webnovel

Ang malalang sakit ni Si Ye Han

Redakteur: LiberReverieGroup

Nagkumpulan ang ilan sa mga bodyguards sabay nagbulungan sila, "*p*ta… natandaan ko na hinulaan pala ni Miss Ye noon ang kapalaran ni Song Jing. Hindi ba sinabi niya na makakatagpo siya ng kalamidad sa kanyang puso? Hindi kaya ito iyon?"

"P***! Ito nga yung sinasabi niya! Kakaiba rin ang itsura ni Ye Wan Wan habang sinababi niyang delikado ang mangyayari at malaki ang pinsala na magagawa nito kay Song Jing!"

*cough cough…* "Totoo nga na mapanganib… at malaki ang pinsalang ginawa nito kay Song Jing… hindi siya nagkakamali…"

"Tama na naman ang hula niya? Hindi ba nakakatakot ito?"

"Hindi… hindi ito kapani-paniwala! Hindi kaya mangyayari ito kay Song Jing kung nakinig lang sana siya sa babala sa kanya ni Miss Ye?"

...

"Pahingi ako ng isang bowl ng rock sugar chrysanthemum porridge; tsaka chrysanthemum date at wolfberry snow pear; at chysanthemum shredded chicken…"

Sa bawat oras na binabasa ni Ye Wan Wan ang order niya, padilim ng padilim ang itsura ni Song Jing. Lalong nataranta ang nagugulan niyang puso.

Ang babaeng ito… hindi kaya taglay niya ang kakayahang magbasa ng kapalaran ng isang tao?

Kung hindi man, hindi ba imposible nang maging coincidence ito?

"Tigilan niyo ang daldalan niyo at mag-prepara na tayo - malapit na rin tayong umalis. Ngayon ang huling araw natin dito kaya maging maingat ang bawat isa!" Sa oras na iyon, naglakad papalapit sa kanila si Liu Ying at tumungin siya sa direksyon kung saan naroroon si Ye Wan Wan.

Nabalitaan rin ni Liu Ying ang nangyari kay Song Jing at totoo ngang katakot-takot ito, pero paano mahuhulaan ng isang hamak na babae ang mga ganitong bagay?

Maitutulad ito sa isang bulag na pusa na nakahuli ng isang patay na daga, kaya nagmumukhang may kahulugan ang kalokohan ni Ye Wan Wan.

Kumalat na parang mga ibon ang lahat ng bodyguards nang makita nilang dumating ang kapitan nila.

Napagtanto ni Ye Wan Wan na kailangan na nilang umalis, wala siyang choice kundi gamitin niyang ulit ang taktika niya noon--baka kailangan niyang "saktan" ang sarili niya at gamitin niya ito bilang patibong para maantala ang biyahe ng grupo nila?

Ginagamit ni Ye Wan Wan ang buong kaisipan niya para makaisip ng plano, hindi niya napansin na ilang oras na ang lumipas at hindi pa rin siya sinasabihan ni Xu Yi kung kailan sila aalis.

"Anong nangyayari?" nagtataka si Ye Wan Wan.

Imposibleng mahuli sila dahil laging nasa oras si Si Ye Han sa trabaho niya...

Sa unang buhay ni Ye Wan Wan, alam niya lang na may masamang mangyayari pero hindi niya alam ang eksaktong oras kung kailan ito mangyayari. Wala rin siyang impormasyon tungkol sa ibang detalye, kaya hindi niya alam kung ano ang dahilan sa pag-aantala ng biyahe nila.

Matapos ang ilang oras na paghihintay, wala pa ring nangyayari at hindi rin tinatanggap ni Si Ye Han ang mga tawag niya. Medyo nakaramdam na ng mali si Ye Wan Wan sa mga nangyayari sa paligid niya.

Hindi kaya nag-iba ang prediksyon ko?--hindi sila inatake sa byahe? Kundi inatake sila ng masasamang loob sa hotel?

Nang maisip iyon ni Ye Wan Wan, tumayo siya at mabilis siyang tumakbo sa pataas sa hagdan.

Walang tao sa kwartong pinag-meetingan nila kagabi at wala rin si Xu Yi sa kwartong iyon.

Kaya tumakbo siya sa suite nila ni Si Ye Han. Pakapasok niya dito, nakita niya ang isang grupo ng mga tao na nakapalibot sa may pintuan, taimtim ang kanilang mga itsura.

"Anong nangyari?" sabi ni Ye Wan Wna nang makita niya ang itsura ng mga tao, biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Nagsalita ang isa sa mga matataas na empleyado, "Habang nag-uusap kami ng tungkol sa business… biglang nagkasakit si BOSS… at hinimatay siya…"

"Anong sinabi mo?!" biglang namutla si Ye Wan Wan.

Sa oras din na 'yon, sa may bedroom suite:

Ang doktor na kasama nila na galing sa Jin garden ay sinuri ang katawan ni Si Ye Han at tila bumigat ang emosyon nito.

"Masama ang kondiyson niya; bigla na lang nagkasakit si 9th master at hindi biro ang sakit niyang ito!"

"Maayos naman siya kanina! Paano nangyari ito ng biglaan?" sobrang nagtataka si Xu Yi.

"Ay, paano siya naging maayos kanina? May mga problema sa kalusugan si 9th master na hindi makikita sa panlabas niyang pangangatawan. Ilang beses ko na kayong binalaan at pati na rin si 9th master, pero hindi niyo sineryoso ang bilin ko!"

"Hindi pinakita ni 9th master na may iniinda na pala siyang sakit, patuloy siyang umakto na parang ordinaryong tao. Pero, mukhang nabigla na ang katawan niya at ito, ito na ang naging resulta!"

Nächstes Kapitel