webnovel

Espesyal na date

Redakteur: LiberReverieGroup

Matapos ipaliwanag ni Ye Wan Wan ang lahat kay Xu Yi, siya ay masayang pumunta upang kumain ng almusal.

Pinapanuod ni Ye Wan Wan na kumukuha ng pagkain si Si Ye Han para kay Tangtang. Kahit na hindi tinatrato ni Tangtang si Si Ye Han na parang magkasundo, hindi parin niya tinatanggihan si Si Ye Han at nagpapasalamat paring sinabi "salamat."

Ang lahat ay mas maayos kaysa sa naiisip ni Ye Wan Wan, kaya napakasaya niya.

Ngayon, hindi kailangan pumasok ni Si Ye Han sa trabaho habang si Ye Wan Wan ay nagpapahinga.

Ayon sa patakaran na ginawa ni Ye Wan Wan noon, hanggat may oras ang dalawang partido, kailangan nila mag-date isang beses sa isang linggo.

Ngunit ngayon, tila parang mayroong ibang makakasama.

Kumurap si Ye Wan Wan kay Si Ye Han.

Si Si Ye Han na nahalata ang kanyang tingin, ay walang sinabi. "..."

Pakiusap! Hubby!

Malinaw na binanggit ni Ye Wan Wan ang bagong pet name...

Nagpahayag si Si Ye Han na wala siyang magawa habang nakatingin sa munting bata at tinanong, "saan mo gustong maglaro?"

Walang sinabing kahit ano ang munting bata at tila relaks ng kaunti ng siya ay tumingin. "Laro…?"

Kaagad na sumagot si Ye Wan Wan, "tama. Ngayon, libre si mommy at daddy at pwede ka naming ilabas para maglaro. Baby, saan mo gusto pumunta? Sa zoo? Sa amusement park? O gusto mo mag-hiking? Kahit saan mo gusto!"

Hingil sa tanong na ito, kung iba siyang bata, masaya na siyang sasagot sa kung ano ang gusto niyang gawin. Gayunpaman, tila hindi ito naisip ni Tangtang ang tungkol dito, hindi gaanong alam kung paano makipag-ugnayan sa kanyang magulang, kaya siya ay lumabas na bakante.

Nang makita ito ni Ye Wan Wan, kumirot ang kanyang puso at siya ay nagmadaling nagpatuloy, "kung si mommy ang na ang bahala? Punta tayo sa amusement park, okay?"

Kaagad na tumango ang munting bata. "Okay."

Ngumiti si Ye Wan Wan. "nakapag desisyon na. Pagkatapos mag almusal, mag-aayos na tayo.

Matapos mag-almusal, ang tatlo ay nagbyahe papunta sa malaking amusement park sa Imperial City.

Ngayon, ang tatlo ay makapareha ng damit ay angkop sa ganitong uri ng tagpo.

Hawak ni Ye Wan Wan ang kamay ng munting bata. "Tangtang, napaka-daming tao dito, kaya hawak ka lang sa kamay ni daddy at mommy!"

Sumungaw ang munting bata sa matankad na lalaki sa kanyang tabi.

Tumingin din pabalik si Si Ye Han at hinawakan ang kanyang kamay.

Nag-alangan pa ang munting bata, ngunit sa dulo, inabot niya din ito at hinawakan ang kamay ni Si Ye Han.

Kararating lang nila sa may entrance ng makita ni Ye Wan Wan ang magandang cotton candy.

"Whoa! AH-JIU—Whoa! Ah-Jiu…"

Magmula ng magsimulang mag-date sila ni Ye Wan Wan, sa kalaunan napabuti niya ang kanyang pag-intindi ng pakikisalamuha. Noon, wala siyang alam tungkol dito.

Pinaayos niya ang ilang pera kay Xu Yi kanina at hindi na kailangan mag tanong pa ni Ye Wan Wan kusa niyang nilabas ang kanyang wallet upang mag bayad. "Ilan ang gusto mo?"

Ye Wan Wan: "masyadong itong malaki sapat na ang isa!"

Isang napaka-kulay na hugis puso na piraso ng cotton candy ang mabilis na hinanda para sa kanial.

"Halika, Tangtang, subuka mo ito!" inilagay ni Ye Wan Wan ang cotton candy sa harapan ni Tangtang.

Tumitig si Tangtang sa napaka-kulay na hindi kilalang bagay na may halo-halong emosyon at tinikwas ang kanyang ulo sa pagtataka. "Nakakain ba ito?"

Walang emosyong sinabi ni Si Ye Han sa kanyang anak, "oo, cotton candy iyan."

Inobserbahan ni Ye Wan Wan ang mag-ama at hindi napigilang tumawa.

Hindi ba alam noong una hindi pa alam ni Si Ye Han ang cotton candy? Ngunit ngayon tinuturuan na niya ang kanyang "anak"!

Tumingin si Ye Wan Wan kay Tangtang. "Tama, cotton candy yan at masarap! Subukan mo!"

Maingat na kumagat ang munting bata at kaagad na sumigla ng matunaw ito sa kanyang bibig. Ang tamis nito…

Nächstes Kapitel