webnovel

Ibibigay ko sayo ang karangalan

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa kabilang dako.

Nakaabot na sa ligtas na lugar si Ye Wan Wan.

"Miss Ye, pumasok ka na sa eroplano," naiinis na sinabi ng isa sa mga bodyguards.

Blangko ang emosyon ni Ye Wan Wan nang tiningnan niya ang dalawang bodyguards. "Sinong nagsabi na aalis ako?"

Maririnig ang pagkairita sa boses ng isang bodyguard, "Mapanganib ang sitwasyon natin ngayon Miss Ye. Wag mong paglaruan ang buhay mo."

Dapat, kasama ni Si Ye Han ang mga bodyguards niyang ito pero inutusan muna sila na ihatid ang babaeng ito na naghahanap lagi ng kaguluhan. Kahit na nagsanay ang mga ito para sa ganitong sitwasyon, tila nawala na ang kanilang pasensya.

Isinantabi ni Ye Wan Wan ang sinabi sa kanya ng mga bodyguards at mabilis niyang binuksan ang kanyang bagahe na nakalagay sa gilid niya.

Ang nakita lamang nila ay isang bagahe na punong-puno ng mga damit...

Pinalitan ni Ye Wan Wa ang kanyang damit ng itim na chiffon evening gown na may makalumang belo habang nakatingin siya sa kanyang relo. Humarap siya sa mga bodyguards at mabilis niyang sinabi, "Ilan pa ang nagtatagong mga guwardiya? Tawagin niyo sila at sabihin niyo na magpalit sila ng mga damit at gamitin nila ang mga damit sa bagahe kong ito!"

Kahit kritikal na ang sitwasyon, may gana pa siyang magpalit ng damit at gusto niya din kaming magpalit ng damit?!

Alam ba ng babaeng ito ang ginagawa niya?

Huminga ng malalim ang bodyguard. "Please naman, Miss Ye…"

Nanlamig ang mga mata ni Ye Wan Wan na kasing lamig ng isang yelo at bigla siyang nag-utos ng may galit na pame-mwersa: "Manahimik ka! Kung ayaw niyong mamatay ang master niya, sundin niyo agad ang inuutos ko! Uulitin ko - tawagin mo ang mga nagtatagong guwardiya at sabihin mo na magpalit sila gamit ang mga damit sa bagahe ko, sa loob ng tatlong minuto! Tapos sumunod kayo sa akin!"

Anong ibig sabihin ng babaeng ito...

Buti nga at nakatakas kami ng walang hirap, tapos gusto niya pa kaming bumalik?

Hindi ba siya ang duwag na babae na nang-iwan kay master?

"Alam mo ba ang Rosas ng Kamatayan?" kinausap ni Ye Wan Wan ang lider ng mga bodyguards.

Nag-iba ang itsura ng lider nang marinig niya ang pangalan na iyon, nag-isip isip muna siya bago sumagot, "Ang kilalang organisasyon…"

Kung mabagsik ang Murderous Blood Gang, ang Rose of Death ay kayang manira ng isang buong nasyon, pero wala pang nakakakita kung paano makipaglaban ang organisasyon ng Rosas ng Kamatayan dahil lahat ng sumanggi sa kanila ay namatay.

Bakit binanggit ni Ye Wan Wan ang organisasyong ito?

At bakit alam niya ang organisasyon kung bilang lang ang mga tauhan namin na nakakaalam sa kanila.

Nagsuot ng sumbrero si Ye Wan Wan. Ang mukha niya ay nanlilisik sa sobrang lamig habang nakaharang ang itim na belo sa ibabaw nito, biglang nag-iba ang awra ng katauhan niya. "Sa ngayon, tayo na ang Rosas ng Kamatayan!"

A… ano?

Gusto niya ba na… magkunwari kami bilang ang Rosas ng Kamatayan?

Ang Rosas ng Kamatayan man ang kinatatakutang grupo ng Murdesour Blood Gang, hindi naman maloloko ang mga miyembro ng gang na ito - paano naman sila maloloko ng mga nakakatawang mga diguise nila?

"Paano mo naman naisip na maloloko natin ang Murderous Blood Gang gamit ang nakakatawang mga disguise na ito?" hindi naiwasang magtanog ng lider.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang nagdududang bodyguard. "Magtiwala ka sa akin, iyon lang ang gagawin mo."

Kung hindi handa si Ye Wan Wan, malamang hindi siya gagawa ng ganitong sakripisyo, pero sa una niyang buhay, nakakuha siya ng sikretong impormasyon na hindi alam ng ilang mga tao tungkol sa Rosas ng Kamatayan...

...

Binalot ang ere ng dumi at buhangin.

Takot na nagtinginan sila Xu Yi at Liu Ying-- walang kinatatakutan ang gang na ito….

Ang kanina pang tahimik na lider na si K ay nagsindi ng kanyang sigarilyo at kumaway siya sa pagka-inip. "Tapusin na natin ito! May ibang misyon pa akong aatupagin!"

Nang marinig ni Liu Ying ang sinabi niya, bumatak ang ugat niya at ng iba pa niyang mga kasamahan, handa na silang makipag-sagupaan.

Hindi natuwa si Eugene sa sinabi ni K kaya sumabad siya, "'Wag ka namang ganyan K. Ang saya nga ng ginagawa natin eh, hayaan mo naman akong maglaro ng medyo matagal pa~ kung may gagawin ka pang iba, pwede kang maunang umalis.

Matagal na hinithit ni K ang sigarilyo sabay napakunot siya. "Wag kang gumawa ng gulo."

Ang misyon na ito ay hindi madali; ang mga tauhan ni Si Ye Han ay pinapahirap ang sitwasyon nila.

Malamang, alam na ni Eugene ang inaalala ng kabilang panig, pero napangisi siya, "K, kelan pa nanghina ang loob mo sa ganito? Sa grupong ito na parang mga nakakulong na pagong--natatakot ka ba na baka makatakas sila?"

Tinignan siya ng patagilid ni K at naiinis itong sumagot, "Bibigyan kita ng kalahating oras."

"Tsk…"

Kahit hindi kuntento si Eugene sa desisyon ni K, hindi niya na sinubukang galitin ang lider nila kaya mabigat sa kanyang puso na sumunod na lang sa kanya.

Ang madilim na berdeng mata ni Eugene ay nagpapakita ng nakakasindak na liwanag, dinilaan ng dila niyang kulay scarlet-red ang mga daliri niya na para bang nauuhaw siya, binalot ng nakakapangilabot na uhaw sa dugo ang kanyang mga mata habang tinitingnan-tignan niya si Liu Ying. "Ano sa tingin mo? Gusto mo bang makipaglaro sa akin?"

Sinenyasan ni Xu Yi ang mga gwardiya na protektahan nila ang kotse at itakas nila ang master kapag lumala ang mga pangyayari, sabay sumagot siya. "Sabihin mo sa amin kung anong gagawin mo."

Mas maganda kung mabibigyan pa nila kami ng matagal na oras...

Kaso sa ganitong sitwasyon, wala nang punto kahit patagalin pa nila ito….

Ngayon lang nakatanggap si Xu Yi ng impormasyon na naantala ang kanilang komunikasyon sa labas kaya wala silang mahingan ng tulong; lahat ng devices nila na pang-komunikasyon at hinarangan gamit ang espesyal na encryption ng kalaban.

Tulad nga ng sinabi ni Eugene, sila ay isang grupo ng mga nakakulong na pagong na pwede nilang walang pakundangan na pagpapatayin.

"Balita ko na ang mga ekspertong nagta-trabaho para kay Si Ye Han ay parang mga ulap na nakabalot sa kanya kahit saan man siya mapunta; gustong makita ng mga mata ko ito… kung may isa sa inyo na matatalo ako, bibigyan ko kayo ng kaunting awa at mag-iiwan ako ng isang bangkay na hindi nakapira-piraso.

Nagalit si Liu Ying at ang iba pa nang marinig nila ang nakakabastos na hamon ni Eugene, halos sumabog ang mga baga nila sa sobrang galit.

Mabilis na umabante si Liu Ying galing sa kanyang grupo. "Ako ang kakalaban sayo!"

"'Wag kang magpadalos-dalos Liu Ying!" pinaalalahanan siya ni Xu Yi.…

Walang makakapantay sa lakas ni Eugene - kalakasan niya ang pag-wrestling. Mas nakakatakot pa sa armas ang kanyang mga kamay, kahit kalabanin niya pa si Liu Ying, baka…

Walang tigil na nakatutok ang mga mata ni Liu Ying kay Eugene.

Bilang kapitan at ang pinaka pinagkakatiwalaan na tao ni master, bakit siya uurong at magtatago sa sitwasyon na ito?

Hindi pinansin ni Liu Ying si Xu Yi nang bigla siyang sumugod papunta kay Eugene na para bang mabilis na pana...

Isa...

Dalawa...

Tatling galaw...

"Swish ----" sumanggi ang kamao ni Liu Ying sa pisngi ni Eugene kaya tumalsik ang kanyang dugo.

Kakaiba ang madaya ang mga galawan ni Eugene, pero mabilis at maliksi naman ang galaw ni Liu Ying, kaya hindi nawala ang depensa ni Eugene nang lumapit siya kay Eugene ng tatlong hakbang lamang.

Nabigla si Eugene at halos hindi siya makapaniwala. Dahan dahan niyang umangat ang kanyang kamay at hinaplos niya ang kanyang mukha.

Dinilaan ni Eugene ang dugo sa kanyang kamay. Ang gulat niyang emosyon ay unti-unting binalot ng nakakagumbal na ngiti at tuwa nang sinabi niya, "Ang galing… karapat-dapat kang maging eksperto ni Si Ye Han… hahaha… interesado ako sayo… nakapag desisyon ako na… ibibigay ko sa iyo ang karangalan na maging… iisa at pinakamamahal kong stuffed toy..."

Nächstes Kapitel