webnovel

Mas matanda nga naman siya

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa Dazzling Media:

Kumalat sa buong kumpanya ang balita na may externally-hired na manager

At tulad ng inaasahan, hindi natuwa ang mga senior managers sa balita na ito, hindi lang dahil, hindi siya nagpakahirap para mapunta sa mataas na posisyon, pero dahil masyado pa siyang bata para maging mapunta sa taas.

Bakit hindi na lang siya ang-artista? Bata pa naman siya at maganda ang mukha… bakit mas pinili niyang maging manager?

Gayunpaman, malaki ang pagkakaiba ng artista at ng manager---mas maganda kung mas maaga kang nagkaroon ng debut bilang artista, pero ang manager ay kailangan ng malalim na karanasan at maraming kakilalang network. Maraming managers ay nagsimula bilang assistants muna o di kaya nagsimula muna sila sa marketing; hindi pa sila pwedenh humawak ng artista kung hindi pa sila nagta-trabaho ng 3 hanggang 5 taon, kaya kakaunti lang ang bilang ng mga managers na may edad na 30 years old pababa.

Ngunit, alam din ng matatagal nang empleyado na malaki ang galit ni chairman Chu sa dikdador na si, Zhou Wen Bin, na may kapangyarihan na hawakan ang lahat ng artista. Kaya binigyan agad ni chairman Chu ng mataas na posisyon si Ye Bai para magkaroon rin ito ng mataas na kapangyarihan, at sinigurado niyang makikipagtulungan ang lahat ng nasa Dazzling Media kay Ye Bai.

Sa ngayon, hinihintay lang ng lahat kung ano ang susunod na mangyayari. Walang sumubok na gumawa ng pangkat dahil halata naman na may maling nararamdaman ng mga empleyado kay Ye Bai.

Pinagsalitaan ni Ye Bai si Zhou Wen Bin sa harap ni chairman Chu kaya makikita na malakas ang loob ni Ye Bai kapag harapan, pero wala na sa kontrol ni chairman Chu kung ano ang mga pribadong nangyari. Walang karanasan si Ye Bai sa entertainment industry, walang tigataguyod at kulang ang kaalaman niya sa ganitong entablado, ang pinili niya pang artista ay yung hindi na sikat. Paano niya lalabanan si Zhou Wen Bin?

May kaguluhan sa loob ng film studio.

Isang grupo ng mga baguhan ang pini-picturan para maipakita sila sa publiko.

Marami sa kanila ay hindi pa nakakasampa sa edad na 20--ang pinakabata ay may edad na 16 lamang. Lahat sila ay mga bata at sariwa pa ang mga itsura.

Maagang nakarating sa film studio si Luo Chen. Naghintay siya sa isang gilid na may suot na plain na puting t-shirt at pantalon, suot niya rin ang luma nang sneakers.

9:10am na ang oras at 10 minuto na ang lumipas sa oras na binigay sa kanya ng kanyang manager.

Sa oras na iyon, may gwapong artista ang nakikipag lokohan sa mga tao at hindi tumutingin sa dinadaanan niya, nang biglang nabundol niya si Luo Chen.

Nang makita niyang si Luo Chen ang natamaan nya, ngumiwi ang istura ng artistang ito. "Luo Chen…"

Ang artistang iyon ay hawak ni Zhou Wen Bin, siya si Lin Hao. Sikat ang movie na pinag-artehan niya dahil ang manager niya ang isa sa mga malalakas sa kumpanya, nasa limelight si Lin Hao kaya ang mga baguhan ay nakapalibot sa kanya, sinusubukan nilang makakuha ng pabor sa artistang ito.

Kumalat na rin ang balita sa nangyari kahapon sa loob ng opisina ni Zhou Wen Bin; alam ng lahat na ang pinili ng bagong manager ang hindi sikat na artistang hawak ni Zhou Wen Bin, at tsismis din sa kanila na ayaw pakawalan ni Zhou Wen Bin si Luo Chen at ginamit niya bilang kapalitan si Lin Hao para hindi umalis sa kanya si Luo Chen. Ang malala pa doon, hindi tinanggap ng bagong manager si Lin Hao kasi hindi raw siya sapat, kaya naging katatawanan ang pangalan ni Lin Hao sa buong opisina ng Dazzling Media.

Kumulo ang dugo ni Lin Hao nang makita niya si Luo Chen. Mainit niyang hinusgahan si Luo Chen habang kinakamot ang kanyang baba. "Anong ginagawa mo dito!?"

"Sinabi ng manager ko na maghintay ako dito." Walang emosyon na sumagot si Luo Chen, para bang sanay na siyang makatanggap ng masamang pagtrato kaya hindi siya nabigla at nanatili lamang siya sa kanyang pwesto.

Tumawa ng malakas si Lin Hao. "Ha? Manager? Yung little adonis na baguhan sa kumpanya?"

Nakisama sa usapan ang mga baguhan at tumulong sila para maliitin si Luo Chen para matuwa sa kanila si Lin Hao. "Haha, sino kaya yun? Siya kaya ang sikat na artista na pinili ng bagong manager? May back-up na siya ngayon, kaya pala mayabang na!"

"Hindi niya naman kayang bumalik ulit dahil nagpalit siya ng manager, 'di ba?"

"Kahit si Chu-ge, hindi maaayos ang basurang ito. Naisipan niya pa talagang bumalik sa industriya!"

Nakahalukipkip si Lin Hao sabay tumawa. "Wag niyong sabihin yan guys. Rumespeto kayo at nakakatanda siya sa atin, tatlong taon na ang nakalipas noong unang debut niya!"

Nächstes Kapitel