Anong pakiramdam na panoorin ang ibang lalaki na ligawan ang buhay mo ng bulaklak at pag-amin?
Mahirap ipahayag ang kasalukuyang nararamdaman ni Si Ye Han ngayon.
Sumandal ang bata sa balikat ng kanyang Mommy. "Mommy… iiwan ba ni Mommy si Tangtang balang araw?"
Ginulo ni Ye Wan Wan ang buhok ng bata. "Syempre hindi…"
Biglang naging emosyonal si Ye Wan Wan. Nabalisa siya nang maisip na wala ni isa nito ay talagang pagmamay-ari niya.
Dadating ang araw kung kailang malalaman ni Tangtang ang tungkol sa nanay niya at hindi na ganito ang trato nito sa kanya...
Oh! Pwede ko siyang itago at palakihin siya!
Naisip na ni Ye Wan Wan ang posibilidad na iyon...
Umaga pa din at magkakasamang kumain ang tatlo ng agahan sa lamesa.
Tinukod ni Ye Wan Wan ang kanyang baba sa dalawang kamay niya habang masayang tinitigan ang mag-ama.
*sigh* Ano pang mahihiling ko kung mayroon akong perpektong buhay?
Inisip ito ni Ye Wan Wan habang kumuha siya ng piniritong itlog.
Ilalagay niya na sana ito sa plato ng isa nang nakasalubong niya ang dalawang pamilyar na mga tingin.
"Ah…" napatigil ang chopsticks ni Ye Wan Wan sa ere.
Dahil sa gusto niya pang mabuhay, ginamit ni Ye Wan Wan ang kabilang kamay upang kumuha pa ng isang piniritong itlog at sabay inilapag sa plato ng mag-ama.
Matapos matanggap ang piniritong itlog, umurong ang tingin ng dalawa.
Palihim pinunasan ni Ye Wan Wan ang kanyang pawis.
Ah… bukod sa isang bagay, perpekto ang lahat...
Ang isang bagay ay kung gaano kapilit at kakumpitensiya ang relasyon ng mag-ama...
"Oo nga pala, Tangtang. Dahil sa laging nagtatrabaho si Mommy at Daddy at walang oras para samahan ka, nakahanap si Mommy na kaibig-ibig na alaga sa 'yo para may kalaro ka!" sabi ni Ye Wan Wan.
Umasa si Tangtang na makasama pa ang Mommy pero ayaw niya na itong maabala.
Kahit hindi interesado ang bata sa mga aso o pusa o kuneho, masunurin pa din siyang tumango. "Salamat, Mommy."
"Ang bait na bata…" ginulo ni Ye Wan Wan ang buhok. "Ipapakilala ko siya sa 'yo mamaya. Panigurado magugustuhan mo siya!"
Nang masabi niya ito, may mga yapak na nanggaling mula sa pinto.
"Miss Wan Wan!" kagabi lang natanggap ni Xu Yi ang mga utos, pero nagmadali na siya para sa agahan.
"Housekeeper Xu, nakarating ka. Nasaan si Great White?" mabilis na sumilip si Ye Wan Wan sa likod ni Xu Yi.
Marahang umubo si Xu Yi saka nag-alinlangang sumulyap sa kanyang master para manghingi ng tulong.
Sa una, gusto niyang may sabihin sa kanyang master pero naisip na huwag na. Wala rin itong bisa kung tatanungin niya ang kanyang master.
Kaya naman, direktang tinanong ni Xu Yi si Ye Wan Wan, "Miss Wan Wan, sigurado po ba kayo na gusto niyong dalhin dito si Great White? Hindi niya ba matatakot ang maliit na young master?"
Agad na sumimangot si Ye Wan Wan. "Paano naman iyon?! Sobrang cute ni Great White! Dali dalhin mo na si Great White! Sobrang namiss ko siya!"
Xu Yu: "Sige, pupunta na ako…"
Oo nga, bakit pakiramdam ko si Miss Wan Wan lang ang gustong makipaglaro kay Great White kaysa sa young master...
Kiniling ni Tangtang ang kanyang ulo sa pagkalito. "Great White?"
Tumango si Ye Wan Wan. "Oo, iyon ang pangalan niya!"
"Kuneho ba 'to?" tanong ni Tangtang.
Nag-uusap pa din ang mag-ina nang bumalik si Xu Yi, pero ngayon, isang malaki at puting hayop na nakasunod sa kanya.
"ROAR-" mababang umugong ang puting tigre at dahan-dahang pumasok sa silid.