webnovel

Ang pagkasira ng chrysanthemum flower

Redakteur: LiberReverieGroup

Tinalikuran siya ni Liu Ying at walang konsensyang umalis pagkatapos niyang sabihin iyon.

Sinubukan ni Xu Yi na pagaanin ang sitwasyon habang nakatayo siya sa iisang lugar habang nag-aaway ang dalawa: *cough* "Ganyan talaga si Liu Ying, 'wag mo na lang siyang pansinin."

Hindi sumagot si Ye Wan Wan. Alam niya na kasing walang maniniwala sa kanya. Alam niya na rin na mag-iba ang tingin ng mga tao sa kanya kapag nagbigay siya ng babala kung ano talaga ang masamang mangyayari.

Madaling araw sa bar na nasa tuktok na palapag ng hotel:

Dahil bumyahe sila ng dalawang araw, naisip ng mga gwardiya na magpahinga sila sa bar.

May grupo ng mga tao ang nag-iinuman at nag-uusap dito.

"Uy, narinig niyo ba iyon? Parang baliw ang babaeng iyon-ilang araw na niyang sinasabi kay BOSS na may mangyayaring nakawan at panganib kaya pinipilit niya si BOSS na 'wag nang magpatuloy!"

"Akala niya siguro na siya ang grandmaster sa panghuhula noh?"

"Kalokohan! Swertehan lang siguro noong hinulaan niya yung aksidente ni kapitan? Hinulaan niya rin sa magkakaroon ng kalamidad sa pag-ibig si Song Jing, pero dalawang araw na ang lumipas at hindi ba, nasa maayos na kalagayan pa rin si Song Jing?"

Ngumisi si Song Jing, "Isa siyang mapahamak na babae sabi ni kapitan - para sa akin, tama ang sinasabi ni kap!"

Habang nag-uusap ang grupo nila, may dayuhan na blonde ang buhok at may asul na mata ang naglakad papalapit kay Song Jing. Nanlaki ang mata ng lalaking dayuhan nang makita niya ang kutsilyo sa baewang ni Song Jing at sinabi niya ng purong Mandarin, "Wow, kung hindi ako nagkakamali, ito ang kilalang kutsilyo na galing pa sa Tang dynasty, 'di ba?"

Nagulat si Song Jing dahil alam ng dayuhan ang mga bagay na ito, "Paano nagkaroon ng kaalaman sa ganito ang dayuhang katulad mo?"

"Heh, hindi lang ang history ng China ang gusto ko, gusto ko rin ang Chinese…"

"Gusto mo rin ang? Chinese ano?"

"Wala~" natawa ang dayuhan at sinabi, "May mga armas ako na galing sa China sa bahay ko, gusto mo ba akong samahan umuwi para makita mo ito? Malapit lang naman~"

"Talaga? Sige!"

...

Kinaumagahan.

Buong gabing hindi nakatulog si Ye Wan Wan at lumutang siya na pababa ng hagdan ng parang umaaligid na multo, para kumain ng umagahan.

Sa oras din na iyon, sa restaurant ng hotel:

May isang grupo ng matipunong mga lalaki ang pumalibot sa mapayat na lalaking naka-crew cut, tinatapik nila ang kanyang balikat at sinusubukan nilang amuhin ang bata.

"Uy, 'wag ka nang malungkot, buti na lang nakapunta kami doon ng maaga. Hindi nakuha ng rapist ang gusto niya 'di ba?"

"Walang nakakaalam na bakla pala ang dayuhan na iyon 'di ba? Tapos nga Tsinong lalaki pa ang mga gusto niya?! Inakit niya si Song Jing na may mga kutsilyo raw siya sa kanyang bahay!"

"Malala ang ginamit niyang kasuklam-suklam na droga! Muntik na iyon! Kung nahuli tayo ng kahit isang segundo, hindi na natin maililigtas ang chrysanthemum flower (maselang bahagi ng katawan) ni Song Jing! Nakatanggal na ang pantalon ng dayuhan! Tapos nakakatakot ang laruan na hawak niya; paano na lang kapag pinasok niya iyon…"

...

Lumitaw ang mga ugat sa noo ni Song Jing at padilim ng padilim ang itsura ni Song Jing habang pinapakinggan niya sila. Umungol siya sa sobrang galit: "Manahimik kayong lahat! Sasapakin ko ang bunganga ng sino mang magbabanggit ng nangyari kagabi!!!"

"Tama tama tama, 'wag na nating pag-usapan ito!" mabilis na tinawanan na lang ng lahat ang pangyayari.

Pagkatapak ni Ye Wan Wan sa restaurant, narinig niya ang madetalyeng bersyon ng nangyari at totoo nga na… mahirap itong ipaliwanag sa kakaunting salita lang...

Umupo sa hindi kalayuan na lamesa ni Song Jing si Ye Wan Wan at tinawag niya ang waiter, "Waiter, pwede bang makahingi ng isang pot ng chrysanthemum tea~"

Kalmado na sana si Song Jing pero nang marinig niya ang boses ni Ye Wan Wan, humigpit ang kanyang chrysanthemum flower at dahan-dahan siyang humarap kay Ye Wan Wan.

Sabay sabay na humarap ang ibang mga bodyguards kay Ye Wan Wan, lalo silang nabigla kumpara noong huli nilang nakita ang babae.

Noong una, hindi pa nila maipagsama ang nangyari kay Song Jing sa hula ni Ye Wan Wan; pero nang makita nila si Ye Wan Wan, bigla nilang natandaan ang tila… kakaibang insidente...

Nächstes Kapitel