webnovel

Dodoblehin ko

Redakteur: LiberReverieGroup

"Noise of Dragons mercenary group… Tang Long?!"

Nabigla ang lalaking may mahabang buhok at ang balbas sarado na lalaki nang marinig nila ang pagpapakilala ni Tang Long.

Hindi nakakatakot ang Noise of Dragons mercenary group, pero ang kapitan nila na si Tang Long ay tunay na nakakasindak...

Hindi naman tanga ang lalaking may mahabang buhok at ang balbas sarado na lalaki. Alam na agad nila ang mangyayari nang magpakita sa harapan nila si Tang Long.

"Papatayin kita!"

Sa isang saglit, inunat ng lalaking balbas sarado ang kanyang espada at sumugod siya papunta kay Tang Long. Naisip niya na kapag nasugatan niya si Tang Long, walang mangyayaring masama sa master niya!

Gayunpaman, bago pa siya makalapit, tumagilid si Tang Long at inangat nito ang kanyang kanang paa.

"Swish!"

May malakas na tunog ang umalingawngaw sa hall at sinira nito ang katahimikan.

Nakita nila si Tang Long na nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa habang ang kanang paa niya ay mabilis na humakbang. Mabilis ang paggalaw ng buong katawan niya at ang bawat galaw niya ay napakabilis rin.

Hindi alam ng lalaking balbas sarado ang nangyayari at hindi siya makapaniwala nang biglang tumalsik ang buong pagkatao niya dahil sa malakas na pwersa.

"Bakit mo sinaktan ang Qiang-ge ko!"

Umangal ang lalaking may mahabang buhok at inangat niya ang kanyang palad, naghahanda siyang umatake kay Tang Long.

"Pasensya na, ayoko maging malupit sa inyo kaya sinasabihan kitang tumigil na." Nasa likod ni Tang Long ang dalawang kamay niya habang nakatayo siya sa iisang pwesto nang biglang gumalaw na naman ng bahagya ang katawan niya. Sampung beses siyang inatake ng lalaking may mahabang buhok at inilagan niya ang bawat atake nito sa kanya nang hindi nahihirapan. Hindi man lang nahawakan ng lalaking may mahabang buhok ang buhok ni Tang Long.

"Gusto mo na talagang mamatay!" Galit na galit ang lalaking may mahabang buhok. Pinapahiya ako ni Tang Long, huh?!

Bumuntong hininga si Tang Long nang makita niya na nagagalit na ang lalaking may mahabang buhok. Pagkatapos nito, bigla gumalaw ng isang technique na hindi pa nila nakikita noon - ang siko niya ay ginamitan niya ng pwersa upang basagin ang mukha ng lalaking may mahabang buhok.

Ganoon din ang nangyari sa lalaking may mahabang buhok, tumalsik siya at nahulog sa malayong lugar.

"Ya… yari ka Tang Long, hindi ka pwede dito… ginalit mo na si master…"

Dumadaldal pa ang lalaking balbas sarado hanggang sa hindi siya pinansin ni Tang Long dahil naiirita na ito sa kanha at inutusan nito ang tauhan niya na kaladkarin ang lalaking balbas sarado.

"Pasensya na at dinungisan ko ang kwarto mo."

Pinunasan ni Tang Long ang mga dugo sa kamay niya at yumuko siya kay Ye Wan Wan bilang paghingi ng pagpapatawad.

"Sinong nagpadala sa inyo?" Tiningnan ng masama ni Ye Wan Wan si Tang Long.

"Miss Ye, ito ay isang sikretong misyon. Ayon sa aming code of conduct, kailangan gawin naming konfidensial ang pangalan ng aming employer. Hindi namin ito pwedeng sabihin, Miss Ye. Sana okay lang sayo iyon." Magalang na sinabi ni Tang Long.

"Magkano ang ibabayad sayo ng employer mo? Dodoblehin ko iyon kung tutulungan mo akong patayin siya," sabi ni Ye Wan Wan.

Napakabilis ng galaw ng taong ito at kahit si Ye Wan Wan ay nahihirapang makita ang galaw niya. Alam ni Ye Wan Wan kung hanggang saan lang aabot ang abilidad niyang makipaglaban at hindi niya kayang talunin si Tang Long.

Gayunpaman, tumatanggap ng assignments ang mga mercenaries para lamang sa pera at kayang taasan ni Ye Wan Wan ang kabayaran niya para sa kanilang serbisyo.

"Haha, Miss Ye, nakakaakit man ang sinasabi mo, ngunit ito ay kalabagan sa patakaran ng aming propesyon." Tumawa si Tang Long.

"Triple ang ibabayad ko." Sabi ni Ye Wan Wan.

"Pasensya na, Miss Ye, pero hindi ito para sa pera lamang." Umiling si Tang Long.

"Apat na patong ang kaya kong bayaran para sayo." Nilabas ni Ye Wan Wan ang apat niyang daliri.

"Malas ka dahil pinirmahan ko na ang kontraya. Kung hindi, makikipagkasunduan na sana ako kay Miss Ye," sabi ni Tang Long.

Kung suwail lamang si Tang Long, hindi ito palalampasin ng mercenary trade union.

"Limang patong sa kabayaran - ito na ang pinakamataas na maibibigay ko sayo," hinikayat siya ni Ye Wan Wan.

"Kung gayun, kapag nabuhay si Miss Ye sa laban na ito, handa akong tulungan ka sa hinaharap. Pero sa oras na ito, wala akong magagawa para sayo." Sabi ni Tang Long.

Nächstes Kapitel