Sa bandang huli, si Ruobing ay ang inampong apo ni Old Madam Xi.
Marami na silang alaala ng magkasama. Ang emosyonal na ugnayan nila ay malalim. Kung payag si Old Madam Xi na patawarin ito, makakaligtas ng hindi nasaktan si Ruobing.
Kaya naman, inihanda ni Xinghe ang entablado para sa pagbagsak ni Ruobing…
Inilahad niya ang mga pagpipilian kay Ruobing, ang tanggapin ang pagkakamali niya o walang hiya nitong magpatuloy na alam nito ang ginawang pagkakamali.
Halata namang pinili ni Ruobing ang huli…
Ang mga pagkakamaling nagawa ng aksidente ay mapapatawad, pero ang isang taong nagpatuloy kahit na alam nito ang ginawang pagkakamali? Ang mga klase ng taong ito ay hindi karapat-dapat patawarin.
Sigurado si Xinghe na ang depektibong produkto ay makakasakit kay Old Madam Xi at umaasa siya na ang maliit na pinsalang ito ang magdadagdag ng kabiguan at galit tungo sa inampong apo nito.
Sa kahit saan tingnan, kahit na mapapatawad ng puso ni Old Madam Xi si Ruobing, ang dati nitong asawa ay hindi ito magagawa…
Gayundin ang buong Xi Family.
Matapos mawala ang suporta ng mga Xi, mahihirapan ng bumangon pa si Ruobing mula sa kanyang pagkakatalo.
Ito ang plano ni Xinghe, ang sirain ang kalaban ng minsanan para hindi na sila makabalik pang muli!
Syempre, ang plano niya ay mas malalim pa doon.
Gamit si Ruobing bilang halimbawa, ipakikita nito na mas may kakayahan siya sa harap ng lahat.
Mas mapapadali sa mga ito na pumayag na ibigay sa kanya si Lin Lin.
Kahit na may kontrata sila pero isa lamang itong usapang berbal, kaya walang kasiguraduhan.
Maaaring gumawa ng ilang paraan sa kanyang likuran ang Xi Family para pigilan siya na maabot ang kanyang anak.
Gayunpaman, kung nagsimula na ang mga itong tanggapin siya, mas mapapadali na sa kanya na umalis kasama si Lin Lin…
Ang maingat na plano ni Xinghe ay hindi alam ng iba maliban sa isa… ang kanyang dating asawa.
Hindi sinasadyang napasulyap si Xinghe dito.
Para maging patas, nagpapasalamat si Xinghe sa kabutihan at pang-unawa nito. Ang katotohanan na hindi nito ibinunyag o pinigilan ang plano niya ang pinakamalaking tulong na maibibigay nito sa kanya.
Umiisip siya ng mga paraan para mabayaran ito pero lalo lamang siyang nakukunsensiya sa pagkuha ng anak nito mula sa kanya…
…
Ang operasyon ay tumagal ng dalawang oras.
Nang mailabas na sa pintuan si Old Madam Xi, lahat ay pumalibot sa kanya.
Masayang ibinalita ni Lu Qi na, "Ang operasyon ay isang malaking tagumpay. Nasa perpektong pisikal na kondisyon si Old Madam Xi, kailangan na lamang niya ng kaunting pahinga. Ang operasyon ay isang malaking tagumpay!"
"Mabuting balita ito!" Si Elder Xi ang unang nagbunyi.
Kumalat ang kaligayahan sa madla tulad ng alon.
Natural na si Ruobing ang pinakamasaya sa lahat, mas masaya pa kaysa sa nanalo sa lotto.
Agad siyang lumingon para tingnan si Xinghe, ang yabang at panghahamak sa kanyang mga mata ay kitang-kita doon.
Hindi na siya natatakot kay Xinghe.
Dahil sa ang pagtatapos ng operasyon ay tagumpay, wala na siyang dapat pang ipag-alala pa!
Kahit na maipakita pa ni Xia Xinghe ang ebidensiya ngayon, huli na ang lahat. Wala ng makakapigil pa sa akin na maabot ang mga pangarap ko!
Halos hindi na mapigilan ni Ruobing ang sarili niya. Gayunpaman, imbes na sumunod na ipadala si Old Madam Xi sa resting bay tulad ng iba pa, buong tiwalang lumakad ito patungo kay Xinghe.
Tumigil ito sa harap niya at taas noong sinabi, "Xia Xinghe, nakalabas na ang resulta, ang panalo ay sa akin at natalo ka na! Nasaan na ang tiwala mo sa sarili, ang kakayahang sinasabi mo? Tingnan mo ang sarili mo, isa ka lamang talunan, isang walang kwentang talunan! Naririnig mo ba ako? Natalo ka na… sa akin, ang taong pinagplanuhan mo ng masama! Mabuti nga sa iyo, b*tch!"
Seryosong tumayo si Xinghe at sumagot gamit ang isang katanungan, "Seryoso mo bang iniisip na nanalo ka na?"
"Siyempre, ang resulta ay kasing-linaw pa ng sikat ng araw! Kung hindi ako ang nanalo, sino sa tingin mo ang nanalo? Ikaw? Huwag mo akong patawanin! Ang panalo ay ako! Ako-"
Sa pagkakataong iyon, isang nakakatindig-balahibong sigaw ang umalingawngaw sa ospital.