Bagay na bagay si Jiang Yan Ran sa katakter na ito kung ibabase lang sa kanyang kasanayan sa pagsayaw at acting skills.
Isang beses lamang sa buong buhay ang oportunidad na magkakaroon ng auditions sa ilang mga major theatre at film schools sa susunod na buwan.
Agad na tinawagan ni Ye Wan Wan si Jiang Yan Ran.
Mabilis na sinagot ang tawag niya at maririnig ang masayang boses ni Jiang Yan Ran na sumagot. "Uy, Wan Wan!"
"Kamusta ka na, Yan Ran? Natapos mo na ba ang finals mo?"
"Oo, natapos ko na! Kakalabas lang rin ng resulta! Nangunguna ako sa major ko sa eskwelahan!" Masayang sinabi sa kanya ng babae.
Natuwa si Ye Wan Wan sa sinabi niya. "Ang galing pala! Ililibre kita sa isang masarap na restaurant!"
"Sinabi mo 'yan, huh? Hindi ako! Oo nga pala, hindi niyo pa ba sembreak? Kailan ba ang exams niyo?" Tanong ni Jiang Yan Ran.
"Magsisimula na next week."
"Ah, ganoon ba. Edi… ipagsasabay mo ang grade-skipping exam at graduation thesis mo?"
"Oo!" Sabi ni Ye Wan Wan.
Nag-apply ng early graduation si Ye Wan Wan noong unang pumasok siya sa eskwelahan. Gayunpaman, kailangang matapos muna ng isang taon ang isang estudyante bago makakuha ng grade-skipping exam, kaya kailangan niya munang maghintay sa ngayon.
"Hm, edi mas madalang na kitang makikita simula ngayon? Pwede pa ba kitang puntahan kapag may mga katanungan ako?" Nagtatampong sinabi mo Jiang Yan Ran.
Parati niyang tinatanong si Ye Wan Wan sa tuwing nagkakaroon siya ng problema sa pinapasukan niyang programa. Mabilis naman na nakakahanap ng solusyon at kasagutan si Ye Wan Wan sa kanyang mga problema.
Mas mapalad siya kung ikukumpara sa iba niyang mga kaklase at halos hindi siya nahirapan sa kanyang pag-aaral.
Kapag nagkamali sila sa unang bahagi ng pag-aaral nila, mas mahihirapan silang ayusin ang hinaharap ng kanilang acting careers.
Tumawa si Ye Wan Wan. "Siyempre naman. Ga-graduate lang naman ako, hindi ako lilipat ng ibang bansa. Parati kong masosolusyonan ang mga katanungan mo. Ikaw kaya ang pamato ko!"
Mas lalong nalungkot si Jiang Yan Ran nang marinig niya iyon. "Kailan mo pala ako kukunin bilang artista mo? Sa totoo lang, wala akong pakialam sa mga sinabi mo! Gusto lang kitang maka-trabaho!"
Lumambot ang pakiramdam sa mga mata ni Ye Wan Wan nang dahan-dahan niyang sinabi, "Ayun nga ang gusto kong pag-usapan natin ngayon. Malabo kasi kapag sa tawagan, magkita na lang tayo bukas!"
"Sige sige!" Sumang-ayon si Jiang Yan Ran.
"Oo nga pala, dadalhin ko bikas ang special edition signed photograph ni Han Xian Yu na nakasuot siya ng pang-professor. Nakalimutan kong ibigay sayo iyon noon." Natandaan na lamang bigla ni Ye Wan Wan.
"Ah, okay," sagot ni Jiang Yan Ran.
Napansin kaagad ni Ye Wan Wan na hindi masigla ang tono ng pananalita no Jiang Yan Ran...
Ang atensyon niya ba ang nakay Chu Feng na?
Tuwang-tuwa siguro ang lalaking iyon?
Binaba na ni Ye Wan Wan ang tawagan pagkatapos niyang sabihin ang mga detalye.
Makakapasok siguro ang pelikulang ito sa Golden Orchid Awards ng taong ito kapag naging maayos ang filming nito...
Ang hindi sinasadyang kaliwanagan sa kanyang pag-iisip ay nagbigay ng ginhawa sa kanina'y naiinis niyang pakiramdam, at lumakas ang loob niya nang sinimulan niyang isulat ang kanyang graduation thesis.
Dong dong dong. May kumatok sa pintuan.
Sumagot si Ye Wan Wan, "Pasok."
"Si Tang Tang ito, Mommy!" Maririnig ang boses ni Tang Tang sa labas ng pintuan.
"Papunta na si Mommy!" Nagmadaling pumunta sa pintuan si Ye Wan Wan.
"May ginagawa ka ba, Mommy?" Nakita ni Tang Tang ang notebook, laptop, mga papeles na nakalagay sa desk.
"Oo eh, kailangang gawin ni Mommy ang homework niya!" Sagot ni Ye Wan Wan.
Tumango si Tang Tang. "Dalian mo na pala at tapusin mo na ang homework mo, Mommy. Mag-isa lang na maglalaro muna si Tang Tang at hindi niya aabalahin si Mommy."
"Ah, huwag na!" Agad na niyakap ni Ye Wan Wan ang bata. "Boring ang gumawa ng homework! Samahan mo si Mommy, Tang Tang!"
Ah, gusto ko sanang makasama araw-araw si Tang Tang...