webnovel

Dignidad ng tunay na lalaki

Redakteur: LiberReverieGroup

"Uy dali, tingnan niyo! Si Han Xian Yu ba yung nasa pintuan?"

"Hindi siya nagpakita simula nung insidente; hindi ako makapaniwala na nagpakita siya sa atin ngayon! Narinig ko rin na gusto niya raw umalis sa industriya para magkaroon ng tahimik na buhay sa ibang bansa! Natakot ako sa tsismis na iyon!"

"Paano mangyayari 'yon? Marami siyang nakuhang pera sa gulo na iyon at siya ngayon ang pinakasikat na artista sa lahat! Hawak niya ang tagumpay ngayon! Mas sikat pa siya kesa kay Ling Shao Zhe at Gong Xu!"

Ginulat ni Han Xian Yu ang lahat ng nasa industriya. Inantabayanan nilang lahat ang balita kay Han Xian Yu kaya nakaakit ng maraming atensyon ang biglang pagpapakita niya sa kanila.

Noon, akala ng lahat sa industriya na katapusan na ni Han Xian Yu-- kahit ang Worldwide ay handa na ring sumuko sa kanya. Sinong mag-aakala na magbabago pa pala ang nangyari kay Han Xian Yu? Naging mas matibay ang estado ni Han Xian Yu sa industriya kaya hindi siya tuluyang nasira sa nangyari. Umabot sa prestihiyosong lebel ang kanyang kasikatan hanggang sa maabot nito ang tuktok ng kasikatan, makikita sa kanya ang pagiging positibong modelo sa industriya-- nakabase ang kasikatan sa hinarap ang dami ng taong may ayaw sayo sa nakaraan.

Sa entertainment industry, tatapakan ka ng lahat kapag kulelat ka at tutulong lang sila kapag nasa tuktok ka na. Noong nahihirapan si Han Xian Yu, lumayo sa kanya ang lahat ng tao, pero ngayon na nagbalik loob siya, para silang mga uod na gumagapang para maging kaibigan niya.

Sa oras na iyon, kapansin-pansin rin ang baguhan na katabi ni Han Xian Yu.

"Saglit, saglit lang! Sino yung katabi ni Han Xian Yu? Ang gwapo niya!"

"Hindi ko alam, parang hindi ko pa siya nakikita noon. Baka baguhan siya sa Worldwide?"

May isang tao na lumapit sa kanya dahil naiintriga ito sa kanya, "Xian Yu, sino siya?"

"Kaibigan ko, si Ye Bai."

"Kailan pa tumanggap ang Worldwide ng gwapo na baguhan? At bakit hindi ko ito alam?!"

"Manager siya," sumagot si Han Xian Yu.

Nilabas ni Ye Wan Wan ang kaka-kuha niya lang din na mga business cards. "Hello, ito yung card ko."

"Manager?" Nagulat ang lalaki habang nakatingin siya sa kaakit-akit na kilos ni Ye Wan Wan.

Kakaiba ang itsura ni Ye Wan Wan bilang lalaki, kahit pa may mga manager din na kaparehas ang itsura sa ibang mga celebrities.

Bakit napapa-lapit si Han Xian Yu sa bagong manager na ito? Plano niya kayang magpalit ng manager…?

Walang plano si Ye Wan Wan na magpa-bida sa party na iyon; gusto niya lang sundan si Han Xian Yu para makilala siya ng mga tao at para makakilala rin siya ng ibang mga tao.

Hindi mo alam kung kailan mo kailangan ng tulong ng mga tao sa loob entertainment industry.

Pagkatapos niyang ipakilala si Ye Wan Wan sa mga kaibigan niya, nakahanap sila ng pwesto sa gilid para makapag-usap sila.

Kumuha ng isang glass si Han Xian Yu sa waiter na may dalang tray ng alak. Nang lumapit ang waiter kay Ye Wan Wan, biglang nagsalita si Han Xian Yu, "Hindi siya umiinom. Kuhanan mo siya ng White Russian."

Tumaas ang kilay ni Ye Wan Wan dahil nagulat siya-- hindi niya inasahan na matatandaan pa rin ni Han Xian Yu ang ugali niyang iyon, kahit isang beses niya pa lang ito pinakita.

Pero… yung White Russian…?

May kaunting vodka lang ang cocktail na ito at halos gatas lang ang laman nito. Bagay bang inumin ng isang babae ang hindi naman ganoong katapang na inumin na ito?

Sa nakaraang buhay ni Ye Wan Wan, hindi siya masunurin sa kagustuhan ni Si Ye Han--- hindi bago sa kanya na magpaka-lasing hanggang sa lumakas ang tama niya, kaya marami siyang alam pagdating sa alak.

"Wag na, okay lang… ito na lang iinumin ko!" Pagkatapos sabihin ni Ye Wan Wan ito, kumuha siya ng isang glass ng whiskey galing sa tray.

Naguluhan si Han Xian Yu, "Akala ko ba, ayaw ng girlfriend mo na umiinom ka?"

Tumikom si Ye Wan Wan- kasi yung "girlfriend" ko ay nasa harap natin kaya hindi ako uminom, okay? Iba na ito ngayon!

Bago dumalo si Ye Wan Wan sa party na ito, nalaman niya na nakatanggap ng tawag si Xu Yi at Si Ye Han para pumunta sila sa isang business trip sa ibang bansa. Malamang, hindi babalik si Si Ye Han ngayong araw, kaya malakas ang loob niya ngayon.

At syempre, ang pinaka importante sa lahat, kailangan niyang panatilihin ang dignidad ng tunay na lalaki!

Nächstes Kapitel