webnovel

Kaibig-ibig at mabagsik

Redakteur: LiberReverieGroup

Kuminang ang balahibo ng puting tigre sa liwanag. Naiba ang aura at katawan niya sa ibang tigre na pinalaki sa zoo at mga circus. Mabagsik na halimaw ang tigre at isang uhaw sa dugo na mamamatay.

Gayunpaman, isang kulay rosas na bowtie ang nakatali sa puting tigre, na nagpasira sa imahe nito.

Hm, sobrang pamilyar ng bowtie, sobrang pamilyar ng eksena...

Nakatayo sa gilid si Xu Yi na puyat ang mga mata habang pinunasan ang kanyang pawis.

Para magawa ang gawain, buong gabi niya hinanap ang tigre sa bundok at sinugal ang kanyang buhay para lang mailagay ang bowtie na nasa leeg nito.

Nang makita ni Tangtang ang malaking puting tigre, nawala ang kanyang pag-aalinlangan at napalitan ito ng pag-asam at paghanga. Hindi niya lubos maisip na ang alaga na sinasabi ng kanyang Mommy ay isang tigre.

"Tangtang, bakit hindi mo batiin si Great White? 'Wag kang matakot. Sobrang cute at masunurin si Great White!" sabi ni Ye Wan Wan.

Sa nakaraan niyang buhay, lagi siyang natatakot kay Great White dahil nasasasindak naman talaga ang Great White. Natatakot siya na baka kainin siya nito pero nadiskubre niya na parehas lang si Great White sa kanyang amo na si Si Ye Han. Parehas silang nakakatakot sa labas...

Hindi makaimik si Xu Yi: "..."

Huwag kang magsinungaling sa bata...

"ROAR——"

Nang maisip ito ni Xu Yi, isang malakas na ugong ang narinig sa tabi niya.

Sa kusina, bumahing ang mataba. "P*ta… sa gubat yata napalaki ang tigreng 'yan…"

Lumagutok ang ang dila ni Tang Bin at sabi, "Ang Bengal White Tiger ay isa sa mga malalakas na uri… at isa sa mga mabagsik na tigre…"

Tumango si Tangtang at bumaba sa kanyang upuan at lumapit sa malaking puting tigre, napalabilis ang kanyang pagbaba at aksidente niyang nabalikuko ang kanyang binti.

"Tangtang, ayos ka lang ba?" tarantang tanong ni Ye Wan Wan.

"Mommy, ayos lang ako!" naabot na ng bata ang malaking puting tigre. "Nagagalak akong makilala ka, ako si Tangtang."

"ROAR--" umugong muli ang puting tigre. Maingat ang tingin ng mga asul niyang mata at nauusisa ito habang tinitignan ang maliit na bata

Nakatayo si Tangtang sa harap ng malaking puting tigre ay kiniling ang ulo habang pinagmasdan ang kulay rosas na bowtie bago tinuro. "Hindi ka ba komportable dyan?"

"ROAR--" mababang ugong ng malaking puting tigre.

Kaya naman, tinanggal ng bata ang bowtie mula sa tigre. Natatakot si Xu Yi habang nasasaksihan iyon.

"Mabuti na ba 'yan?" tanong ng bata.

"ROAR--" ngayon, mas lalong bumaba anh ugong ng puting tigre.

Malaki ang ngiti ni Tangtang. "Great White, ang sarap pakinggan ng boses mo."

Xu Yi: "..." masarap pakinggan?

Malaki nag pagkakatulad ng bata kay Miss Wan Wan ngayon...

"Mommy, pwede ko bang dalhin si Great White sa hardin para maglaro?" masayang sumulyap si Tangtang kay Ye Wan Wan.

"Syempre pwede. Punta ka na dali!" nang makita na nagustuhan ni Tangtang ang bago niyang kaibigan, hindi na nag-alala pa si Ye Wan Wan.

Tinanong ni Tangtang si Great White. "Great White, gusto mo bang pumunta sa hardin?"

Marahang umugong ang Great White bilang tugon. Pumunta ito sa tabi ni Tangtang at kinalikot ang binti nito.

"Ano 'yon, Great White?" hindi maintindihan ni Tangtang ang gusto ni Great White.

"ROAR--" yumuko ang Great White. Gamit ang malaki at mabalahibo niyang ulo, kinalikot niya muli ang binti nito, nagpapahayag na sumakay si Tangtang sa kanya.

"Great White, salamat!" maingat na umakyat si Tangtang.

Matapos na umayos si Tangtang sa likod niya, dahan-dahang umangat ang Great White at maingat na naglakad patungo sa hardin, dala-dala ang maliit na tawa.

Sa sandaling ito, buong paghanga na nanonood si Xu Yi sa nangyayari.

Dumadaloy ba ang abilidad na ito sa pamilya?

Hindi ito pwede… hindi naman anak ni Miss Wan Wan ang batang ito...

Nächstes Kapitel