Hindi na sinubukan pang magpaliwanag ni Ye Wan Wan. "Kunin mo na lang pala ito; hindi mo na ito kailangang suotin dahil gwapo siya sa kahit anong damit."
Ye Mu Fan: "..."
Bakit nalulungkot ako na parang hindi na siya natutuwa sa akin?
Mahilig pa siyang sundan ng kapatid niya noon at lagi pa nitong sinasabi na "si ge ge ang pinakagwapo," ngunit ngayon, sinasabi niya na ang halimaw na lalaki na iyon ay mas lamang ng isang daan na beses sa kanyang itsura!
Pagkatapos nilang makabili ng mga damit, nagmaneho papunta sa ibang destination sila Ye Wan Wan at Ye Mu Fan.
"Saan na tayo pupunta ngayon?" Nalilito si Ye Mu Fan.
"Malalaman mo pag nakarating na tayo doon."
Matapos ang sampung minuto, nakarating sila sa iisang Pagani flagship store ng Imperial City.
Pagkapasok nila sa store, binati sila ng isang mabait na sales assistant, "Miss Ye, andito pala ikaw! Pasok po kayo! Siya po ay si…?"
"Kapatid ko."
"Hello, Mr. Ye!" Dali-dali na binati ng sales assistant si Ye Mu Fan at tila tinitingnan siya nito dahil nakita niyang gwapo si Ye Mu Fan.
"Hi…" sumunod si Ye Mu Fan sa likuran ni Ye Wan Wan at ng sales assistant at papunta sila sa kung ano man ang gagawin nila.
"Dumating na ba ang kotse ko?" Tinanong siya ni Ye Wan Wan.
Bumalik sa tamang pag-iisip ang sales assistant at mabilis siyang sumagot, "Opo, opo. Pwede mo na pong pirmahan ang kontrata ngayon."
"Okay, pwede na ba siyang imaneho?" Tinanong siya ni Ye Wan Wan.
"Opo, pwede niyo pong imaneho ang kotse. Maupo muna po kayo dito at saglit lang po." Umalis ang sales assistant dahil may aasikasuhin lang siya.
Pagkatapos ayusin ni Ye Wan Wan ang mga patakaran para makuha ang kotse, may isang staff na nagmaneho ng isang kumikinang na kulay pula na Pagani noong matapos siya.
Lumaki ang mga mata ni Ye Mu Fan nang makita niya ang magarang kotse.
Natural lang sa lalaki na ibigin ang mga kotse at ang paboritong kotse ni Ye Mu Fan ay ang kotse ng Pagani. Gusto niya rin ang kulay ng kotseng ito.
Tumayo si Ye Wan Wan sa harap ng kotse sabay tiningnan niya si Ye Mu Fan. "Dali, subukan mo."
Nabigla si Ye Mu Fan. "Huh?"
"Para sayo ito."
"ANO?!" Gulat na gulat si Ye Mu Fan. "Ppp-para… para sa akin?"
Ang matagl niya nang kotse ay ang second-hand Buick. Nakalimutan niya ang pakiramdam na magmaneho ng isang magarang kotse dahil matagal niyang naisip na isa lamang siyang talunan.
Sa huli, ang makulit niyang kapatid pa ang nagregalo ng bagong kotse na para sa kanya mismo...
tulalang mukha ni Ye Mu Fan at kanyang sinabi, "Ayaw mo? Edi wag."
"GUSTO! Gusto gusto gusto!" Mabilis na pumasok si Ye Mu Fan sa kotse at sinimulan niyang kompormehin ang sarili niya sa loob.
Nilabas ni Ye Mu Fan ang ulo niya sa may bintana at sinabi, "Wan Wan, ibibigay mo… ba talaga sa akin ito? Mamahalin ang kotse na ito!"
Ilang taon na ang lumipas noong huli siyang nakakita ng ibat ibang klase ng sports car noong young master pa siya ng Ye family. Hindi na siya nakabili ng bagong kotse simula noong nasir ang second-hand na kotse niya.
Kung iisipin ang nakaraan, kaya pala maraming excuse si Shen Meng Qi sa tuwing sinusundo siya ni Ye Mu Fan kasi ayaw niyang umupo sa sirain at pangit na kotse niya…
Sinabi ni Ye Wan Wan, "Ako ang kumuha sayo sa kumpanya ko kaya kailangan kong magbigay ng regalo bilang pagpapasalamat sayo."
Biglang sumagot si Ye Mu Fan, "Sarili ko na ngang kapatid ang kumuha sa akin sa trabaho. Okay nga lang sa akin kung libre akong magta-trabaho doon eh!"
Natawa si Ye Wan Wan at binigyan niya ng ilang mga susi at access card si Ye Mu Fan. "At saka, magulo ang tinitirhan mo ngayon. Mas maganda kung lilipat ka sa apartment ng kumpanya!"
Pagkatapos niyang makuha ang mga susi at ang access card, si Ye Mu Fan, na 20 taon nang nabubuhay, ngayon niya lang natutunan na ang pagiging mabuting tao ay hindi pagpapalabas ng pag-ibig o mga mabulaklak na salita lamang - ang pagiging mabuting tao ay hindi nagdadalawang isip na magbigay ng damit, kotse at pagbibigay sa kanya ng access card okay?!
"Malapit nang dumilim. Magmaneho ka na papunta sa apartment!"
"Paano ikaw?" tinanong siya ni Ye Mu Fan.
Matumal na sumagot si Ye Wan Wan, "May boyfriend ako."
Biglang nalugmok si Ye Mu Fan. "Ganyan ba makipag-usap sa broken hearted?"
Ye Wan Wan: "Mabait na nga ako sa lagay na hindi kita masyadong binubusog ng pagkain ng aso."
Ye Mu Fan: "..." Hindi mo naman ako pinasakan ng pagkain ng aso ah.