webnovel

Kailangan Ko ang Iyong Kooperasyon

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Ang plano niya ay ampunin si Shen Ru, at ito ang paraan niya para mabalanse ang bawat dulo. Hindi niya isinatinig ang kanyang plano, pero agad itong naunawaan ni Xinghe. Ito ang pinakamabuting paraan na magagawa niya kung ikukunsidera ang sitwasyon. Hindi kinakaya ng kanyang puso na itatwa ang paghihirap ng bawat isa sa kanyang mga anak.

Tumango si XInghe at sinabi, "Grandfather, ang totoo ay nagtataka ako tungkol sa katauhan ng isa pang babae."

"Ang ibig mong sabihin ay si Chui Ying?" Napakunut-noo sa sorpresa si Elder Shen. Dahil hindi naman siya binigyan ni Xinghe ng impresyon na isa itong pakialamera. Ang totoo, naniniwala siya na kabaliktaran siya ng isang gayon.

Gayunpaman, matapat pa ding sumagot si Elder Shen, "Mula siya sa Chui family ng Country R. Sampung taon na ang nakakaraan, nagpunta ako sa Country R para sa ilang negosyo at ang iyong stepmother ay sumama sa akin. Gayunpaman, sa kamalasan ay dinukot siya at ikinulong sa isang freezer ng sinubukan ng mga dumukot sa kanya na makaisa sa akin. Halos mamatay siya doon. Ang lolo ni Chui Ying ang gumamit ng kanyang impluwensiya para iligtas siya, kung hindi dahil sa kanila, ang parehong mga anak ko ay nawala na. Sa kasamaang palad, ang insidenteng iyon ay nagdulot ng hindi na magagamot na pinsala sa katawan ni Shen Yu, na naging sanhi ng hindi niya pagkakaroon ng anak."

Napataas ang kilay ni Xinghe ng may interes. Kaya naman pala may diin ang mga salita ni Chui Ying sa Shen family.

"Si Miss Chui ay mula din sa Country R?" Naintriga siya sa detalyeng ito.

Tumango si Elder Shen at maingat na sinabi, "Oo, ang Chui family ay isa sa makapangyarihan at malaking pamilya sa Country R."

Naintindihan agad ni Xinghe ang ibig nitong ipahiwatig. Ang presidente ng Country R ay nataon din na may apelyidong Chui…

Mukhang hindi dumating ang Chui Ying na ito sa Hwa Xia ng walang dahilan. Gayunpaman, marahil ay ito na ang opening na hinahanap ni Xinghe, dahil kumislap ng may katalinuhan ang kanyang mga mata at bigla ay sinabi niya kay Elder Shen, "Grandfather, kailangan ko ang kooperasyon mo tungkol sa ilang bagay."

Natigilan si Elder Shen. "Kooperasyon? Sa anong bagay?"

Tumingin si Xinghe sa kanya at mariing nangako, "Matutulungan kitang hanapin ang anak mo, pero kakailanganin ko ang buo mong kooperasyon. Sa ngayon, kailangan kong makipagtulungan ka sa akin, pero hindi ko masasabi sa iyo ang detalye ng plano, kaya naman kailangan ko ang lubos mong tiwala at ang kooperasyon mo."

"Mahahanap mo talaga ang anak ko?" May alinlangang tanong si Elder Shen.

"Oo." Ang sagot ni Xinghe ay maikli ngunit may buong tiwala sa likod nito. Pinili ni Elder Shen na maniwala sa kanya, na tila ba wala na itong pagpipilian.

"Okay!" Mariing tumango ito at nagtanong, "Ano'ng klase ba ng kooperasyon ang kailangan mo mula sa akin?"

"Putulin ang lahat ng ugnayan kina Shen Ru at Tong Yan," mula sa kawalan ay anunsiyo nin Xinghe. Parehong nanlaki ang mga mata nina Elder Shen at Ali sa pagkagulat. Ano ang sinasabi ni Xinghe?!

Gusto niyang putulin ni Elder Shen sina Shen Ru at Tong Yan mula sa buhay nito? Pero bakit at ano ang kaugnayan nito sa paghahanap?

Nagtataka din si Elder Shen tungkol dito. Nagtanong ito, "Ito ba ang kooperasyon na kailangan mo mula sa akin? Pero paano ito nagkaroon ng kaugnayan sa paghahanap sa aking anak?"

"Ang relasyon ay mas malalim kaysa sa iniisip mo pero hindi ko maaaring sabihin sa ngayon. Huwag kang mag-alala, malapit ko nang sabihin sa iyo ang lahat. Sa ngayon, kailangan ko ang lubos mong kooperasyon, pero huwag kang mag-alala, dahil panandalian lamang ito, maaari mo silang tanggapin pabalik sa pamilya kung kailan mo gusto sa hinaharap," mahinang sagot ni Xinghe, ang mga kaisipan niya ay lubusang hindi mabasa.

Gayunpaman, tila ba wala itong kinalaman sa intensiyon na alisin ang pagmamahal ni Elder Shen palayo kay Tong Yan. Kung talagang may kinalaman ito sa paghahanap, paano at bakit...

ตอนถัดไป