Kahit na walang gaanong alam si Ye Wan Wan tungkol sa pag invest sa mahalang bato, mayroong sugalang kasama. Hanggang nakaugnay ang sugalan dito, mayroon kailangang swerte ang kasama.
Habang sila ay nagsusugal sa mahalagang bato, hindi na mahalaga kung magaling ekspiryensado na - sino man ay maaring makatiyak sa paggawa ng kita. Kung hindi man, ang investment sa mahalagang bato ay nawala ng isang daang taon na ang nakalipas at maraming mayayaman na tao sa iba't ibang panig ng mundo, diba?
Alaala sa mula sa nakaraan ni Ye Wan Wan ang dumaan sa kanyang isipan. Dahan-dahan niyang binkusan ang kanyang mata at pinanuod ang mga ulap habang lumulutang. Saka siya nag labas ng isang libro tungkol sa investment sa mahalagang bato mula sa kanyang bag, sa masunuring nakikinig sa mga pangaral ni Si Ye Han upang mabuo ang kanyang pundasyon sa pagsususgal sa mahalagang bato.
Pero ang tanging kaya niya ay magbasa tatlo hanggang apat na pahina bago...
Isang kamay ang biglang nagpakita sa ibabaw ng kanyang libro at hila ito paalis sa kanyang pagkakahawak!
Nagulat si Ye Wan Wan at naunang iniangat ang kanyang ulo.
Saka niya nakita...
Ang nag iisang kumuha ng kanyang libro ay 12-taong-gulang na lalaki.
Hindi mukang guilty ang batang lalaki; kinuha niya ang libro at mayabang na bumalik sa kanyang upuan.
Tumingin si Ye Wan Wan sa batang lalaki habang sinabi, "Munting kaibigan, maaari mo bang ibalik ang libro sa akin?"
"Bakit ko naman gagawin yon?! Tumalikod ang batang lalaki at matamlay na pinandilatan si Ye Wan Wan.
Hindi nakapagsalita si Ye Wan Wan sa pandidilat sa kanya ng batang lalaki.
Nakabasa na siya ng maraming tsismis tungkol sa mga munting brat sa Weibo at hindi ninaakala na makakatagpo siya ng isang "nabubuhay" ngayon araw!
Napag-usapan na niya ang pagkakaroon ng anak kay Si Ye Han, kaya walang sino man ang makakasisi sa kanya para sa hindi pagiging mahilig sa mga nilalang na iyon.
Walang hiya niyang kinuha ang ang libro ng isang hindi kilalang tao, hindi man lamang siya humingi ng tawad at kahit na gawin niya ang tama….
Sa karagdagan, ang medyo matandang couple na nakaupo sa gilid ay hindi pinapansin ang pag-uugali ng batang lalaki. Wala silang ginawa na kahit ano para patigilin sita at hindi nag-alalang magpaliwanag o humingi ng tawad kay Ye Wan Wan.
"Kayo ba ang kanyang guardians?" nakasimangot si Ye Wan Wan at tumingin sa dalawang mag asawa.
"Ano iyon?"
Ang babae na may bahagyang mabilog na itsura, singkit na mata, at light na kilay ang tumingin kay Ye Wan Wan, naiinis.
"Kinuha ng anak ninyo ang libro ko," ang sabi ni Ye Wan Wan.
Nangmarinig iyon, galit na ngumuso ang babae, tumingin sa libro na kinuha ng kanyang brat at hindi sang-ayon na sinabi, "Isang libro lang yan at matanda kana - bakit kapa nakikipag talo sa isang bata? Hindi mo ba siya hahayang tignan? Gayunpaman, naiintindihan mo ba ang salita sa librong iyan?"
Hindi nakapagsalit si Ye Wan Wan sa sinabi ng babae.
Totoo nga...
Ang dragon ay nanganganak ng dragon, ang phoenix ay nanganganak ng phoenix, at ang anak ng isang daga ay kayang humukay ng isang butas.
Parang katulad sa begets - isang pares ng brat na magulang malinaw na nagpalaki ng isang brat.
Bago pa magsalita si Ye Wan Wan, kaagad na umalis si Eleven sa kanyang upuan. Nagdilim ang kanyang mukha at mabilis na kinuha ang libro mula sa kamay ng batang lalaki.
"Anong karapatan mong kunin ang libro ko?!" nakita ng munting brat na kinuha ang libro mula sa kanya at sumabog sa galit. Inangat niya ang kanyang paa at sisipain sana ang binti ni Eleven.
Bahagyang lumayo si Eleven at hindi man lang nahawakan ng maliit na brat ang kanyang pantalon. Lalong nagdilim ang mukha ni Eleven. Nanliit ang kanyang mata at malamig na tumingin sa maliit na brat.
"Sinong nagdala sa bastos na ito?!"