webnovel

Mahirap bantayan ang magnanakaw sa pamilya

Redakteur: LiberReverieGroup

"Hng!" malamig na nangutya si Si Ming Rong. "Hanggang ngayon magsasalita ka pa rin para kay Xu Yi, Xu Chang Kun. Hindi malalampasan ng mga Xu ang mga responsibilidad niyo sa insidenteng ito!"

Namula ang mukha ni Xu Chang Kun at agad na sumagot, "Bakit ko naman hindi makikilala ang sarili kong anak?!"

"Kilala mo nga ba?" hinagis ni Si Ming Rong ang portpolyo sa paanan ni Xu Chang Kun.

Agad na pinulot ni Xu Chang Kun ang dokumento at maingat na tinignan ang nilalaman.

Padilim ng padilim ang mukha ni Xu Chang Kun sa bawat paglipat ng pahina. Tuluyan ng namutla ang mukha niya matapos mabasa ang lahat. Napaatras siya at hindi makapaniwalang tinignan si Xu Yi.

"Xu Yi… ikaw… ikaw…" nag-umpisa ng mag-alinlangan ang matatag na puso ni Xu Chang Kun.

Hindi na mahalaga kung napagbintangan lang si Xu Yi; hindi maaring magkamali ang nakalagay sa papel. Kahit na personal pang magsalita si Si Ye Han para kay Xu Yi, hindi iyon sapat.

"Tatay, napagbitangan lang ako, hindi talaga… hindi ko ginawa 'yan!"

Nang makita ang sarili niyang tatay na may pagdududa at sawi, tuluyan ng nawalan ng pag-asa si Xu Yi. 'Yung sarili kong tatay...

Napailing na lang si Xu Chang Kun habang may mapait na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha. Tinawanan niya ang sarili bago lumingon sa old madam. "Kasalanan ko po. Ako, na si Xu Chang Kun, ay hindi tinuran ng maayos ang anak niya… Nabigo ko ang aking asawa, nabigo ko ang master at higit pa don, nabigo ko ang mga Si… kung paano po gusto parusahan ng old madam si Xu Yi at ang mga Xu, ako ay… hindi… na po tututol…"

Nang matapos magsalita, parang bang tumanda pa ng sampung taon si Xu Chang Kun. Umatras na siya at hindi na nagsalita pa.

"Xu Yi, umaamin ka ba sa kasalanan mo?" malamig na tinuro ni Si Ming Rong si Xu Yi at dumagundong.

"Hi… hindi ko ginawa 'to, hindi ko talaga ginawa 'to!" napailing na lang si Xu Yi. Hindi siya aamin sa krimen na hindi niya naman ginawa.

Sa sandaling ito, puno ng galit at bigo ang tingin ng old madam kay Xu Yi. Humantong na dito ang lahat, pero ayaw niya pa ding umamin sa kasalanan niya.

Totoo nga ang kasabihan… mas madali bantayan ang isang libong magnanakaw kaysa sa isa lang na nasa bahay.

"Xu Yi, hindi naging masama ang pagtrato ko sa mga Xu. Maraming taon na din ikaw na nasa tabi ni Little 9th at binigay ko ang buong tiwala ko sa 'yo, pinagkatiwalan ko si Little 9th sa 'yo. Hindi ko inaasahang naglagay ako ng mapangahas na kutsilyo kay Little 9th!"

"Talagang… nakakadismaya ka! Ano bang inalok sa 'yo ng mga taong iyon at tinapon mo nalang ang konsensya mo?!"

Kumikisap ang mga mata ng old madam.

Madiin na kinuyom ni Xu Yi ang mga kamao niya na namuti na ang mga buko niya. "Old madam, totoo po ang sinabi po! Tatlumpung taon ng nakasama ng tatay ko ang dating master. Naging tapat siya at totoo, bakit ko naman mamantsahan ang pangalan ng tatay ko at ang kanyang katapatan?"

Ginamit ni Si Ming Li ang tasa para itabi ang mga dahon ng tsaa. Tinignan niya si Xu Yi na para bang isang halimaw na nasa ngilid ng kamatayan at nakikipaglaban para sa kanyang buhay. "Tsk, sabi ng lahat na ang special assistant Xu ay mahusay at tuso sa mga tao - plastik, masyado mong pinapasaya ang lahat na pati ang master ay hindi naging maingat sa 'yo. Talagang nakakabukas ng isipan ang araw na 'to. Humantong na sa puntong 'to, pero nasasabi mo pa din 'yan ng hindi kumukurap. Kung hindi sa matibay na ebidensya, baka pati ako, ay madadala mo!"

Patuloy na pinaalalahan ni Si Ming Li ang old madam: "Maraming taon ng nakasama ng master si Xu Yi, gaano kadaming mga nauuring impormasyon ang nalalaman niya? Madami na ding nakasagupa ang master sa pagtangka sa pagpatay sa kanya, pero ilan ang inayos ni Xu Yi doon? Nakakakilabot kung iisipin mo pa lang…"

Mas nanlamig ang itsura ng old madam sa sinabi ni Si Ming Li, "Xu Yi kung may mga gusto ka pang sabihin, sabihin mo sa mga tagausig!"

Nächstes Kapitel