webnovel

Nakawala ang pain at ang isda

Redakteur: LiberReverieGroup

Napunta ang mga mata ni Ye Hong Wei kay Ye Shao An at sa lahat ng nasa silid sabay sinabi niya, "Manghingi ka ng tawad kay Mu Fan."

Ano? Kami na nga ang talunan tapos kami pa ang manghihingi ng tawad?

"Anong tinatayo-tayo mo diyan? Hindi mo kayang gawin ang isang simpleng bagay na nagdulot ng malaking kaguluhan sa pamilya natin!"

Nakita ni Ye Shao An na nagagalit na ang matanda kaya nag-atubili siya at sinabi, "Pamangkin, pasensya na sa nangyari sa insidenteng ito. Ako na ang mag-iimbestiga sa insidenteng ito."

Pilit na pinigilan no Liang Mei Xuan ang nararamdaman niyang galit at sinabi, "Pasensya na, Mu Fan…"

Nanghingi rin ng tawad si Ye Yiyi, "Mu Fan, patawarin mo kami dahil hindi ka namin naintindihan. Mukhang may gustong idawit ang pangalan mo sa insidenteng ito. Ganyan lamang ang inakto ng mga magulang ko dahil hindi nila alam kung ano ang katotohanan."

Winagaywas ni Ye Mu Fan ang kanyang kamay na para bang pinapatawad niya na sila. "Hayaan niyo na, 'wag niyo na lang akong sasanggain ng ganyang mga problema sa hinaharap!"

"Bakit ka nila sususpetyahan? Kilala kita na makapal ang mukha mo, Mu Fan." Galit na si Tan Yi Lan ngunit kalmado naman ang boses niya.

Dali-daling sumagot si Ye Mu Fan, "Lola, alam ko po na nagkamali ako. Gagawin ko po ang lahat para magbago ako at maging mabuting tao po ako, tulad ni Wan Wan!"

Nang marining niya iyon, napatingin si Tan Yi Lan sa gilid kung saan nandoon ang kanyang babaeng apo na tahimik na nakatayo sa isang gilid.

Dalawang taon rin ang kaguluhan na idinulot ni Ye Wan Wan sa sarili niya at dahil doon, pinahiya niya ang buong Ye family.

Narinig ni Tan Yi Lan kamakailan lang na nagbago na ang bratinela niyang apo at noong una ay hindi pa siya naniwala. Ngunit ngayon na nakita niya sa sarili niyang mga mata, medyo nakita niya nga ang pagbabago kay Ye Wan Wan.

"Narinig ko na nakapasok ka raw sa Imperial Media at mataas raw ang grado mo sa liberal arts, totoo ba ito?" Sinuri ni Tan Yi Lan si Ye Wan Wan.

Yumuko si Ye Wan Wan. "Opo, lola."

"En, buti naman. Mag-aral kang maigi sa unibersidad at 'wag mo nang papahiyain kahit kailan ang pangalan ng Ye family."

"Masusunod po, lola."

Malaki ang pagbabago ng pakikitungo ni Tan Yi Lan kahit hindi siya nagpakita ng kabaitan o kabutihang loob kay Ye Wan Wan. Noon ay hindi niya man lang tinitingnan si Ye Wan Wan.

Nagulat si Tan Yi Lan dahil tahimik at masunurin na ngayon si Ye Wan Wan. Hindi na inisin si Ye Wan Wan ngayon kung ikukumpara siya sa noo'y batang pala-sagot. Tunay nga na kailangang matutunang maghirap ng isang tao bago siya matuto na maging matino.

Apo niya pa rin sila Wan Wan at Mu Fan kahit binigo siya ng kanyang anak at kahit ayaw niya ang kanyang manugang na babae. Kung hindi sana siya nagalit, hindi niya rin sana pinalayas itinakwil ang pamilyang ito kaya ito ang baging dahilan kung bakit nagkahiwa-hiwalay ang pamilya nila.

Nagpatuloy si Tan Yi Lan, "'Wag muna kayong umalis at magsalo-salo tayo ng hapunan. Sama-sama tayong babalik sa bahay at kakain ng magkakasama rin!"

Hindi makapaniwala si Ye Shao Ting at Liang Wan Jun - ito ulit ang unang beses sa loob ng dalawang taon, na inimbita sila ng nanay nila...

Madali lang isipin ang itsura ng mga mukha ng pamilya ni Ye Shao An noong mga oras na iyon.

Sa oras na iyon, hindi na nga sila naka bingwit at nawala pa nila ang pain...

Kinagabihan sa lumang residensya ng Ye family:

Alam ni Ye Mu Fan kung paano manuyo ng mga tao noon, pero sumama ang ugali niya nang mawala ang lahat ng pera ng tatay niya at kaya napa-layo rin ang loob niya sa kanyang lolo at lola.

Sa oras na iyon, lumabas muli ang talento ni Ye Mu Fan. Habang nasa hapag-kainan, muli niyang pinasaya at pinatawa ang kanyang lolo at lola kaya halos masuka ang kanyang pamilya sa nakikita nila.

"Lola, ibigay mo na lang itong baboy kay tita! 'Wag ka nang kumain ng ganyan at alam mo namang napakaganda ng kutis mo lola!"

"'Wag kang bastos, Mu Fan!" Sasabihan kita ngayon na kahit nagkamali kami sayo ngayon, baka aakalain mo na tatalikuran ko na lang ang lahat ng kalokohan na ginawa mo noon. Nagpakahirap kami ni lolo mo, gamit ang sarili naming mga kamay hanggang sa maiangat ang business ng pamilya natin sa puntong ito, ilang dekada ang tinahak namin na paghihirap para dito. Hindi pwedeng ilagay sa kamay ng walang kwentang tao ang Ye family!"

Nächstes Kapitel