Imperial City, Si Corporation:
Nag-iba ang itsura ni Xu Yi pagkatapos niyang makatanggap ng tawag, nag-aalala niyang binuksan ang pintuan ng opisina, "9th master, tumawag ang eskwelahan; sinabi nila na bumalik ang asthma ni young master Si Xia!"
Mula sa sandamakmak na files na hawak niya, tumaas ang kanyang ulo nang marinig ito ni Si Ye Han. Tuwid ang kanyang emosyon at sumagot, "Ihanda niyo na ang kotse."
"Opo!" Nagulat si Xu Yi.
Suwail at magpagbiro si Young master Si Xia; hindi siya nakikinig sa kanyang mga magulang, kaya naman binilin ni old madam na si Si Ye Han ang mag-aalaga kay Si Xia. Responsibilidad ni Si Ye Han kapag may nangyaring masama sa kanya, kung hindi, sususpetyahan na naman siya ng matanda.
Sa Qing He, ang prinsipal at bilang sa top management ang nakakaalam sa tunay na pagkakakilanlan ni Si Xia.
Nang marinig nilang personal na darating sa eskwelahan ni Si Ye Han, pumunta ang principal sa gates at hinintay siyang makarating. Nang dumating na siya, sinamahan pa siya ng principal papunta sa sickbay.
"Bakit naman babalik ang sakit niya kung maayos naman siya?" Tanong ni Xu Yi.
Takot na masisi ang principal dahil hindi niya naalagaan ng maayos si Si Xia, pinunasan niya ang kanyang pawis at dali-daling sinabi, "Eto...Eto ay… dahil may maliit na bagay siyang kinatakutan habang rehearsals nila…"
"Maliit na bagay na ikinatakot niya?" Hindi naintindihan ni Xu Yi, ano naman ang ikatatakot niya habang rehearsal?
Kinakabahang sumagot ang principal dahil nasa kanya ang atensyon, "Yung babaeng kasam niyang umarte, nakakatakot kasi ang mukha…"
Xu Yi: "Uh…"
Ang babae ba na iyon ay si… Ms Ye, ba…?
"Kamusta naman siya?" tanong ni Si Ye Han.
"Malayo sa pahamak ang kalagayan niya. May kaunting lagnat lamang siya at wala masyadong kulay ang kanyang mukha sa ngayon."
Sa Qing He sickbay:
Nang umalis na ang lahat, si Ye Wan Wan na lang at si Si Xia ang natira sa sickbay habang nakatingin silang dalawa sa isat-isa.
Ayaw tanggalin ni Si Xia ang kanyang kamay sa manggas ni Ye Wan Wan, kaya walang choice si Ye Wan Wan kundi magsalita, "Ano? Gusto mo bang tumira muli sa maliit na gubat kasama ako?"
Ayoko siyang mabagabag dahil may sakit siya...
Ang mga daliri na mahigpit na nakakapit sa kanya ay biglang pumiglas nung sinabi niya iyon.
Nagalak si Ye Wan Wan sa resulta ng sinabi niya. Tinanggal niya ang kanyang braso at sinabi, "Malinaw ko nang sinabi sayo kagabi; wag mong sayangin ang lakas mo sa akin kahit kailan!"
Papasok na sa pintuan ng sickbay si Xu Yi at ang kanyang master nang may marinig silang pamilyar na boses. Ang boses na ito… kay Ye Wan Wan!
Hindi pwede! Bakit andirito rin siya?
Nag-iba ang ekspresyon ni Xu Yi at pagkatapos nito, ang naguguluhang boses ni Si Xia naman ang maririnig, "Ye Wan Wan! In-love ka ba talaga kay Si Ye Han?"
Mabagal na nahulog ang malamig na pawis ni Xu Yi sa kanyang noo nang marinig niya ang tanong na iyon.
Bakit kami dumating dito nang ganito ang nangyayari!
Naging pabaya si Xu Yi---dapat sinuri niya muna ang sitwasyon bago sila pumunta doon, alam niya na nasa iisang eskwelahan si Ye Wan Wan at Si Xia.
Sa loob ng kwarto, nagbuntong hininga si Ye Wan Wan, "Walong daan ko nang pinaulit-ulit sa iyo, ilang beses pa ba ang gusto mo? Ang relasyon ko sa 9th uncle mo ay mas matibay pa sa ginto dahil parang bato ito. Hanggat hindi flat ang bundok, hanggat hindi matigang ang lawa, hanggat magkaroon ng kulog tuwing winter, hanggat magkaroon ng snow habang summer, hanggat hindi pa magsanib ang langit at lupa--doon ko palang siya iiwan!
Si Xu Yi sa may pintuan: "..."
Nagiging masining na si Ye Wan Wan!
Gayunpaman, hindi tatantanan ni young master Si Xia kung mamamagitan siya sa dalawa...
Hindi mapakali si Xu Yi. Habang siya ay nababahala paniguradong naririnig niya ang mapangasar na tawa ni Si Xia, "Naniniwala ka ba sa sinabi mo Si Xia? Tsk, gusto mo siya? Ano naman nagustuhan mo sa kanya? Kapangyarihan? O yung mukha niya? Sa tingin mo ba, hindi ko malalaman na hindi mo na talaga gusto? At ang pananamit mo ng ganyan, dahil gusto mo siyang takutin palayo sayo 'di ba?"
Leche! Binulong ni Ye Wan Wan ang kanyang mura-- etong brat na ito ang hirap pakisamahan!
Ang tinatago niya ay nasiwalat ng ganoon na lang.
Pumutok ang ugat sa noo ni Ye Wan Wan. Naubos na ang kanyang pasensya kaya siya ay nagsisisigaw na, "Iwasan siya? Mukha mo! Bratinelo ka! Bakit hindi ka naniniwala sa akin?! Kailangan ko pa bang dalhin dito si Si Ye Han para mag-sex kami sa harap mo nang matauhan ka?!"