad na at sa kasalukuyang sitwasyon ni ge-ge, oras na para palitan!"
"En, tama si Wan Wan." tumango si Ye Shao Ting.
Ye Mu Fan: "…"
Dumaloy ang luha sa mukha ni Ye Mu Fan. "Dad, masyado kang bais, eh. Kahit anong sabihin ko hindi ka nakikinig, pero kapag si Wan Wan ang nagsalita, ang bilis mong sumang-ayon…"