"Ye-ge, anong gagawin natin? Paano tayo tutugon sa publiko…" desperadong nag-antay si Dong Zai ng gagawin.
Sumagot si Ye Wan Wan, "Hindi mo na kailangan tumugon. Kahit na tumugon ka, mawawalang bisa din iyon. Ang pagsira sa pag-arte ni Gong Xu ay nangyayari sa isang araw lang o dalawa. Isa na lang ang solusyon para sa ganyan…"
Dong Zai: "Eh, ano iyon…"
Kuminang ang mga mata ni Ye Wan Wan habang sumagot, "Sampalin sa pagmumukha nila ang talento."
Napatigil si Ye Wan Wan bago magpatuloy, "Pagpokusin mo si Gong Xu sa pag-arte. Hindi na mahalaga ang iba pang nangyayare."
Hangga't nakikilala ang pag-arte ni Gong Xu sa hinaharap, lahat ng paglait at paninira ngayon ay magpapasikat lang kay Gong Xu balang araw.
Walang pag-asa si Dong Zai, pero matapos ito pag-isipan, ito na lang ang kaya nilang gawin sa ngayon. "Sige, naintindihan ko, Ye-ge."
Nanonood si Si Ye Han mula sa likod t nang makita ang babaeng mataas ang kumpiyansa sa sarili, nanlambot ang kanyang itsura.
Nang marinig ni Ye Wan Wan ang mga yapak mula sa likod niya, lumingon siya dito. "Ah-Jiu, nakita mo ba si Tangtang?"
Pinag-isipan ito ni Si Ye Han. "'Hindi."
Napa-iling si Ye Wan Wan habang napapaisip. "Kakaiba 'yon. Saan naman pumunta ang batang iyon umagang-umaga?"
Sabay na nagpunta patungo sa kusina sila Ye Wan Wan at Si Ye Han.
Nang makapasok sila, biglang may isang "BANG". Umulan ng mga talulot ng rosas mula sa taas at napuno ang buong silid makukulay na lobo na lumipad sa may kisame.
Sobrang ganda...
Puno ang silid ng mga talulot ng rosas at makukulay na lobo. Para bang isang panaginip ang eksenang ito.
"Anong nangyari?" napatalon si Ye Wan Wan, hindi naiintidihan ang nangyari.
Sumulyap si Si Ye Han sa buong silid.
Nakita ng dalawa si Tangtang na naglalakad patungo kay Ye Wan Wan na may hawak na bouquet ng rosas na mas malaki pa sa kanya.
"Mommy…" nakasuot ng maliit na suit ang bata at halos natakpan na ang buong mukha niya mula sa bouquet ng rosas.
Nagulat si Ye Wan Wan. "Tangtang! Ano ito?"
Medyo nahiya ang bata habang hawak ang bouquet sa kanyang ulo at sabi, "Para sa 'yo ito, Mommy!"
Napatigil si Ye Wan Wan saka tinanggap ang malaking bouquet. Parehas siyang gulat at masaya. "Salamat, baby. Ikaw… ikaw lang ang naghanda ng lahat ng 'to?"
Tumango ang bata, mukhang kinakabahan. "Opo! Tinulungan din ako nila ge ge at jie jie na ihanda ang mga lobo at mga bulaklak habang pinadala ni tito sa akin ang mga rosas mula sa bahay. Sabi ni tito na paborito ni Mommy ang rosas… nagustuhan po ba ni Mommy?"
"Syempe nagustuhan ko!" walang alinlangang sagot ni Ye Wan Wan.
Wow! Sobrang talino niya?! Talagang naghanda siya ng surpresa para kay Mommy! Ngayon, talagang nagulat ako...
Sobrang bait na anak… kahit na maghanap ako ng may parol, hindi ako makakahanap ng tulad niya! Ayos lang ba sa 'kin na sinasamantala ko siya ng ganito?!
Pero hindi naman sa masama ang pagtrato ko sa kanya...
Maya-maya, pinag-isipan ito ni Ye Wan Wan. "Pero… may mahalaga bang okasyon ngayon?"
Seryosong sumagot ang bata, "Opo, talagang espesyal ang araw na ito!"
Espesyal ang araw na ito?
Pero matapos itong pag-isipan, hindi makaisip si Ye Wan Wan na partikular na pyesta.
Sabi ni Tangtang, "Ngayon ang ikapitong araw mula nang makilala ko si Mommy. Sa bawat araw na magkasama si Mommy at Tangtang ay espesyak na araw."
Nang marinig ito ni Ye Wan Wan, nadala siya at lumuhod para yakapin ang bata. "Salamat, baby! Ikaw ang pinakagusto ni Mommy!"
Kuminang ang mga mata ng bata. "Si Mommy din ang pinakagusto ni Tangtang!"
Si Si Ye Han na nakatayo sa likod ng mag-ina. "..."