webnovel

Pinaiyak mo siya

Redakteur: LiberReverieGroup

"Buong buhay akong naging mabait sa lahat ng tao, pero niloko at nilait rin ako ng lahat… malinis ang konsensya ko sa lupa at hanggang sa langit, pero ang langit at ang lupa ay pinag-sakloban ako…"

Biglang natawa ang lalaki habang nagsasalita siya. Ang ngiti niya ay parang bulaklak na namumukadkad ngunit may tinik na nakapalibot dito.

Nakatayo lamang siya sa hamak na film studio ngunit may kakaibang ugong ng hangin ang bumalot sa kanya. Namantsahan ng mabigat na emosyon ang malinis at inosente niyang mukha kaya naghalo-halo ang emosyon ng mga manonood. Umangat ang nakakatakot na kabaliwan sa kanyang mga mata nang sinabi niya, "Kaya simula ngayong araw at sa mga susunod, ako lang ang makakapigil sa aking sarili. Papatayin ko silang lahat--wala akong ililigtas na tao, papatayin ko ang lahat ng taong bumabalot sa mundo at kung ikinaila ako ng mundo…"

----- "Sisirain ko ang buong daigdig!"

Sa sandaling sinabi niya ang huling linya, para bang may halimaw na kumawala sa kanyang tanikala at mabilis na umalis sa kanyang katawan, umuungol ito at mabilis na tumatakbo papunta sa ninth celestial sphere.

Binalot ng katahimikan ang buong paligid...

Nabighani ang lahat ng nasa film studio. Blangko silang nakatingin kay Luo Chen na para bang naging ibang tao siya.

Pero siya pa rin ang taong iyon, pero yung mukha niya, paano… paano naging nakakasindak ang mukha niya…?

Ilang oras ang lumipas at bumalik na sa katinuan ang mga tao, napagtanto nila na umaakto lamang si Luo Chen-- ginagaya niya ang isang eksena sa "Terrifying Dragon" na kung saan, ang pinaka-boss ng triad ay biglang sumama.

Ito ay masyadong… masyadong nakakagimbal ng mundo...

Isa sa mga sikat na movie noon ang "Terrifying Dragon"; halos lahat ng tao at napanood na ito at lalo nilang natandaan ang isang eksena ng "Terrifying Dragon" dahil sa pag-arte ni Luo Chen.

At sa ngayon, ang ngayo'y Luo Chen ay ginagaya ang binata sa movie na si Lin Luo Chen, na sapilitang nakipag-sapalaran sa kasamaan. Ang kinalabasan ng pag-arte ni Luo Chen ay hindi bababa sa kalidad ng pag-arte niya noon, kahit pa nakasuot siya ng pang-modernong damit--mas magaling ang pag-arte niya ngayon kumpara noon.

Gayunpaman, ang bakas ng poot na galing sa manager ay gumagapang pa rin paligid ng studio, kaya wala pa ring sumubok na mag-ingay. Bumaling ang kanilang tingin sa manager na tahimik na nakaupo sa upuan.

Bukod tangi ang performance ni Luo Chen--papasa naman siya, 'di ba?

Kumalma na si Luo Chen bago siya bumalik sa tunay niyang persona. Mabilis na nawala ang awra ng karakter niya at bumalik siya sa normal niyang sarili.

Mabigat ang emosyon niya nang mapatingin siya sa manager. Nanigas ang katawan niya habang nakatayo sa harap ng mga tao.

Para bang nakatayo siya doon at hinihintay niya ang kanyang… huling paghatol...

Ilang saglit sa paligid na puno ng katahimikan, dahan dahan na tumayo si Ye Wan Wan.

Mabagal siyang naglakad papunta sa binata na karakter habang nakatingin ang lahat ng tao.

Habang papalapit siya, lalong kinabahan ang binatang karakter kaya lalong hindi siya makagalaw; kahit ang pag-hinga niya ay huminto dahil nakatingin siya sa malamig na ekspresyon ng manager.

Sa wakas, nakatayo na si Ye Wan Wan sa harap ng binata. Inunat niya ang kanyang kamay at hinipo ang maitim at malambot na buhok ng binata, ang tono ng boses niya ay lumambot na tila tinunaw ang yelo, "Nakita mo? Kaya mong galingan ang perfomance mo 'di ba?"

Nawalan ng emosyon ang mukha ni Luo Chen. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya si Ye Wan Wan at ilang segundo lang, bigla tumulo ang mga luha niya sa maganda niyang mukha habang nakayukong humahagugol sa harap ng lahat...

Hindi inasahan ni Ye Wan Wan na magiging ganito ang reaksyon ni Luo Chen kaya nanigas ang ang kanyang kamay na nasa buhok ng binata.

Uh… sumobra na ba ako?

Bakit siya umiiyak?!

Pinaiyak ko pala siya!

Masyado ba akong naging malupit?

Malupit pa rin ba ako hanggang ngayon?

Kinabahan si Ye Wan Wan, nagtatalo ang puso niya dahil sa pag-iyak ni Luo Chen; ngunit kailangan niyang panatilihin ang kanyang dignidad at persona kaya sumagot siya ng walang emosyon habang ipinapasa ang handkerchief kay Luo Chen, "Bakit ka umiiyak? Hindi madaling paiyakin ang isang tunay na lalaki."

Nabilaukan si Luo Chen sa kaka-iyak, tumango siya at kinuha ang inaabot sa kanyang handkerchief sabay pinunas ang mga luha na tumutulo sa kanyang mga mata.

Nächstes Kapitel