Habang iniisip ang naging kapalaran ng Wang family, biglang natauhan si Cui Hao sa mangyayari sa kanya at mabilis na nanghingi ng kapatawaran kay Si Ye Han na namumuo ng galit ang mukha, "9th master! Mali ako! At inaamin ko iyon! Hindi ko dapat ginawa ipinagbabawal mo! Gawin nyo ang nararapat na kaparusahan!"
Naisip ni Cui Hao na hindi niya tipo yung babae kaya di niya ito mapapakinabangan, binigay na lang niya ang babae bilang offering kay Si Ye Han. Hindi niya akalaing yun ang maghahatid sa kapalaran niya.
Lalaki ba talaga si Si Ye Han? Kaharap niya ay magandang babae pero wala siyang interes dito sa kaniya!
Pagkarinig ng sinabi ni Cui Hao, di makapaniwala ang babae at lubha siyang nalungkot; di niya naisip na ibinenta siya ng ganun na lang. Sa kalagayan niyang iyon, hindi niya madepensahan ang sarili at nagpatilaglag habang hunahagulgol siya sa iyak.
Sa sofa din na iyon, ang lalaking patuloy na nagpupunas ng kamay gamit ang disinfectant tissue ay biglang lumingon at tumingin sa pintuan.
Napa-kunot si Lin Que, sinundan niya ang tinitingnan ni Si Ye Han sa may pintuan, "Sinong nagtatago diyan?"
Nagimbal si Ye Wanwan; hindi sya makagalaw sa sobrang takot habang nakatingin sa malamig na mala-esapadang titig ni Si Ye Han at hindi niya namalayang bigla siyang nadapa.
Sa puntong iyon pumasok na si Ye Wan Wan, ang VIP room na kanina ay puno ng matinding emosyon at hinagpis ay mabilis na binalot ng katahimikan.
Tuliro si Cui Hao, nakabukas ang kanyang bibig at walang malay na nakatayo, gayundin ang babae na parang walang buhay.
Ang nakita lamang nila ay isang babaeng nanghimasok sa teritoryo nila na may itim na buhok, may suot na puting bestida at kutis na kasing puti ng snow, mga mata na parang bituing kumikislap sa ibabaw ng sapa tuwing taglagas.
Nakita ni Lin Que si Ye Wan Wan at nangitim ang paningin nito. Bakit andito ang lokong ito?
"9th… 9th master.. Andito ako para…" dahil nahuli siya sa kanyang paninilip, inayos ni Ye Wanwan ang kanyang damit at naglakad palapit kay Si Ye Han.
Nagulat ang lahat sa biglaang pagdating ng isang babae at di nila mapigilan na husagahan siya mula ulo hanggang paa.
Hindi ba sinusuklam ni Si Ye Han ang mga babae? Ba't niya naman pinapunta ang babaeng ito?
Naisip nga nila na yung babae na ang dinala ni Cui Hao ay nasa pinaka-mataas na kalidad na, kumpara sa babaeng nasa harapan nila.Totong hindi niya kapantay ang babae ni Cui Hao.
Nakita ni YeWanwan ang nakakatakot na tingin ni Si Ye Han at siya'y huminga malalim.
Di talaga ako sinewerte, bakit pa kasia ko pumupunta kung kelan puno siya ng galit?
Hindi masyadong naiintindihan ni Ye Wanwan ang nangyayari. Isinusuklam ni Si Ye Han ang babaeng humawak sa kaniya tulad ng tao na may OCD.
Ang mga pasyenteng may OCD ay buong araw na naglilinis ng kamay hanggang sa mawala ang dumi katulad din ng ginagawa ni Si Ye Han; isang haplos lang sakanya ay lilinisin nito ang buong kamay niya hanggang malaspag.
Noong unang niyang malaman ang ganitong problema ni Si Ye Han, kakaiba ito sa kanya. Babae rin naman ako ha? Pero bakit okay naman siya sa akin?
Tiningnan ni Si Ye Han ang babaeng malayo sa kanya ng tatlong hakbang at dumilim lalo ang hitsura niya.
Nakita niya na mapanglaw ang itsura ni Si Ye Han kaya pagkatapos maintindihan ang pangyayari agad niyang inisip na lapitan si Si Ye Han para alagaan siya.
Tumanga si Ye Wanwan at tinanong kay Xu Yi, "May disinfectant ka ba?"
"Oo." Kinuha ni Xu Yi ang spray na nasa kanya at binigay kay Ye Wanwan, agad niya itong ini-spray.
Tumingin si Lin Que kay Ye WanWan at di pa siya makapagsalita, "Huwag mo nang i-try pa, di na gumagana yan--inubos niya ang buong bote sa sarili niya kanina!"
Hindi pinansin ni Ye Wan Wan ang sinabi ni Lin Que at patuloy na hinawakan ang kamay ni Si Ye Han.
Nakita ng lahat na hinawakan ni Ye Wan Wan ang kamay ni Si Ye Han at natatakot sila na baka may gawin siya sa babae, parang maiihi sila sa salawal sa sobrang takot.
Sa mga sumunod na pangyayari, nagulat sila na walang reaksyon si Si Ye Han at hinayaan niya lang na hawakan siya ng isang hamak na babae!
Walang pakialam si Ye WanWan na pinagtitinginan na siya; ang atensyon niya ay nasa pag-spray ng disinfectant sa kamay ni Si Ye Han. Pagtapos, gumamit siya ng tissue para malinis niyang mapunasan kamay ni Si Ye Han. Nilapit ni Ye Wanwan ang mga labi niya na parang bulaklak at hinanginan ang namumula parte sa kamay ni Si Ye Han. Hinalikan niya ito na parang nag-aamo siya ng batang paslit, "Okay na ba?"
Ang hangin ay dumapo sa kanyang mga kamay, at ang mainit at malambot na pag-hawak ni Ye Wanwan ang nagpakalma agad kay Si Ye Han...
Pagkalipas ng isang tahimik na sandali, tumango si Si Ye Han, "Mhm."
Naidura ni Lin Que ang ininom niyang wine dahil hindi siya makapaniwala sa nakita niya, "Sh*t! Totoo ba ang nakikita ko?!"
Cui Hao: "....!!!" Leche! Gumana pa talaga yun?