Matagal na nag-isip-isip si Ye Wan Wan sa isyu bago siya magsalita: *cough* "Ganito kasi 'yon: dahil sa salot na si Gu Yue Ze noon, naging malayo ang relasyon ko sa magulang ko. Ngayon, matapos kong bumalik sa bahay ng mga Ye, naayos ko na ang mga bagay-bagay sa magulang ko at para mapayapa sila at maniwala na napag-isipan ko na ang lahat ng maayos. Sinabi ang tungkol sa 'tin…"
Nang masabi 'yon, napatigil si Ye Wan Wan at inobserbahan ang itsura ni Si Ye Han at nagpatuloy, "Tsaka, dalawang taong mahigit na din tayong naninirahang magkasama, kaya gusto mo bang… bumalik kasama ako… para makilala ang magulang ko?"
Ang pinakatatakutan ni Ye Wan Wan na balang araw, ay aksidenteng malaman ng magulang niya tungkol sa kanya at kay Si Ye Han. Isaalang-alang pa ang pag-uugali ni Si Ye Han sa magulang niya, o kapag nalaman ng magulang niya na napilitan lang siya sa relasyong ito, hindi niya na magawa pang maisip ang kalalabasan nito.
Kaya kailangan niyang maghanap ng solusyon na makakapagpasaya sa dalawang partido bago pa lumala ang lahat.
Kapag pumayag si Si Ye Han at handang makipagtulungan, makakabuti iyon...
Nang masabi na iyon ni Ye Wan Wan, naramdaman niyang nawala ang lahat ng ingay sa paligid; nakatuon lang ang lahat ng atensyon niya sa reaksyon ni Si Ye Han.
Nasa mga daliri niya pa din ang baso. Masyadong madilim ang ilaw sa bar - kaya hindi niya makita maigi ang itsura ni Si Ye Han.
Lumipas ang oras, kada-segundo...
"Hindi ayos sa 'yo?" Nang makita na walang reaksyon mula kay Si Ye Han, ibinaba ni Ye Wan Wan ang kanyang tingin at lumungkot. "Si Ye Han… laruan lang ba ako… sa 'yo? Kinukulong mo ako kapag hindi ka masaya, at hahayaan mo lang ako lumipad saglit kapag masaya ka...
"Alam kong ayaw mong mayroon akong malapit na karelasyon sa iba, kahit na ang magulang ko… pero… sa ugali mong 'yan, iisipin ng magulang ko na nakuha na ako ng masasamang tao o malala pa, iisipin nila na nakakulong ako at isa lang akong kabit…"
Nagdilim ang itsura ni Si Ye Han habang pinanood niya na maglabas ng sama ng loob si Ye Wan Wan na para bang iiyak na siya. "Magulang ko sila, at magiging biyenan mo din; niloloko mo lang ba ako at wala kang planong magpakasal matapos ang lahat…"
Nang marinig ni Si Ye Han ang salita "magpakasal" bahagyang nagbago ang malamig niyang itsura at sinabi, "Sige."
Nang marinig ang sinabi ni Si Ye Han, para bang isang sunflower ang ulo ni Ye Wan Wan na sa wakas ay nakita ang araw. Agad niyang inangat ang tingin at napasigaw, "Ah! Talaga, talaga? Kapag nakilala mo sila, pwede bang baguhin mo ang itsura mo para magmukha kang panget-ah hindi, hindi, para magmukhang malakas, mabuti at mabait, ah hindi, ang ibig kong sabihin ay… magmukhang sigurado!"
Si Ye Han: "..."
Ang bahagyang sumigla na itsura ni Si Ye Han ay biglang naging parang sumisipol na mga hangin ng Hilaga; malamig din ang boses niya habang nagsalita, maingat na binigkas ang bawat salita, "Masyado ba akong nakakahiya para iuwi mo?"
Balisang umiling si Ye Wan Wan. "Bakit naman! Syempre kasi, alam mo naman, mula ng kay Gu Yue Ze, nag-aalala ang magulang ko na baka maloko ulit ako; natatakot sila na hindi ko makokontrol ang isang gwapo at mayaman, natatakot sila na baka iwan ako o lokohin o iba pa. Gayunpaman, nakahanap ako ng taong masyadong mayaman at baka masira pa ang vault ng langit!"
"Kapag pinakilala kita sa kanila ng ganito, baka mag-aalala sila sa puntong hindi sila makakatulog!"
"Kaya habang kaya kong pakalmahin ang mga puso nila, hindi ko pwedeng ipakita ang totoong ikaw sa kanila… kaya… kailangan kitang abalahin ng kaunti…"
Mukhang natuwa si Si Ye Han habang nakatingin kay Ye Wan Wan. Minadali niya na lang ang mga bagay: "Gaano kasigurado ang gusto mo?"
Nilabas ni Ye Wan Wan ang kanyang phone at pinakita sa kanya ang litrato. "Pwede na yung ganito…"