webnovel

Ito ang manugang ninyo

Redakteur: LiberReverieGroup

Parang isang gutom na lobo sa loob ng kawan nga mga tupa si Ye Wan Wan dahil parati siyang bumibili ng pagkain kada minuto.

Halos mapuno na ang mga kamay ni Si Ye Han sa dami ng hawak niya.

Humarap si Ye Wan Wan at tiningnan ang manhid na gwapong may maraming hawak na bags ng masasarap na pagkain. Sa paningin niya, nakita niya ang lalaking ito na kumikinang at napaka-dakila, tunay na nakakatakam si Si Ye Han sa kanyang mga mata.

Masyado siyang perpekto!

"Ano iyon?" Nagtanong si Si Ye Han nang mapansin niya ang mainit na tingin ni Ye Wan Wan sa kanya.

Pilit na inangat ni Ye Wan Wan ang kanyang katawan nang tumayo nang naka-tiptoe at hinalikan niya ang pisngi ni Si Ye Han. "'Wala naman, ang gwapo mo kasi. Bawal ba kitang titigan ng matagal?"

Mas lalong bumagsik ang tingin sa kanya ni Si Ye Han.

Nadarang si Ye Wan Wan sa oras na iyon dahil katabi niya ang isang nakaa-akit na ginoo at nakapalibot sa kanila ang masasarap na pagkain, kaya hindi niya napansin na may dalawang tao sa likod niya...

Sa oras na iyon, sumunod sa likod niya sila Liang Wan Jun at Ye Shao Ting na may parehas na nalilitong itsura sa kanilang mga mukha.

Ang mag-asawa ay andoon para mamili at kumain ngunit, bigla nilang nakita ang isang pamilyar na tao na kamukha ni Ye Wan Wan.

Nagtataka si Ye Shao Ting. "Maling tao yata ang nakita mo? Kakatawag mo lang sa kanya at sinabi niya sayo na marami siyang ginagawa. Bakit naman siya pupunta dito para mag-shopping?"

"Sigurado ako na si Ye Wan Wan 'yon! Paanong hindi ko makikilala ang sarili kong anak?" Sigurado si Liang Wan Jun.

Tiningnan ni Ye Shao Ting ang lalaki sa tabi ng babae. "Sino pala yung lalaking katabi niya?"

Ang dalawa ay magka-hawak kamay at naglalandian rin kaya malamang sila ay magkasintahan!

"Akala ko ba ordinaryo lang ang boyfriend ni Ye Wan Wan? Ilang beses na sinabi ni Ye Wan Wan na mabuti ang boyfriend niya… hindi ang lalaking ito ang nilarawan sa atin ni Ye Wan Wan, 'di ba?"

Saang parte sa lalaking ito ang "ordinaryo" at "mabuti"?

Hindi rin sigurado si Liang Wan Jun: "Kakaiba pero… anong nangyayari… kaso kasi, sigurado ako na ang babaeng iyon ay si Ye Wan Wan…"

Pero bakit niya kasamang mamili at kumain ang isang gwapong lalaki...

Hindi kaya matanda na ako at maling tao ang nakita ko...

Hindi pa rin sigurado ang mag-asawa kahit matagal na nilang sinusundan sila. Sa wakas, sinabi ni Ye Shao Ting sa nalilito niyang asawa, "Bakit hindi mo subukang tawagin siya sa pangalan niya?"

Pinag-isipan muna ito ni Liang Wan Jun at pagkatapos niyang makalapit ng kaunti sa kanila, bigla siyang tumawag, "Wan Wan…?"

Sa harap nila, iniisip pa lamang ni Ye Wan Wan kung ano ang susunod niyang kakainin nang bigla niyang nafinig ang isang pamilyar na boses na galing sa likod niya. Kaya tumalikod siya...

At nakita niya na…

Ang mga magulang niya ang nakatayo sa likod niya.

Sa isang saglit, ang nangangamoy na tofu na hawak ni Ye Wan Wan ay nalaglag sa lapag at nagulat siya.

"Ikaw nga, Wan Wan… bakit ka…" tiningnan ni Liang Wan Jun ang anak niya ta ang matangkad na nakapagwapong nakaka-akit na lalaki na may malakas na presensya. Gulat na gulat si Liang Wan Jun sa nakita niya.

Nagulat din si Ye Shao Ting. "Wan Wan, ito ay si…?"

Ye Wanwan: "..."

Parang tsunami ang sumasabog na puso ni Ye Wan Wan at halos bumaliktad ang langit at lupa.

Punyeta! Ang malas ko talaga!

Hindi niya pa nga nabanggit kay Si Ye Han na ipapakilala niya sa magulang niya si Si Ye Han bilang boyfriend; ngunit sa huli, nakasalubong niya ang kanyang mga magulang habang namimili at doon na rin nasiwalat ang kanyang sikreto.

Leche! Paano ko maayos ang kaguluhan na ito...

Ang unang reaksyon ni Ye Wan Wan ay tanggalin sa pagkakahawak ang kamay ni Si Ye Han ngunit, lalong hinigpitan ni Si Ye Han ang kanyang pagkakahawak sa kamay ni Ye Wan Wan.

Kaharap ni Ye Wan Wan ang problema habang nakatayo at halos mangiyak siya dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Mama, papa please lang po. Parang awa niyo na, 'wag niyong titigan ang anak niyo na parang niloko niya ang boyfriend niya para sa isang gigolo, okay?

Mabuti at ordinaryo ang magiging manugang na binabanggit ko...

Nächstes Kapitel