Na-nanay?!
Naramdaman ni Ye Wan Wan na kinidlatan siya ng siyam na sabay-sabay kidlat.
Ngayon niya lang naintindihan kung sino ang batang ito...
Ang apelyido ng batang ito ay Nie at pamilyar siya kay Ye Wan Wan noong nakita niya ito noong una. Tapos ngayon, sinabi ng batang ito na siya ang anak ni Ye Wan Wan...
Maliwanag sa akin na wala akong anak!
Kaya...
Ang… ang batang ito… ay ang… pamangkin ni Nameless Nie!!!
Magulo pa ang sitwasyon niya nitong kamakailan lang kaya kahit na nag-sususpetya siya, hindi niya pa rin ito masyadong pinansin.
Sa video call niya lang nakita ang batang ito kaya hindi masyadong malinaw ang mukha niya noon. At tsaka, iba ang suot na damit ng batang ito noong nag-video call sila, nakasuot siya ng itim noon. Kaya naramdaman niya na pamilyar ang batang ito at hindi niya maalala kung sino talaga ang bata!
Ang pinaka importante sa lahat, bakit hindi man lang siya binalaan ni Nameless Nie na maghanda para dito noon, para sana handa siya kapag nangyari man ito!
Kaya sa huli, hindi niya alam na pamangkin pala ito ni Nameless Nie!
Blangkong tinititigan ni Ye Wan Wan ang bata na nasa harapan niya at halos mabaliw siya sa kaka-isip!
Yung mokong na Nameless Nie! Bakit hindi niya man lang ako sinabihan? Hindi ako naghanda para dito! Anong gagawin ko at kanino ko malalaman ang dapat kong gawin?!
Hindi ako makapaniwala, kailangan ko nang mag-quit at wala na lang gawin!
Nakaunat pa rin ang maliit na kamay ng batang lalaki at tinitingnan niya pa rin si Ye Wan Wan.
Nang makita ni Ye Wan Wan na nakikipagkamayan pa rin ang bata, bumalik na sa tamang pag-iisip si Ye Wan Wan at natunaw ang kanyang puso. Inunat niya ang kanyang kamay at nakipagkamayan siya sa maliit na kamay ng batang lalaki. "Hello…"
Tinitigan ng batang lalaki ang kamay niya na hawak ni Ye Wan Wan at bigla siyang napangiti. Mas cute siya ngayon kaysa kanina.
Nagtinginan ang dalawang bodyguards na nasa likod niya. Hinayaan ni young master na… hawakan siya ng ibang tao...
Kaka-kalma lang nila Tang Bin at Song Bin kanina sa pananabik na naramdaman nila at ngayon nasasabik na naman sila hanggang sa matulala na lamang sila.
Whoa! Ang batang iyon ay ang… anak ni master!!!
May anak na pala na ganyang edad si master?
At mukhang hindi pa namukaan ni master ang sariling anak, eh?
Tunay nga na siya ang tunay na master… napakagaling niya...
Ilang peach blossoms kaya ang meron siya, huh...
Hindi na makapagsalita si Ye Wan Wan pagkatapos niyang sabihin ang "hello." Pagkatapos ng ilang oras, wala pa rin siyang maisip na sabihin.
Ye Wan Wan: Uh, Nie Tang Xiao, oo nga pala… pwede ba kitang tawagin na Tang Tang?"
Tumango ang batang lalaki. "Sige."
Sumakit ang ulo ni Ye Wan Wan nang huminga siya ng malalim. Hindi sila nakapaghanda ang nagplano ni Nameless Nie kaya kailangan niyang mag-improvise sa pagkakataon na ito.
Kaya sinabi ni Ye Wan Wan, "Ikaw pala si Tang Tang, pasensya na kasi hindi ka namukhaan ni mommy. Kinausap ko ang tito mo noon at gusto sana kitang bisitahin, pero naging abala kasi ako kaya naantala ang pag-bisita ko sayo…"
Batang lalaki: "Okay lang na abala si mommy. Pwede ko naman bisitahin si mommy."
Natunaw ang puso ni Ye Wan Wan nang marinig niya iyon. Napaka-masunurin naman ng batang ito!
Bakit ang sama ng pinagsasabi ni Nameless Nie sa batang ito? At bakit niya ito tatawaging little devil?
Nagalit si Ye Wan Wan nang maisip niya si Nameless Nie. "Saan ang tito mo? Sinamahan ka ba niya kanina?"
Yung mokong na Nameless Nie! Saan siya pumunta?! Kaya ko ito ng mag-isa!
Sumagot ang batang lalaki, "Dinala lang ako dito ni tito at umalis na rin siya."
Ye Wan Wan. "Ah, ah, ganoon ba…"