webnovel

Oras para Lumaban

บรรณาธิการ: LiberReverieGroup

Sa lahat ng pagkakataong ito, ang Lin family ay tinatrato siya ng mabuti pero ito pala ay dahil sa may silbi pa ito sa kanila!

Agad na inisip ng dalawang nakakatanda ang maraming bagay na nangyari sa nakaraan. Si Tong Yan ay nagkagusto kay Lin Xuan nang matagal na.

Sa mga panahong iyon, ang mga ikalawang henerasyon ng mga young master na nangahas na kalabanin si Lin Xuan ay naturuan ng seryosong leksiyon ni Tong Yan. Dati ay inisip nila na ang pagiging tapat na kaibigan lamang ni Tong Yan kung bakit nito ito ginawa, at dahil ang mga pagkakamali ay hindi naman seryoso, hinayaan nila ito.

Pero ngayon, napunta na sa antas ng pagpatay si Tong Yan para lamang tulungan ang Lin family. Nagduda na sila ngayon na patuloy na iniimpluwensiyahan ng Lin family at ginagamit ito ng matagal nang panahon.

Alam nila ang tungkol sa alitan sa pagitan ng Xi family at Lin family. Nasabihan si Tong Yan na ang Lin family ay masyadong mabait para kumilos laban kay Xinghe, kaya paano ito naging posible/

Ito ay dahil sa ginagamit nila si Tong Yan para atakihin si XInghe. Isa pa, ang kalusugan ng presidente ay lumulubha sa mga nakaraang buwan, kaya naman kinakailangang magpaka-low profile ng Lin family. Lalo tuloy nilang pinagdudahan na ang lahat ng ito ay dahil sa ayaw nilang mabahiran ng dugo ang kanilang mga kamay, kaya naman ipinadala nila si Tong Yan para matupok ng apoy.

Isa pa, kapag nabunyag ang krimen ni Tong Yan, ang reputasyon ng pamilya ng Tong at Shen ay maaapektuhan, at dahil dito ang pagkakataon nila na lumaban para sa posisyon ng pagkapresidente ay mawawala. Kaya naman, ang Lin family ay gumamit ng isang bato para patayin ang tatlong ibon!

Una, nakaganti na sila ng hindi man lamang nag-aangat ng isang daliri.

Ikalawa, masisira nila ang Tong family at Shen family sa pamamamagitan ni Tong Yan.

Ikatlo, maaani nila ang benepisyo mula sa kaguluhan at matagumpay na makukuha ang posisyon ng pagkapresidente!

Habang lalo itong iniisip nina Elder Shen at Elder Tong, mas lalong dumidilim ang kanilang mga mukha. Kahit si Shen Ru ay inisip din ang tungkol sa mga implikasyon nito…

Bumaling siya sa kanyang ama at biyenan ng may takot. "Dad, ano ang dapat nating gawin ngayon?"

Seryoso at mabilis na sinabi ni Elder Shen kay Elder XI na, "Elder Xi, mukhang kailangan na nating putulin ang pagkikitang ito. May importante lamang kaming kailangang puntahan."

Dumagdag din si Elder Tong. "Tama iyon, mayroon kaming kailangang gawin at importanteng pag-uusapan."

Naghihintay si Elder Xi sa kanila na sabihin ito. Ngumiti ito ng maliwanag at sinabi, "Naiintindihan ko, bakit hindi na lamang tayo magkita at magtsaa isang hapon sa linggong ito?"

"Walang problema, aayusin ko iyan," pangako ni Elder Shen.

"Kung ganoon, ang pagpupulong na ito ay tapos na," anunsiyo ni Elder Xi bago sinulyapan si Tong Yan ng may antas ng panlilibak. "Hindi namin kasalanan na abalahin ang isang maliit na bata, isa pa ay hindi naman niya eksaktong kasalanan ito sa simula pa lamang."

Natuwa sina Elder Shen at Elder Tong; sa wakas, ang pagkakasala ni Tong Yan ay nasa likuran na nila. Nakaiwas sila sa malaking trahedya na paparating, at nalaman pa nila ang tungkol sa mga pakana at ambisyon ng Lin family.

Salamat na lamang, nadiskubre nila ito ng maaga kung hindi ay huli na ang lahat. Ngayon, oras na para gumanti!

Nangahas ang Lin family na gamitin sila? Kamatayan ang hanap nila!

Mabilis na dinala paalis ni Elder Shen si Tong Yan. Wala pa ding malay si Tong Yan sa nangyayari; masaya lamang siya na napatawad na siya. Gayunpaman, ang lahat ay umalis sa lugar na iyon nang may mabigat na puso.

Walang ideya si TOng Yan na ang kaparusahang naghihintay sa kanya ay house arrest. At least hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataon na makasalamuha ang mga tao mula sa Lin family pa.

Sa sandaling umalis sila, pumasok naman sa sala si Mubai.

Tiningnan siya ni Elder Xi at tumawa. "Isang mahusay na gawain kung ako lamang ang magsasabi. Tingnan natin kung paano ito aayusin ng Lin family."

"Wala tayong aktuwal na ebidensiya laban sa Lin family. Ang pinakamagagawa nila ay ang gipitin ang Lin family," sabi ni Mubai ng may malamig na ngiti.

ตอนถัดไป