webnovel

Maitim na kulay pula na marka

Redakteur: LiberReverieGroup

Hayaan ko na nga lang, wala punto kung hahayaan kong gumana ang imahinasyon ko. Malalaman ko ang mga detalye kinabukasan...

Kinaumagahan.

Nagising si Ye Wan Wan at Si Ye Han at inubos nila ang kanilang umagahan pagkatapos ay nagmadali sila papunta sa kani-kanilang trabaho.

Pwede nang pumasok sa opisina si Si Ye Han dahil pumipirmi na ang kanyang kalusugan. Kahit nag-aalala si Ye Wan Wan kay Si Ye Han, magkakaroon ng malaking kaguluhan sa Si family kapag paminsan-minsan ay hindi ipapakita ni Si Ye Han ang mukha niya sa opisina. Okay lang ito basta't hindi siya makakaramdam ng stress.

May mga natutunan din si Ye Wan Wan kay Si Ye Han sa pagkakataon na iyon. Hindi niya lang ginagawa ang mga natutunan niya at hindi rin siya nakikisama sa mga tungkulin ng kumpanya...

"Ito, maganda ito!" Pinili ni Ye Wan Wan ang madilim na kulay pula na tie para kay Si Ye Han. Hinigpitan niya ang pagkakatali nito nang bigla siyang may naisip at tuluyan siyang napatingin sa pintuan ng apartment.

"Uh… saglit lang…" may sumanggi sa isip ni Ye Wan Wan. Bigla niyang binuka ang kanyang mga kuko at tinanggal ang tie ni Si Ye Han sabay binuksan ang kwelyo ng lalaki hanggang sa makita ang kanyang dibdib.

Tumingin si baba si Si Ye Han at nagtaka siya sa ginawa ni Ye Wan Wan.

Inutusan siya ni Ye Wan Wan. "Baba ka ng kaunti."

Sumunod pa rin si Si Ye Han at bumaba siya ng kaunti kahit hindi niya alam kung anong gustong gawin ni Ye Wan Wan.

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang neckline ni Si Ye Han. Hinawakan niya ang balikat ng lalaki at nilagay niya ang kanyang labi sa collarbone ni Si Ye Han...

Bago magkaroon ng reaksyon si Si Ye Han, naramdaman niya na may masakit na bahagi sa kanyang collarbone. Maliban sa sakit na nararamdaman niya, nakaramdam rin siya ng pagmamanhid.

Mapanganib na lumiit ang mga mata ni Si Ye Han sabay bigla siyang napatingin sa babaeng sinisipsip ang kanyang collarbone...

Nag-iwan ng kulay pink na marka ang lovebite ng babae.

Tiningnan muli ni Ye Wan Wan at pintuan at mapanlinlang siyang ngumiti. Kuntento niyang tinitigan ang kanyang ginawa sa collarbone ni Si Ye Han. "Ayan! Perfect! Pwede na tayong umalis ngayon!"

Naglakad si Ye Wan Wan sa may pintuan.

*Swish* Hinila niya pa-bukas ang pintuan at sa isang saglit ay may malakas na *bang* ang narinig. Gumulong ang fluorescent papasok sa apartment...

Tumayo si Gong Xu at pinagpag niya ang alikabok sa kanyang katawan. Nagkunwari siyang kalmado at binati niya si Ye Wan Wan, "Ha… he… hehe… Ye-ge… magandang u-umaga!"

Humalukipkip si Ye Wan Wan. Pinakita niya na hindi siya nagulat at tiningnan niya ang lalaki na sinusubukan siyang tingnan sa kanyang pintuan nang napaka-aga at sumagot siya ng walang pakiramdam, "Morning~"

Kinamot ni Gong Xu ang ulo niya at pautal-utal siyang nagsalita, "Uh, heh… hindi ka ba pupunta sa filming site para bisitahin si Luo Chen…? Naisip ko lang na hintayin ka dito para saby tayong pumunta doon… aabutin ko pa lang sana ang pintuan mo pero binuksan mo na ito! Coincidence talaga ang nangyari…"

Kumibo ang gilid ng mga labi ni Ye Wan Wan nang marinig niya iyon.

Coincidence? Neknek mo, buong gabi sigurong naka-squat dito ang mokong na ito.

Gagawin niya iyon dahil nakakakilabot ang pagiging maosyoso ni Gong Xu at desedido siyang malaman ang mga pangyayari.

Nagsalita si Gong Xu habang tinitingnan niya mula ulo hanggang paa ang dalawa...

Hindi sila bagay sa isa't isa kahit lalaki silang dalawa, ang isa ay tamad ang kuntento sa buhay habang ang isa naman ay matigas at tahimik...

Ngunit matagal niya itong pinagisipan at hindi siya makapaniwala na ang kuya ng future wife niya ay mahilig sa lalaki!

Hanggang sa mapunta ang mga mata niya sa neckline ng lalaki...

May isang malaking maitim na kulay pulang marka ang nakita sa neckline ni Si Ye Han kaya pinakita nito ang nangyari kagabi...

Gong Xu: "…"

Nächstes Kapitel