Hindi niya masikmura ang hitsura nito at inakala niya na ganoon din ang pakiramdam ng kanyang anak.
Kaya bakit nito gustong imbitahan si Xinghe?
Hinawakan ni Tianxin ang braso ng ina, at nakangiting nagsalita, "Mom, hindi po ba ninyo naiintindihan? Pangit na at matanda na ang hitsura ni Xia Xinghe, hindi nalalayo sa isang pulubi. Mahihiya siya na tanggapin ang imbitasyon pero kung talagang makapal ang kanyang mukha, mas mainam. Magkakaroon tayo ng libreng payaso doon para aliwin ang lahat ng bisita."
Ang mga panauhin sa party ni Xi Lin ay ang mga mayayaman at sikat na mga tao ng City T.
Ang istilo para sa gabing iyon ay siguradong pulos sopistikada at elegante.
At si Xinghe ay siguradong kahiya-hiya ang hitsura sa pagtitipong iyon.
Mas masahol siguro ang porma nito kaysa sa ayos ng mga waitress ng gabing iyon.
Kaya sigurado na magiging katawa-tawa ito ng piging, hindi lamang niya ipahihiya ang sarili kundi pati na rin ang bastardong anak niya.
Nangako si Tianxin na siya ang papansinin ng madla kung magkakaroon ng lakas ng loob si Xinghe na dumalo sa piging. Sisiguraduhin niyang gugustuhin ng babaeng ito na mamatay sa sobrang kahihiyan.
Lalong lumaki ang pagkakangiti ni Tianxin sa naiisip.
Ipinahiya siya ng pesteng babaeng ito noong nakaraan, sisiguraduhin kong ibabalik ko sa kanya ang kabutihan niyang iyon!
Pagkatapos marinig ang motibo ng kanyang anak, tinapik ni Ginang Chu ang palad ni Tianxin na nakalapat sa kanyang braso ng may pagmamahal. Ngumiti siya at sumagot, "Magandang ideya, matalino talaga ang anak ko. Tama ka, ito na ang pagkakataon natin na turuan siya ng leksyon para makita niya kung saan siya nababagay! Ipakita natin sa kanya ang katotohanan na hindi siya kailanman magiging kakumpetensiya ng anak ko."
"Tatawagan ko na si Mubai ngayon," dahil nahikayat ng ina, agad na kinuha ni Tianxin ang telepono at tinawagan si Mubai.
Nasorpresa si Mubai ng sabihin sa kanya ni Tianxin sa telepono na padalhan si Xinghe ng imbitasyon.
"Mubai, hindi nakikita ni Lin Lin ang nanay niya ng maraming taon, tama lamang na gawin natin ang parte natin na imbitahan siya. Dati ay hindi natin alam kung saan siya nakatira pero ngayon na alam na natin kung saan siya mahahanp, dapat ay padalhan na natin siya ng imbitasyon. Sigurado akong gusto din siyang makita ni Lin Lin. Imbitahan na natin siya sa oras na ito at baka sa oras na makasal tayo ay magkaroon na siya ng agam-agam na dalawin si Lin Lin."
Ang tusong utak ni Tianxin ay hindi naroon para lamang sa wala. Alam niyang mahal na mahal ni Mubai ang anak niya kaya ginamit niya si Xi Lin para magkunwari na padalhan ng imbitasyon si Xinghe.
Naniniwala siya na para sa kapakanan ni Xi Lin, papayag si Mubai.
Hindi niya alam na matagal ng inimbitahan ni Mubai si Xinghe.
Pero siyempre, hindi ito sinabi ni Mubai sa kaniya, ang tanging sinabi nito sa mababang boses ay, "Iimbitahan ko siya. Mayroon pa bang iba?"
"Iyon lamang. Mubai, sisiguraduhin kong maaga ako para sa party."
"Okay."
"Kung ganoon, ibababa ko na ito ngayon…" gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Tianxin matapos niyang magpaalam kay Mubai. Xia Xinghe, ito na ang kamatayan mo ngayon!
Sa kabilang linya ng telepono, napagtanto ni Mubai na si Lin Lin ay nakatitig na nag-uusisa sa kanya matapos niyang ibaba ang telepono.
Naulinigan ni Lin Lin ang usapan ng ama at nagtataka siya kung sino ba itong babaeng ito na balak imbitahin ni Mubai.
May kakaiba siyang pakiramdam na ang babaeng ito ay espesyal na tao.
Yumuko si Mubai para kausapin siyia, "Bukas na ang iyong kaarawan, anong regalo ang gusto mo?"
"Wala akong gusto," matapat na sagot ni Lin Lin.
Ipinanganak na may pilak na kutsara sa bibig ang batang ito. Hindi na niya kailangan ang kahit ano o may espesipikong bagay man siyang gusto.
At ang klase ng birthday party na ito ay palaging nakakabagot na pagtitipon para sa kanya. Nakikipagsosyalan ang mga matatanda at palagi siyang nakakalimutan sa isang tabi. Kung posible lang nga ay hindi na niya gugustuhin pang dumalo sa party.
Ngumisi ng may halong kalokohan si Mubai. "Sigurado ka bang wala kang gusto? Ito ang tanging oras na tutuparin ko ang kahit anong kahilingan mo kaya huwag mo nang palampasin pa ang oportunidad na ito."
Napakunot-noo si Lin Lin, halatang nagkaroon ng hesitasyon.
Mayroon ngang isang kahilingan si Lin Lin sa kanyang isip pero hindi niya inaakalang matutupad ito sa realidad.
Dahil hindi sila papaya na matupad ito…
Hini niya gustong matanggihan sa kanyang kahilingan, kaya ipinilig niya ang ulo at lumakad na palabas ng silid.
Pinanood ni Mubai ang malungkot na anino ng anak at pinigil ang sarili na sabihin dito ang imbitasyon niya kay Xinghe.