webnovel

Ang pagwawala ng isang mabagsik na nilalang

Redakteur: LiberReverieGroup

Nag-iba ang itsura ni Yamamoto Tsubasa at umungol siya ng malakas. Lubhang masakit ang naramdaman niya sa likod ng kanyang tuhod kaya lumabas ang malamig na pawis sa kanyang noo. Paika-ika siyang umurong kay Ye Wan Wan.

Umalis man si Yamamoto Tsubasa, inangat pa rin ni Ye Wan Wan ang kaliwa niyang kamay at mukhang sasampalin niya sa kaliwang bahagi ng mukha si Yamamoto Tsubasa.

Kusang dinepensahan ni Yamamoto Tsubasa ang atake ni Ye Wan Wan gamit ang kanyang mga braso.

Nang makita ito ni Ye Wan Wan, lubha siyang natuwa at tiningnan niya ng may kagalakan si Yamamoto Tsubasa.

"Pinaglaruan mo ako?!" Bumalik ang malay tao ni Yamamoto Tsubasa at galit niyang tiningnan si Ye Wan Wan.

Gayunpaman, inangat muli ni Ye Wan Wan ang kanang kamay niya nang magsalita si Yamamoto Tsubasa.

Nang makita niya ito, dumepensa muli sa sarili si Yamamoto Tsubasa.

Slap!

Suminghal si Ye Wan Wan. Inangat niya ang kanang kamay niya at inatake niya ng malakas ang kaliwang pisngi ni Yamamoto Tsubasa.

"Papatayin kita!"

Sumigaw ng malakas si Yamamoto Tsubasa nang masampal siya ni Ye Wan Wan at bigla niyang inatake na parang kutsilyo ang kamay niya patungo sa leeg ni Ye Wan Wan.

Hindi gumagalaw si Ye Wan Wan sa kanyang puwesto pero nakuha niya ng mabilis ang umaatakeng kamay ni Yamamoto Tsubasa sa loob ng kalahating segundo lamang.

Parang sipit ang kaliwang kamay niya at napakalakas ng pagkakahigpit nito. Matagal na pinipilit alisin ni Yamamoto Tsubasa ang kanyang kamay.

Slap!

Hinawakan ni Ye Wan Wan ang kanang kamay ni Yamamoto Tsubasa at walang awa niyang hinampas ang mukha nito gamit ang sariling kamay ng kanyang kalaban.

"Gusto mo pa rin makipaglaban?"

Nagtanong si Ye Wan Wan habang kalmado niyang tinitingnan ang magang mukha ni Yamamoto Tsubasa.

"Patay ka ngayon babae ka!" Walang takot na tiningnan ni Yamamoto Tsubasa si Ye Wan Wan.

Slap!

Walang awa na sinampal muli ni Ye Wan Wan ang mukha ni Yamamoto Tsubasa.

"Patay ka na ba?" Ngumisi si Ye Wan Wan nang kuminang ang kanyang mga mata.

Mabilis niyang tinapos ang laban nilang dalawa kanina, pero nag-iba ang isip niya noong naisip niya ulit ang kaninang sinabi ng basurang ito.

Gulat at nanigas sa iisang pwesto ang lahat ng nandoon.

Galit na umungol si Yamamoto Tsubasa at hindi na niya tinangkang umalis sa hawak ni Ye Wan Wan. Hinawakan niya na lamang ng mahigpit si Ye Wan Wan naisip niyang gamitin ang pwersa niya upang ihulog sa baba si Ye Wan Wan.

Gayunpaman, matalas mag-isip si Ye Wan Wan at mabilis ang galaw niya. Noong hahablutin na sana siya ni Yamamoto Tsubasa, Niyuko niya patalikod ang buong katawan niya at kinuha niya ang lahat ng kapangyarihan hanggang sa pinasabog niya ito ng malakas.

Nakita ng mga manonood ang nang inunat ni Ye Wan Wan patalikod ang kanyang katawan nang hinablot niya si Yamamoto Tsubasa at hinampas niya ito ng malakas sa lapag.

Kahit ang tunog lang ay napakasakit na para sa pandinig ng lahat.

Tiningnan ni Sun Li Zhong si Ye Wan Wan at mukhang hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Ang makapangyarihan na si Yamamoto Tsubasa ay parang laruan lamang sa kamay ng babaeng ito...

Nahulaan ni Ye Wan Wan ang bawat isang atake ni Yamamoto Tsubasa at napaganda ng atake niya laban sa kanya. Kahit na hindi pa rin katumbas ni Ye Wan Wan bilis at lakas ni Yamamoto Tsubasa, isang kalawakan naman ang layo ng karunungan at kahusayan ni Ye Wan Wan sa wrestling at martial arts skills kung ikukumpara sa kanyang kalaban… nasa magkaibang lebel ang lakas ng dalawang ito!

Biglang nanahimik ang mga tao na nanggaling sa Sun at Qin family na kanina'y inaasar at kinukutya si Ye Wan Wan. Tiningnan nila ang maliit na pangangatawan ni Ye Wan Wan at para bang nakakita sila ng multo.

Lubha ang katahimikan ng buong lugar.

Paano nagkaroon ng malakas at nakakatakot na pwersa ang babaeng may maliit na pangangatawan? At paano niya nalaman ang atake at galaw ni Yamamoto Tsubasa...

Pinigilan ng mga atake ni Ye Wan Wan ang mga atake ni Yamamoto Tsubasa at wala siyang depensa sa kanya. Kung hanggang sa kamatayan ang laban na ito, matagal na sigurong patay si Yamamoto Tsubasa...

Nakakatakot ang babaeng ito...

Nächstes Kapitel