Nang marinig ang sinabi ni Ye Wan Wan, tuluyan nang natigilan si Nameless Nie.
Sa una, akala niya na sa mga gwardyang kasama ng maliit na demonyo, walang magiging problema. Hindi niya inasahan na hindi lang siya pinalayas ng maliit demonyo, pero pinalayas din nito ang dalawang gwardya nang makarating ito sa bahay ni Ye Wan Wan.
Kaya naman nag-ipon siya ng lakas ng loob at pumunta para makita ang bata.
Kung hindi, kung walang kasama ang maliit na demonyo sa tabi niya at may nangyari sa kanya, hindi sapat ang siyam na buhay para matagalan ang galit ng Empress Dowager.
Ngayon na biglang sinabi ni Ye Wan Wan na baka maling bata ang nakuha niya, hindi mahirap isipin kung anong nararamdaman ni Nameless Nie.
Pinilit ni Nameless Nie na pakalmahin ang sarili, "Sandali, sandali, sandali, sandali, hindi… sabi mo na baka maling bata ang nakuha mo. Paano ba kumilos ang bata?"
Napakurap si Ye Wan Wan. "Paano siya kumilos? Uh, Kinakain niya ang mga pagkaing binibigay sa kanya at sinusuot ang mga pinipili ko. Kahit saan matutulog siya at hindi niya ako pinag-aalala. Masunurin, matino at cute siya. Sobrang sigla niya din, maalaga, malapit at malambing magsalita - simpleng maliit na anghel lang siya!"
Nawalang ng pag-asa si Nameless Nie. "Sh*t, maling bata!"
Spray of Flowers: "Maling bata!"
Dayuhan na laryo: "Maling bata!"
Deboto: "Maling bata nga talaga!"
Iceberg man: "…"
Nanigas silang lahat.
"Dali! Silipin niyo at makikita niyo!" hindi na alam ni Ye Wan Wan ang gagawin at agad na pinapasok ang limang tao sa bahay.
Ilang mga hakbang lang ito, pero umaakto ang lima na parang tumatawid sila sa tulay papuntang kabilang buhay at mapupunta sa impyerno kapag nakarating na sila sa kabilang dulo!
Talagang nawala natin ang maliit na demonyo; paano tayo mabubuhay nito?
"Kakaligo lang ni Tangtang. Binigyan ko siya ng bagong pajamas at gusto niya ito. Sabi niya susuotin niya ito para sa akin at tapos na siya dapat ngayon…" patuloy na nagsasalita si Ye Wan Wan tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ni Tangtang habang dinala niya ang limang tao sa maliit na hardin patungo sa sala.
Deretso ang ang likod ni Nameless Nie, nakatakip ang mata ni Spray of Flowers at nakasilip sa maliit na patlang ng kanyang mga daliri, at sa sobrang balisa ng deboto ay nag-umpisa na siyang manalangin kay Hesus...
"Captain, mukhang nasa sala siya!" sigaw ni Spray of Flowers.
Nagkatinginan ang lima at sumugod patungo ang mahabang bintana.
Sa sobrang bilis ni Nameless Nie ay anino na lang ang nakita ni Ye Wan Wan ang dumaan. Sa isang kurap ng mata, bago pa siya makakilos, nasa bintana na agad ang lalaki. Inaakyat din ni Spray of Flowers at deboto ang puno na parang mga butiki.
Pwede ba nilang gamitin ang mga kakayahan nila sa mga mas makakabuting bagay?
Kumibot ang mga labi ni Ye Wan Wan at mabilis na sumunod sa kanila.
Nameless Nie: "Saan, saan?"
Spray of Flowers: "Captain! Sa may sofa! Iyong lalaki sa sofa… siya… siya ba?"
Nameless Nie: "Saan… uh…"
Matapos na makita ni Nameless Nie ang kanyang target, biglang may sumabad sa kanya. Rinig ang mga boses ni Spray of Flowers at deboto sa hanging gabi sa sumunod sa segundo...
Nakita lang nila… ang kanilang maliit na demonyo na nakaupo sa sofa ng sala, nakasuot na one-pieces na pajamas na puting velvet na tigre na may buntot ng tigre sa likod at dalawang maliit na tenga sa hood na may nakasulat na "king" sa gitna...
Nameless Nie : "..." Sino ako...
Spray of Flowers: "..." Nasaan ako...
Deboto: "..." Anong ginagawa ko...
Dayuhan na laryo: "..." May mali ata sa pagmulat ng mata ko
Iceberg man: "…!"