webnovel

Ansakit sa mata! Patayin niyo siya!

Redakteur: LiberReverieGroup

Sa entablado.

Reyna: Mirror, mirror, who's the fairest of them all?

Mirror: Reyna, ikaw ang ubod ng ganda… ngunit, may nakikita akong dalaga na hindi naitatago ang kanyang kagandahan ng sira niyang mga damit---siya ang pinakamaganda s lahat.

Reyna: Imposible! Wala nang mas gaganda sa akin! Sino ang babaeng ito?

Mirror: Siya na kasing pula ng rose ang labi, ang mga buhok na kasing itim ng uling at ang balat na kasing puti ng snow, siya si...Snow White!

Sa mga oras na iyon, nandilim ang background at props sa likuran nang bigla magpakita si Ye Wan Wan sa entablado.

Buhaghag ang kanyang wig at sira sira ang kanyang palda. Makapal ang kanyang makeup kaya lubha siyang nakakatakot kesa sa witch habang naka-paa siyang naglalakad.

"Hahahaha---- yan ba talaga si Snow White?!"

"Siya na ang pinakapangit na Snow White sa balat ng lupa! Kaya pala sinabing mga hosts na may iibahin sila sa storya; napaka-creative naman nila!"

"Paano naging creative ito? Ayaw kasing iwan ni ugly freak ang role na ito kaya nag-adjust ang lahat at kahit ang kanilang script ay binago rin!"

...

Nagulat din ang mga leaders sa harapan nang makita nila si Snow White. Naliwanagan lamang ang mga ito nag maipaliwanag ng narrator, pinropotektahan ng nanay niya si Snow White kaya naman ganito ang itsura ni Snow White, nagsi-tango ang mga tao at naliwanagan, kaya pala ganyan ang itsura niya.

Habang hindi pasaydang nainkwentro ng prinsipe ang pangit na prinsesa, naramdaman ng prinsipe ang kabaitan ng prinsesa kaya napamahal siya sa kanya, kahit pa napaka-pangit ng itsura ng prinsesa.

Pinag-isipang mabuti ng mga performers kung paano matatapos ang storya na hindi pangit ang kakalabasan. Mukhang natutuwa ang nagagalak ang mga estudyante at mga guro, patuloy nilang pinupuri ang performance.

Nang dumating ang hunter sa entablado, nagsigawan ang mga manonood, "Patayin mo siya!", "Patayin mo siya, ansakit niya sa mata!" at "Hayaan mo nang masayang magsama ang prinsipe at reyna!"

Nagsigawan sa sobrang tuwa ang mga tao nang malason ng witch si Snow White.

Napakahusay ng pagkakaayos ng play ito, makikita naman sa reaksyon ng mga tao.

Sa wakas, nagpakita na ang pinakahihintay na prinsipe.

Parang namatay ang nanay ng mga babaeng manonood habang nakikita nila ang pinapangarap nilang lalaki na nakasuot ng napaka-garang costume ng prinsipe ay lumalapit papunta sa crystal na kabaong, binalot ng takot at kalungkutan ang mga mukha nila.

Anlaki ng sakripisyo ng hunk sa performance na ito!

Muntikan nang makatulog si Ye Wan Wan habang nakahiga siya sa crystal na kabaong. Nagising siya bigla ng may marinig siyang humahakbang palapit sa kanya at pinatigas niya ang kanyang katawan para walang aksidenteng mangyari.

Pupunitin siya ng mga babae sa eskwelahan pag nakita nila ang kanilang prinsipe na kahalikan si Ye Wan Wan.

Naramdaman niya ang papalapit na hininga ni Ye Wan Wan, paunti-unting lumalapit sa kanyang mga labi...

"Alam mo bang maraming babae ang gusto humalik sa akin?" Ilang sandali, binulong ito ni Si Xia sa tainga ni Ye Wan Wan, pagkatapos ay hinalikan na niya ang dalaga.

Kahit na ilang beses niyang inatake si Si Xia gamit ang kanyang ultimate move, naging maayos naman ang ugali ng bratinelong ito kahit pa medyo magulo pa rin ang isip niya.

Nakahinga na ng maayos si Ye Wan Wan at mabilis umarte siya na nagising dahil sa halik ng prinsipe, doon natapos ang acting nila.

Sa awa ng diyos, natapos na din ang performance.

At kahit sa huling scene, hindi pa rin pinapakita ni Snow White ang tunay niyang mukha.

"Akala ko ipapakita ni Snow White ang tunay niyang mukha para takutin ang mga nanonood!" natawa ang isa sa mga guro.

Ilang mga guro na nakakaalam sa nangyari ay sinubukang ayusin ang awkward na sitwasyon, "Hahahaha hindi ba magiging cliché ang storya? Tara dito na kayo, naka-book na tayo ng hotel!"

Nächstes Kapitel