Uh… Si… Yehan…
Kinamot ni Ye Wan Wan ang kanyang mga mata, naniniwala siya na parang may mali!
"Ah-Jiu…?"
Hindi ba dapat nasa ibang bansa siya? Nabanggit niya kagabi na babalik daw siya kinabukasan...
Nakatingin si Si Ye Han sa braso ni Ye Wan Wan na hawak-hawak ni Gong Xu.
Nanginig si Gong Xu. Naramdaman niya ang pagkakilabot sa buong katawan niya.
Oh? Nandito ang boyfriend ni Ye-ge?
Bakit siya nandito?
At bakit… bakit niya ako tinititigan...
Anong ginawa kong mali...
Hinawakan ko lang naman ang braso niya...
Parang hiniwa ako ng 10,000 beses sa tingin niya sa akin...
Bata lang ako. Wala akong ginawang mali...
Napalunok si Gong Xu at binitawan nita ang braso ni Ye Wan Wan na kasing-bilis ng kidlat. Umurong siya ng limang hakbang patalikod at kanyang sinabi, "Uh, Ye… Ye… Ye-ge ge… nandito pala ang boyfriend mo…"
"Hin-hindi ko na… kayo guguluhin dalawa…"
Pagkatapos niyang magsalita, bigla siyang nawala dahil takot siyang mamatay sa kamay ni Si Ye Han.
Mama! Nakakatakot! Muntikan na akong mamatay sa sobrang takot!
Okay lang na lalaki ang gusto ni Ye-ge, pero bakit nakakatakot pa kasi ang napili niya!
Masyado bang mabigat ang taste niya sa lalaki?
Sa pagkakataon na iyon, lumapit si Si Ye Han kay Ye Wan Wan.
Pumikit si Xu Yi dahil hindi niya na kayang panoorin pa ang eksenang iyon.
Huli na ang lahat noong tumawag siya at hindi niya kaagad nabalaan si Miss Wan Wan.
Sa dalawang buhay ni Ye Wan Wan, ngayon niya lang nakita si Si Ye Han na nakakatakot at nakapanganib ang pagkatao...
Napaka… gwapo niya...
Tatlong hakbang na lamang ang layo ni Si Ye Han kay Ye Wan Wan nang biglang sumugod ng parang pana si Ye Wan Wan sa kanya. Niyakap niya si Si Ye Han at matagal niyang hinalikan ito sa labi.
"Darling! Bakit umuwi ka kaagad? Sobra kitang namiss!"
Si Yehan: "…"
Xu Yi: "…"
Uh…
Miss Wan Wan, hindi ito ang tamang panahon para maglandian!
Kung ito ang nakaraan at nakita niyang nagagalit na ang kanyang master, iiyak na siguro si Ye Wan Wan, ngunit ang kalagayan niya ngayon ay maayos naman na...
Hindi alam ni Xu Yi kung anong magiging reaksyon niya habang tinititigan niya ang kumikinang na mga mata at sabik na damdamin ni Ye Wan Wan.
Nawala ang manhid na itsura ni Si Ye Han. Pagkamangha at pagkagulo ng isipan ang makikita sa kanyang mga mata.
Sa isang saglit, namuo na naman ang pagkamanhid sa kanyang damdamin.
"Ah…"
Magsasalita na sana si Ye Wan Wan nang biglang umikot ang kanyang katawan.
Mabilis na tinulak sa malamig na pader ang katawan niya.
Tiningnan siya ni Si Ye Han. "Siya ba iyon?"
"Ah… sino?" nabigla si Ye Wan Wan.
Anong ibig sabihin niya sa "siya ba iyon"?
Nagtimpi ng sobra si Si Ye Han para itago ang kanyang galit. "Tanungin lang sana kita -- nasaan ka kagabi?"
Nakakabahala ang mabagsik na bagyo sa kanyang mga mata kahit na tinatago niya ang kanyang galit.
Naramdaman ni Ye Wan Wan ang pagsisisi nang makita niya ang mga mata ni Si Ye Han. "Kagabi? Kagabi… nasa bahay ako, sa Little House of Rose…"
Si Ye Han: "Sinong kasama mo?"
Sinong kasama mo?
Mas lalong nagsisi si Ye Wan Wan ang marinig niya ang tanong na ito.
Natandaan niya bigla na hindi pala alam ni Si Ye Han ang tungkol kay Tang Tang, kaya baka may hindi pagkakaintindihan na lamang?
Punyeta, akala ko bukas pa uuwi si Si Ye Han, kaya hindi ko pa nasasabi sa kanya!
"Uh, nasa bahay ako. Sino pa ba ang kasama ko kundi… ako…."
Sa mga mata ni Si Ye Han, nag-iba ang tingin niya kay Ye Wan Wan na may itsurang punong-puno ng pagsisisi.