Sa paraan na iyon, ang halaga at opinyon ni Ye Wan Wan ay pahahalagahan ng kumpanya at ang dalawa ay mapipigilan na ang walang tigil nilang pamamahiya kay Ye Wan Wan sa publiko, maliban pa kung makapal talaga ang mukha nila.
Pinagisipang maigi ito ni Xu Yi habang tinititigan niya ang kanyang master. Tunay nga na ang BOSS ay laging magiging BOSS. Makasarili talaga ang pamamaraan ng pag-aasikaso ni Miss Wan Wan ng mga bagay bagay sa mga ng mga tao, pero simula palang ay hindi na siya pinagdudahan ni master.
Biglang nag-ring ang phone. Tumatawag si Ye Wan Wan.
Sumagot si Si Ye Han, "Hello?"
"Dali, purihin mo ako, purihin mo ako! Gusto kong marinig ang libo-libong mong sasabihin sa akin! Hindi pwedeng may kulang, hindi pwede!" sumagot sa kabilang panig ng tawagan si Ye Wan Wan.
Biglang umubo si Xu YI nang marinig niya ang malinaw na boses ng babae sa phone.
Libo-libong sasabihin?
Parang hindi aabot ng isang libo ang mga sinasabi ni 9th master kahit na ipagsama-sama mo ito ng isang buwan.
Makikita ang malapit nang tumulo na mga luha sa mga mata ni Si Ye Han nang sinabi niya, "Nag-order ako ng almond cake sa Angelina, para sayo. Hinihintay nito ang pagbabalik mo."
Biglang umungol si Ye Wan Wan, "OW! Mahal na mahal kita! Ang galing mo, baby!"
Sa huli, si Ye Wan Wan ang pumuri kay Si Ye Han.
Sa totoo lang, ayaw ni Ye Wan Wan na kinakain ang mga almonds noon, bigla na niya lang itong nagustuhan at nabanggit niya lang ito minsan kay Si Ye Han. Hindi niya inakala na matatandaan ito ni Si Ye Han.
Pinakinggan ni Ye Wan Wan ang sinabi ni Si Ye Han at tinanong niya ito ng may pangangamba, "Uh, darling, pwede ba kitang tanungin?"
Si Ye Han: "Ano 'yon?"
"Nag-order ka na agad ng cake para magdiwang tayo ng maaga - naniniwala ka ba talaga na magagawa ko ito?" hindi na naiwasang magtanong ni Ye Wan Wan.
Tumingin si Si Ye Han sa labas ng bintana at hindi siya sumagot. Sa halip, tinanong niya si Ye Wan Wan, "Ano naman kung hindi mo ito magagawa?"
Kumurap-kurap si Ye Wan Wan at agad niya itong pinaintindi sa sarili niya, "Uh… ang ibig sabihin mo ba ay… kahit na hindi ako manalo, tutulungan mo pa rin ako na linisan ang gulo na ito, para gawin ko ang kahit anong kalokohan na gusto ko… tama ba?"
Si Ye Han: "Parang."
Ye Wanwan: "…"
Parang?! Sumangayon ka na lang!
Basang-basa ng iyak ang mukha ni Xu Yi habang pinapakinggan niya ang pinaguusapan ng dalawa...
Leche! Kaya pala hindi nag-aalala si BOSS!
Hindi ko inakala na darating ang pagkain ng aso at brutal nila itong pinunas sa buong mukha ko...
Umamo si Ye Wan Wan ang marinig niya na may pagkain at tuwang-tuwa siyang nang sinabi niya, "Maayos naman dito sa amin - masusunod ang skedyul ng aking pag-uwi. Hintayin mo akong makauwi at sabay tayong kakain~"
Uh, sa totoo lang, iba ang gusto niyang kainin na mas masarap pa sa cake...
…
Myanmar, H city:
Pinupuri ng lima si Ye Wan Wan.
Nameless Nie: "Famous Ye, swerte ang kamay mo, huh!"
Deboto: "Hindi ko na pwedeng tawagin ang sarili ko na fortune teller!"
Spray of Flowers: "Boss, ikaw ang tunay na buhay na deity."
Dayuhan na taga-buhat ng bricks: "Boss, matalino ka, malupit, walang makakatalo at walang kapantay; hindi maikukumpara sa henerasyon na ito ang kadakilaan mo at ikaw ang tunay na nagtagumpay…"
Tinaas ng taong yelo ang isang karatula na may nakasulat na numero: Anim.
Hindi makapagsalita si Ye Wan Wan - napilitan ang dayuhan na matuto ng maraming Chinese idioms at kahit ang taong kabaong na may sakit na katamaran, ay sinulat pa ang numero na anim.
Tumawa si Ye Wan Wan at nilabas niya ang limang ampaw na hinanda niya para sa kanila. "Naging maayos ang mga pangyayari ngayong araw at nakakuha pa ako ng mataas na kalidad ng jade. Ito ang mga ampaw na para sa inyo!"
Kahit na O.A. ang limang hari ng drama, masasabi rin naman na may dedikasyon sila sa trabaho nila.