Sa maliit na sapa sa eskwelahan:
Nang ilang beses ng hindi sinasagot ni Chu Feng ang tawag, nagpasya si Ye Wan Wan na pumunta na lang siya sa sapa.
Nang papalapit na siya, nakarinig siya ng pagtatalo sa paligid.
"Yan Ran, natuto na ko sa mga pagkakamali ko. Pangako, aayusin ko na ang pagtrato sa 'yo at pwede na tayong magpakasal pagka-graduate natin!"
"Umalis ka na! Sinabi ko na sa 'yo, 'wag ka ng magpapakita sa 'kin! Kadiri!"
"Yan Ran, sumumpa ka sa puso mo at sabihin mo na hindi mo kasama itong bastardong 'to para pukawin ako? Sasabihin mo sa 'kin na hindi mo ako gusto kahit konti lang?"
"I..."
"Yan Ran, 'wag mo nga lokohin ang sarili mo! Bakit kasama mo ang taong hindi mo naman gusto para lang maghiganti? Hindi mo nga siya gusto; ako lang yung taong gusto mo!"
...
Ginugulo pa din si Song Zi Hang si Jiang Yan Ran habang lasing ito at pagod, nakakuyom naman ang mga kamao ni Chu Feng sa tabi ni Jiang Yan Ran at tinitignan ng masama si Song Zi Hang. Hindi mapabulaanan ni Chu Feng ang mga sinasabi dahil wala siya sa posisyon para magsalita.
Nang makita na hindi kumibo si Chu Feng masayang idinagdag pa ni Song Zi Hang, "Kilala ko na si Yan Ran simula nung ipinanganak pa lang kami; labingwalong taon niya na ako gusto! Sino ka ba sa tingin mo?! Tingin mo mahuhulog si Yan Ran sa tulad mong gigolo? 'Wag ka ngang mangarap!"
Pinanood ni Ye Wan Wan ang tatlo sa malayo at napabuntong-hininga.
Masyadong malambot pa din ang puso ni Jiang Yan Ran at sensitibo, hindi tulad ni Song Zi Hang na walang hiyang ipinipilit kay Jiang Yan Ran na may nararamdaman pa ito sa kanya.
At sa pag-uugali ni Jiang Yan Ran, kahit na may nararamdaman siya kay Chu Feng, hindi niya iyon sasabihin ng malakas.
Pinasadahan ni Ye Wan Wan ang paligid at pumulot ng maliit na bato. Kinuha niya iyon at inihagis sa binti ni Chu Feng.
"Ah-----" galit na galit na nakatayo lang si Chu Feng. Nang bigla siyang may naramdaman na sakit sa kanyang binti, nataranta ito na para bang nasa isang nakakaawang kalagayan ito.
"Chu Feng!" nagising si Jiang Yan Ran nang mapansin ang nangyari. Agad niyang pinuntahan si Chu Feng at nagtanong, "Ayos ka lang?"
"Yan Ran, ayos lang ako…"
"Song Zi Hang! Sumosobra ka na!" galit na galit na sabi ni Jiang Yan Ran.
Kumunot ang mga kilay ni Song Zi Hang, "Anong ginawa ko? Wala akong ginawa! Nagkukunware lang 'yang lalaking 'yan!"
"Itinatanggi mo pa!"
Madilim ang paligid at silang tatlo lang nandoon. Tsaka, mahilig din mang-api ng ibang tao si Song Zi Hang kasi alam niyang mas talentado siya kaysa sa iba. Sino pa ba ang gagawa non kundi siya lang?
"Sinong may sabing kasama ko itong lalaking 'to para pukawin ka? Sinong may sabing gusto kita? Sinong may sabing hindi ko siya gusto?"
Bigla na lang hinila ni Jiang Yan Ran ang leeg ni Chu Feng papalapit sa kanya at tinignan ang kanyang mga labi, at hinalikan ito---
"Nakita. Mo. Na. Ba. Ng. maayos?"
Nang makita na hinalikan ni Yan Ran si Chu Feng sa harap ni Song Zi Hang, nabalot ng pagseselos ang mukha niya, "Jiang Yan Ran! Ikaw!!!"
Si Chu Feng naman, ay parang isang steam train, na handa ng umalis mula sa bayan papunta sa buong mundo.
"...!!!"
Ang. Sakit. Ng. Binti. Ko! Anong immortal-jie jie ang bumato sa 'kin?! Batuhin niyo pa ko ng isang daang beses pa, please!
Humikab si Ye Wan Wan at tumigil na sa panonood. Tahimik na siyang bumalik sa kanyang dorm.
Alam niya na hindi papatawarin ni Jiang Yan Ran si Song Zi Hang. Pero, nang ipinakita na Song Zi Hang na si Jiang Yan Ran lang ang makakapagligtas sa kanya, hindi niya ito papakawalan basta-basta. Sa mabait na ugali ni Jiang Yan Ran, kapag hindi siya naging malupit kay Song Zi Hang, mas lalo lang siyang guguluhin nito. Buti na lang nandoon ako para matapos na ang lahat ng 'to.
Ngayon na maayos na ang isyu sa panig ni Jiang Yan Ran. May isang isyu na tapos na at maayos ang lahat.