webnovel

Papatayin ang lahat ng nabubuhay

Redakteur: LiberReverieGroup

"Ah ah ah! Nyeta! Sobrang gwapo niya!"

"Mas gwapo pa sa gwapo! Kakaiba siya sa lahat!"

"Importante sa lahat, ang appeal niya! Ang lakas ng appeal! Diyosko, hihimatayin na ko!"

...

Tumingin si Ye Wan Wan sa may bintana, nanigas siya habang ang mga sigaw ay unti-unting humihina, hanggang sa manahimik na ang lahat. Ang lalaking iyon ay iisang nakita niya.

Ang walang emosyon na mapag-isang itsura sa kanyang mukha. Mabagal siyang naglalakad sa ulanan sa ilalim ng kanyang payong. Mukha siyang isang demonyo na nakatira malayo sa lahat sa loob ng kweba at biglang dumating sa mundo para sirain ang lahat ng nabubuhay.

Punyeta!

Anong nakita ko?

Si… Si Ye Han!

Noong una, nabighani si Ye Wan Wan sa kagandahan ng great devil at naakit siya sa itsura nito.

At ang pangalawa niyang reaksyon: Mamamatay na ako! Death anniversary next year etong araw na ito!

S***! Bakit?! Bakit biglang susulpot si Si Ye Han sa eskwelahan, ahhhh!

Nakabalot pa rin sa kanya ang damit ng ibang lalaki at katabi niya ay nakahubad na lalaki!

At dahil dito, hindi pa sapat na mamatay siya ng isan-daang beses!

Nababaliw na si Ye Wan Wan.

"Pasalamat sayo, mokong ka! At mamamatay na ako!" Biglang sinabi ni Ye Wan Wan habang clumsy niyang tinatanggal ang damit na nakabalot sa kanyang katawan.

Ngunit, huli na ang lahat.

Malapit ang kanyang upuan sa bintana kaya sa malamang nakita na siya ni Si Ye Han. Pinapalala niya ang sitwasyon dahil sinusubukan niyang magtago na para bang may ginawa siyang mali.

Humiwalay ang tingin ni Si Xia kay Si Ye Han at tiningnan niya si Ye Wan Wan na tinatanggal ang kanyang damit. Dumilim ang kanyang mukha at sinabi, "Ganyan ka ka-takot sa kanya?"

Patagilid niyang tiningnan si Si Xia, "Takot ba ako sa kanya? Niloloko mo ba ako? Tatay ko yun!"

Gusto kong lumuhod at tawagin siyang Hari! Sa bawat oras na makikita ko siya.

Si Xia: "..."

Sa mga oras na iyon, umabot na rin ang presensya ni Si Ye Han sa class A at nang siya ay makita nila, muntik nang lumabas ang kanilang mga mata.

"Woah! Sino yung lalaking 'yon? Sino siya, sino siya? Sobrang… gwapo niya! Anong ginagawa niya dito sa eskwelahan natin?"

"Sa edad niyang yan, hindi siya isang magulang ng estudyante dito! Andito ba siya para makilala ang school leader?"

"Hindi ko alam, hindi ko siya nakikita noon! Ano ba ang okasyon ngayon araw? Isa-isang nagpapakita ang mga casanova na parang may malakas na pwersa!"

"Please lang, yung ex, este ang hunk natin ngayon ay wala kumpara sa lalaking ito 'di ba? Hindi lang siya guwapo kundi meron din siyang nakamamatay na awra! Malaki siguro ang impluwensiya ng lalaking ito!"

"S***, gusto kong malaman kung sino siya! Sino ba ang lalaking ito?"

"Mukhang naglalakad siya patungo sa class F."

Habang umiinit ang diskusyon ng mga tao, natuliro si Shen Meng Qi at hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

Si... Si Ye Han...

Pumunta talaga siya dito sa eskwelahan!

Noon sa unang buhay ni Wan Wan, maraming pagkakataon na nagkita sila ni Si Ye Han dahil magkaibigan sila ni Ye Wan Wan.

Pero noong nasira ang kanyang planong pag-utos kay Gu Yue Ze na tulungan Ye Wan Wan, hindi na niya muling nakita si Si Ye Han.

Kahit na ilang beses niyang pinag-away si Ye Wan Wan at si Si Ye Han para siya ang i-date ng lalaki, hindi pa rin niya naloko ang bobitang babae, si Ye Wan Wan.

Ilang panahon ang nakalipas at eto ulit ang unang beses na nakita niya si Si Ye Han.

At sa oras na nakita niya si Si Ye Han, ang matagal nang patay na pag-asa ay muling nagliyab at nabuhay muli ito sa kanya!

Sinong Song Zi Hang, sino si Ye Mu Fan, sino si Si Xia?

Ang lalaking ito...

Kung mapa-pasakanya ang lalaking ito...

Habang nalulugod ang puso ni Shen Meng Qi, namulat siya sa katotohanan na naglalakad ang lalaki papunta sa class F, bigla na lang nagbago ang mukha niya.

Nächstes Kapitel