webnovel

Ang drastiko na pagbabaligtad

Redakteur: LiberReverieGroup

"Nagtago kayo sa likod ng screen, nag-type sa inyong mga keyboards at kung ano anong masamang mga tsismis ang pinagsasabi niyo sa mga hindi niyo kilalang tao at nanira kayo ng buhay ng tao para magbulalas, para idemanda ang lahat at siguro dahil wala lang kayong magawa kaya nagagawa niyo ang mga bagay na ito."

"Pagkatapos niyong nalaman ang katotohanan, isinantabi niyo ang paninirang puri na ginawa niyo sa isang inosenteng tao at pinapamukha niyo ngayon na isang maliit na pagkakamali at maling pagkakaintindi lamang ito - ito pala ang ugaling pinapakita ng media?"

"Ang makakapal na mukha ng media ang responsable sa walang sawang paninira sa social media - hindi ba't mga basura at hayop lang kayo ng lipunan?"

"Pwede bang sumagot ang reporter na ito o kahit sinong reporter na andirito sa hall na ito?!"

Ang bawat salita na sinambit ni Ye Wan Wan ay parang matalas na kutsilyo.

"Ah… ah…" nabulol ang reporter. Bigla siyang pinagpawisan at wala siyang masabi.

Tumahimik ang buong hall at walang nagtangkang mag-ingay sa oras na iyon.

Tinitigan ni Gong Xu ang mukha ni Ye Bai simula una hanggang sa matapos siyang magsalita. Pinanood niya ang nanlilisik sa lamig at seryosong mukha niya, natunghayan niyo kung paano binaligtad ni Ye Wan Wan ang walang sawang gulo at galit ng solo niya lamang. Ang tibok ng kanyang puso ay napakalakas noong oras na iyon...

Huminto ng saglit si Ye Wan Wan at sa wakas ay sinabi niya, "Para sa paninirang puri sa aking hawak na artista, si Gong Xu, karapatan ng Dazzling Media na tumuloy sa legal na aksyon upang labanan sila Wan Shanshan, Liang Shaozhe at ang lahat ng mga artistang kasabwat sa insidenteng ito."

Ang mga nakatataas ng opisyal ng Dazzlig Media ay bumalik sa kanilang malay tao sa oras na ito.

"Uh… iaabot na lang namin ang ibang tungkulin sa legal department, ngayon… ngayon na nagtatapos ang press conference… kapag may katanungan pa kayo, maghanap kayo ng araw para makapag-meeting tayo…"

"Panatilihin na malinis ang kapaligiran pagkatapos niyong umalis!"

Nagulat si Yang Jin Yuan at namangha siya habang tinitingnan niya si Ye Bai, isang bata na wala pang karanasan sa buhay.

Hindi niya inakala na kayang baliktaran ni Ye Bai ang sitwasyon nailigtas niya si Gong Xu. Si Ye Bai rin ang nagpatahimik sa buong media.

Sa oras na iyon, pare-parehas siguro ang iniisip ng mga staff members...

Naiisip na nila kung anong mangyayari pagkatapos ng nangyaring press conference sa araw na ito...

"Ang husay ng direktor Ye natin! Tinago niya ang pinakamalupit na galawan niya!"

"Naiintindihan ko na - mukhang sinusubukan tayong siraan ng Emperor Sky ngunit ngayon, pinatumba sila ng ating direktor Ye!"

"Malas ang Emperor Sky - sira na ang reputasyon nila Wan Shanshan at Ling Shaozhe at mawawala na ang kanilang kasikatan. May kasama pa silang sampung mga artista sa kasong ito!"

"Tara na." lumambot ang emosyon ng mga mata ni Ye Wan Wan habang tinitingnan niya sila Gong Xu at Luo Chen.

"Ah…" Bumalik sa tamang pag-iisip si Gong Xu matapos ang ilang minuto niyang pagiging tuliro. Tumayo siya at sinundan niya si Ye Wan Wan habang si Luo Chen ay katabi niyang naglalakad, ang mga mata niya ay nakatuon sa binatang nasa harap nila.

Kinagabihan, isiniwalat na ang pinaka-inaasahan na kinalabasan ng press conference tungkol sa "Gong Xu Bullying."

Ang lahat ng nangyari sa press conference ay naka-upload sa internet.

Nagkagulo ang buong internet simula noong nakita ng publiko ang katotohanan.

Pagkatapos ng press conference, nanghingi ng tawad ang lahat ng mga newspaper at magazines na nilinlang ang publiko sa panghuhusga nila sa isyu tungkol kay Gong Xu, ito ay sumikat sa buong internet at ngayon lang ito nangyari sa kasaysayan ng mundo.

Bumaligtad ang lahat nilalaman ng mga artikulo at ang mga headlines ay naging: "Bullying ang cyber violence" at "Ang kamatayan ng Media: kalabanin ang mga bully pero sila pala ang tunay na bully." Sa wakas, nabago nito ang opinyon ng publiko tungkol kay Gong Xu - ang nilalaman ng headlines ay naging "Ang panunumbalik ng Tunay na Gong Xu" at "Gong Xu: ang nag-iisang totoong tao ng entertainment industry"...

Nächstes Kapitel