Isang papel na naglalaman ng diborsyo ang nagsadlak kay Xinghe sa sobrang kahirapan. Ngunit dahil sa isang aksidente, nagbago ang lahat at siya ay naging isang professional hacker na kumikita ng madaming pera na hindi niya kayang gastahin at ubusin sa tanang buhay niya. Ang lahat ng nanlibak, humamak at nanliit sa kanya, pumila kayong lahat at ibabalik ko ang lahat ng ginawa ninyo sa akin hanggang maubos ang inyong kahihiyan. Sasampalin ko kayo isa-isa! Teka, teka, teka. Ikaw na lalaki, ang dati kong asawa na wala na akong relasyon pa, pumila ka ng maayos. Ano, gusto mo akong tulungan sa paghihiganti ko sa pagsampal sa mga taong ito? “Hindi lamang iyon, sasampalin ko na din ang sarili ko!” At sinampal na nga ng bilyonaryong guwapong lalaki ang sarili ng walang alinlangan!
"Pasensya na, ngunit hindi kami tumatanggap ng kababaihan na higit sa 30 taong-gulang dito," sabi ng restaurant manager kay Xia Xinghe habang itinataboy siya nito.
Habang walang siglang lumakad papalayo si Xinghe, narinig niya ang manager na bumulong sa kanyang sarili, "Sinong gugustohing tumangkilik sa negosyo ko kung mayroon akong isang matanda at pangit na waitress?"
Sumimangot ng kaunti si Xinghe. Pinagiisipan niya na tumalikod at bumalik upang sabihin sa manager na siya ay 25 taong-gulang pa lang!
Gayunpaman, pinigilan niya ang kanyang sarili ng makita niya ang kanyang repleksyon sa salamin sa kanyang tabi.
Matagal ng naglaho sa kanyang mukha ang kabataan pati na ang kinang na dati'y nagsilbing palamuti sa kanyang mga mata.
Buto't balat, tuyong buhok, may kulubot sa mukha at ang makalumang damit ay nagdagdag ng higit sa sampung taon sa kanyang hitsura.
Napagtanto niyang siya ay naging isang matandang babae sa loob ng mga nakalipas na ilang taon...
Kahit na siya ay 25 taong-gulang pa lang!
Napangiti na lamang si Xinghe ng mapuno ang kanyang isip ng paghihirap nitong mga ilang nakaraang taon. Habang hinahatak niya ang kanyang pagod na katawan palayo sa lugar na iyon, napansin niya ang isang sasakyan tumigil sa kanyang likod.
Ang pagdating ng mamahaling Maybach ay agarang napansin ng restaurang manager.
"Welcome CEO Xi! Welcome!" pasipsip na sabi ng manager. Biglaan tumigil si Xinghe sa kanyang paglalakad.
"Mubai, masasamahan mo ba ako na mamili ng damit pagkatapos nito? Ngayon ang unang dating para sa Chanel counter." nahihiyang sabi ni Chu Tianxin habang bumababa sila mula sa sasakyan. Ang kanyang mga kamay ay maayos na nakabalot sa braso ni Xi Mubai
Tiningnan siya ng saglit ni Mubai at sumagot ng maikli ng, "En!"
Ang isang pantig na iyon ang nagpatigil kay Xinghe!
Bago niya pa mapigilan ang kanyang sarili. Dahan-dahan siyang lumingon.
At ang kanyang mga mata ay napunta sa napakagwapong mukha ni Mubai!
Sa lahat ng tao, bakit siya pa...
Hindi nagawang mahulaan ni Xinghe na sa ganitong paraan sila muling magkikita pagkatapos ng kanilang diborsyo tatlong taon na ang nakakaraan.
Sobrang haggard niya, at sobrang minamalas.
Matiwasay pa din siya tulad ng dati, di hamak na mas mataas ang antas kaysa sa ordinaryong tao.
Si Tianxin na nasa kanyang tabi ay elegante at marangal pa din katulad ng 3 taon na ang nakakaraan.
Nagkatuluyan din pala silang dalawa sa huli.
Dahil nga naman wala na siya sa larawan, anong pa ang nakakagulat dito?
"Xia Xinghe?" Sabi ni Mubai ng makita siya nito. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagkagulat.
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Tianxin at sinabi, "Oh my God, ikaw ba talaga yan? Xia Xinghe? Ano ang nangyari sayo?"
Agad na nawala sa kayang kalungkutan si Xinghe. Agad siyang lumingon palayo at pabulong na sinabi, "Mali ang taong hinahanap niyo!"
Agad-agad, nagpasya siyang tumakas.
Hinding-hindi siya makikipagharap sa kanilang dalawa ngayong araw. Walang babae ang handang harapin ang kanyang dating asawa na mayaman pati ang kanyang napakarilag na karibal sa kaawa-awa niyang kalagayan.
Lalo na't nagsasama na silang dalawa ngayon!
Ang paghahalintulad ng nagwagi at ang talunan ay sadyang kitang-kita.
Nahabol ni Mubai ang tumatakas na si Xinghe, at sumigaw, "Xia Xinghe! Tumigil ka dyan!"
Sa sandaling nahawakan ng kanyang kamay ang braso niya, sumigaw si Xinghe na para bang tinutusok ng mga karayom, "Pakawalan mo ako! Hindi ako si Xia Xinghe, hindi talaga ako yun!"
Siya ay ganap na nakatuon sa kung paano siya makakawala kay Mubai, kaya hindi niya napansin na mayroong rumaragasang sasakyan. Sa wakas, nakawala din siya at agad tumawid sa kabilang kalsada.
"Xinghe, mag ingat ka!" Sigaw ni Mubai, ngunit masyadong huli na. Sumalpok na ang kotse kay Xinghe.
Una ang ulong bumagsak si Xinghe at agad na nawalan ng malay.
Sumailalim siya sa isang napakahabang panaginip...