"Miss Wan Wan, gagamit ako ng martial arts upang atakihin ka sa pagkakataong ito. Subukan mong dumepensa at umatake ka din." Inayos ni Eleven ang kanyang sarili.
Sa sandaling ito, Napagtanto na agad ni Eleven ang patterns ni Ye Wan Wan at hindi siya makapaniwala na aatake ulit siya.
"Ang techniques na ito ay tinatawag na Three Rapid Strikes at magsisimula ako sa three strikes sa quick succession. Miss Wan Wan, manuod ka mabuti at matuto." matapos ang pag-atubili niya kay Ye Wan Wan tungkol sa mga detalye ng techniques na ito, kaagad na kumilos si Eleven sa kanyang unang galaw.
Labis na matulin si Eleven; kahit na ang tunog ng pagsagitsit ay kanyang narinig.
Sa isang iglap, na blanko si Ye Wan Wan. ang lahat sa kanyang paligid ay huminto at tila ang kilos ni Eleven ay bumagal sa kanyang harapan.
Agad, na bumato ng isang suntok si Ye Wan Wan.
Ang suntok na ito ay talagang nalampasan ang galaw ni Eleven - ito ay isang nakakalitong anggulo at brutal na tumama sa ulo ni Eleven.
*Pow!*
Sa ilalim ng nalilitong itsura ng lahat ng mga bodyguard, ang kanilang kapitan Eleven ay nasuntok sa ulo at napalipad ng sampung hakbang paatras!
Matapos makatayo ni Eleven, nilakihan niya ang kanyang mata at tumitig ng hindi makapaniwala kay Ye Wan Wan.
Ang kanyang impresyon kay Ye Wan Wan ay malakas kaysa sa ordinaryong tao…
Ngunit ngayon lang, ang suntok na binitawan ni Ye Wan Wan ay talagang mabilis ng walang kahit anong malikhaing techniques, malinis at malinaw na para bang siya ay papatay ng kung sino…!
"Ito'y…. Paano ito naging posible ito…" nagulat si Eleven
Kahit na si Ye Wan Wan ay nagulat din, lalo na si Eleven, nang tumingin siya sa kanyang sariling kamao.
Sa sandaling ito ngayon lang, wala siyang intensyong gawin iyon, ngunit ito ay isang natural na reaksyon ng kanyang katawan…
At saka, ang techniques na ipakita ni Eleven ay talagang mali sa paningin ni Ye Wan Wan - ito ay walang kaibahan sa isang batang naglalaro ng bahay-bahayan…
"Anong nangyari?"
"Hindi… hindi ko nakita ng maayos…"
"Tila parang si Miss Wan Wan… ay pinalipad sa suntok si kapitan Eleven…"
"Ito ay marahil… nagtakaon lang…"
"Dapat lang!"
Nagtinginan ang bodyguard sa isa't isa, naguguluhan.
Kinunot ng madiin ni Eleven ang kanyang. Siya ay hindi makagalaw sa lapag at tumitig kay Ye Wan Wan at nagsimulang maniwala na ito ay pagkakataon lang katulad ng sinabi ng ilang bodyguards.
"Miss Wan Wan… paano mo nagawa iyon ngayon ngayon lang?" tanong ni Eleven.
"Hindi ako sigurado…" nakatingin ng gulat si Ye Wan Wan.
"Ulitin natin, kung gayon!" Hindi makapaniwala si Eleven na mangyayari ulit iyon.
Matapos iyon, bumalik si Eleven sa ring at inipon ang kahat ng kanyang lakas sa kanyang kamao saka nagbalak ito magtungo ulit kay Ye Wan Wan.
*Pow!*
Sa sumunod na sandali, isang pamilyar na tunog ang narinig sa kabuuan ng training room.
Nasuntok ulit ni Ye Wan Wan si Eleven sa isa pang pagkakataon.
Sa oras na ito, malinaw na nakita ni Ye Wan Wan ang pagkakamali ni Eleven.
"Ulit!" ulit ni Eleven.
*Pow!*
*Pow!*
*Pow!*
Sa loob ng isang minuto, ginamit ni Eleven ang ilan sa mga techniques ng martial arts ngunit napatumba pa din ni Ye Wan Wan ng pito hanggang walong beses sa isang row.
Bawat oras ginagamit ni Eleven ang buo niyang lakas upang umatake, na blanko ang isip ni Ye Wan Wan at pumasok sa isang weirdo na kaisipan.
Ang kanyang puso ay kalmado ng walang kahit anong bakas ng pagkabahala o takot. Nakita niya ang kahinaan ni Eleven at ang kanyang katawan ay nagpakita ng hindi maiwasang adjustment bago pa siya atakihin ni Eleven.
Naramdaman na niya ito noon ngunit hindi niya ito pinag tuunan ng pansin at hindi rin ito nakita ng malinaw dati.
Ang ibang bodyguards ay hindi maka pagsalita. Sino ang nagsabi na si Miss Wan Wan ay mayroon lang malupit na pwersa? Paanong ito ay malupit na pwersa?
Bawat oras na siya ay aatake, ito ay matulin at walang awa. Isang kilos lang ginamit niya, ngunit ito ang pinaka direktang suntok na walang kahit anong pagkaantala.
Ano ang skill of death?
Ito ang skill of death!
Ang skill of death na tinuro ni Elven ay upang pumatay at pagurin ang kaaway; maliban pa doon, wala na itong gamit pa!
Habang ang ipinakita ni Ye Wan Wan ay simple at magaspang, ito ay bagay sa pangalang "skill of death."