webnovel

Napaka gwapo mo ngayon!

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa sandaling iyon, sa loob ng break room sa top floor ng hotel.

Ang pagsisiyasat mula sa impeyerno ay nagpapatuloy.

Nakasulyap si Nie Tangxiao sa binta sa dami ng tao sa baba. "Sa tatlong iyon, sino ang pinakamamahal ni Mommy?"

Malinaw na tinutukoy sa "tatlong" iyon ay si Luo Chen, Gong Xu, at Han Xianyu.

Magkasamang nanginginig sa takot si Tang Bin at Song Qiang.

Pakiusap huwag kana magtanong pa!

Hari, nakikiusap kami sayom mga bata lang kami!

Wala kaming kahit anong alam...

"Anong problema ninyong dalawa?"

Sa sandaling iyon, si Ye Wan Wan na katatapos lang ng kanyang trabaho, ay buinuksan ang pintuan at pumasok. Bilang resulta, napansin niya ang takot na itsura ni Tang Bin at Song Qiang.

"Wa… wala…" hindi tinangkang magsabi ng dalawa at mabait na bumalik sa gild.

"Mommy!" ng makita ng bata si Ye Wan Wan, kaagad siyang tumalon pababa sa kanyang upuan at tumakbo, nagpapakita ng isang malabot na ngito at nangniningning na mga mata. Sa kanya pink, na pisnge ay mayroong dalawang maliit na dimples.

Tang Bin, Song Qiang: "…"

King… bakit ka ganyan… hindi na kaya ng puso namin...

"Kuya…" biglang nagbago ang tawag ng munting bata sa kanya ng mapansin niyang siya ay halos mali ang kanya pagkakabati.

Hinimas ni Ye Wan Wan ang jade na pisnge ng munting bata. "Ayos lang. Kapag walang ibang tao, pwede mo akong tawaging Mommy!"

Hindi lang sa maaari niyang tawagin siyang "Mommy," ngunit kung gusto niya ng bituin sa kalangitan, siya ay lilipad at kukunin ito para sa kanya!

Halos kalahating oras ang nakalipas, isang sama-samang yapak ang narinig mula sa labas ng pintuan. Ang iba ay bumalik na sa alon.

Nakikita niya si Assistant Xiao Qing at dalawang security guards na nagdala-dala ng isang bungkos ng bulaklak at regalo na bigay ng mga fans. Nakasunod si Luo Chen, nakasuot ng isang army uniform bilang promotion para sa kanilang series.

Simple lang si Luo Chen, ngunit ngayon siya ay nakasuot ng isang army lieutenant uniform na mat puting gloves, itim na leather shoes, ay isang belt na may nakahibilyang kumikinang na agila.

Ang ganitong uri ng kasuotan ay talagang bagay sa kanya. Walang duda ang lahat ng fans sa labas ay naghihiyawan hanggat maubos ang kanilang boses.

"Ye-ge!" matapos pumasok, dimiretso si Luo Chen papunta kay Ye Wan Wan. Sa tabi niya, may dala-dalang isang box ang kanyang assistant na inabot kay Ye Wan Wan. "Ye-ge, para sayo ito para subukan mo!"

"Ito ay…?" hindi na intindihan ni Ye Wan Wan.

"Para ito sa masahe. Hindi ba lagi mo sinabi na sumasakit ang iyong muscles? Binigyana ako ng massager ng aking fans at sinubukan ko ito. Hindi na masama, kaya bumili ako ng isa para sayo," sagot ni Luo Chen.

Ah, ang magalaga ng isang maaalalahanin at maunawaing artista ay talagang nakakahanga.

"Sige kung gayun, susubukan ko ito. Salamat!" hindi naman magalang si Ye Wan Wan sa kanya at direktang tinanggap ang regalo. Tinapik niya si Luo Chen sa balikat saka pinuri ito. "Napaka-gwapo mo ngayon!"

Biglang nakaramdam ng pagkahiya si Luo Chen. "Salamat..."

Tahimik na tinignan ni Nie Tangxiao si Luo Chen na nasa tabi ni Ye Wan Wan. ng marinig niya ang sinabi ni Ye wan Wan: "napaka-gwapo mo ngayon," hindi nagbago ang kanyang reaksyon, ngunit kumunot ang kanyang kilay.

"Ye-ge, ito ay?" sa sandaling iyon, napansin sa wakas ni Luo Chen ang batang nasa tabi ni Ye Wan Wan.

"Oh, ito ay bata kong kapatid. Wala silang oras para bantayan siya, kaya nasa pangangalaga ko siya ng mga ilang araw!' kaswal na ipinaliwanag ni Ye Wan Wan saka dahan-dahan niyang binaba ang kanyang tingin upang sabihin sa munting bata, "Tangtang, bumati ka sa kanila."

Inangat ng bata ang kanyag ulo. "Hello, Ge ge!

"Hi!" sumagot si Luo Chen pabalik na may kasamang ngiti.

Hindi pa siya nakakakita ng ganito ka gandag bata noon. Mukhang lumabas mula sa isang painting ang batang ito.

Nächstes Kapitel